Chapter 39 ♡

55.9K 1.2K 42
                                    

Happy birthday sa crush ko na si Kuya Sic the great Santos!

****

Daniel Padilla's POV:

"Pre ilag!!!" sigaw ni Enrique. Mahigit bente na yata ang nakapalibot samin at yung iba may hawak na steel chairs at baseball bats.

Pwe! Mga duwag

Nakailag ako sa nagbalak pumukpok sa ulo ko ng baseball bat. Bakal pa ito paniguradong patay ako pag tinamaan ako sa ulo. Takot ako sa dugo... pero joke lang!

"Salamat" Yun lang nasabi ko dahil sunod sunod kong sinuntok yung mga sumusugod sakin. Makunat sila, pero yung iba tulog na.

"PUTANGINA ANG BOBO NYO! SUGOD PA!" Napadura pa si Albie. May tama yata 'tong isang 'to! Nagpatuloy lang ang suntukan medyo pagod na ako at ang mga kaaway ko.

Makikita mong hingal na hingal na sila.

Ang tagal dumating ng resbak ni Khalil

"MGA INUTIL! TUMAYO NGA KAYO DYAN!" PInagsisipa ni Albie ang mga nakahiga niyang kasamahan. Tanga pala siya eh siya na ang bumubugbog sa mga kakampi niya.

Sa kabilang banda nakita ko si Kath at sinusubukan niyang makawala sa tali niya. Tinanguan ko nalang siya, dapat ay hindi kami magpahalata kay Albie at paniguradong mas ilalayo niya si Kath pag nagkataon.

Suntok. Iwas. Suntok. Iwas.

Paulit-ulit lang ang ginagawa namin, hinihintay ko lang maalis ni Kath yung tali at paunti-unti (hindi napapansin ni Albie) ay lumalapit ako sakaniya. Nakikita ko ang takot sa mukha niya pero makikita mo din kung gano sya kadesididong makalaya..

Habang papalapit ako parang may kung anong tumama sakin...

"SAPUL SIYA BOSS!"

Napahiga ako. Anak ng! Tinamaan ako sa ulo. Nawala yung concentration ko...

"DANIEL!" si Kathryn ang sumigaw.. napatingin ako sakaniya, nakasabunot si Albie sa buhok niya.

"Ngayon Daniel, ngayon mo makikita kung pano ko markahan ang sa iyo" Sinimulan niyang halikan sa leeg si Kath. Sa gilid ko nakita kong tumba na din si Enrique...

"GAGO KA!" Ang pagsigaw nalang ang nagawa ko... sobrang sakit parang mababasag yung ulo ko. Naramdaman ko na din ang pagtulo ng dugo kung san tumama yung baseball bat.

"ALBIE WAAAAAAG!!!" Nakikita ko ang paghihirap ni Kath. Pababa ng pababa ang paghalik ni Albie..

Anong gagawin ko?

Anong gagawin ko?!

Natataranta na ako.

Bakit kailangang mangyare samin 'to?

"Kung di ka mapupunta sakin Kath.. WALANG MAKAKAANGKIN SAYO!!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Nakakasawa ang halakhak ni Albie. Maya maya pa may ginawa siya at nakita ko ang isang bombang nakatali kay Kath.

Dalawang minuto..

Dalawang minuto nalang at paniguradong sabog na ito.

"Kung ako lang sana ang pinili mo Kath.. Kung ako lang sana, hindi na tayo magkakaganito." Dinilaan ni Albie ang pisngi ni Kath at napangiwi si Kath..

"Albie.. wag mong gawin 'to" pagmamakaawa ko. Kumukuha ako ng oras.. ng tyempo para sugurin siya. Bahala na si Batman.. Unti-unting naglalaho ang sakit sa ulo ko pero may napupuntang dugo sa mga mata ko. Nakapikit na ang kalwang mata ko.

Kailangan ko ng oras pero ilang segundo nalang ay paniguradong maglalaho na kami.

"HA HA HA. Takot kang mamatay ha Padilla? Too bad yun ang magiging kapalaran niyo... nating lahat na nasa kwarto na ito!" Lumapit si Albie sakin. Umaayon ang pagkakataon samin. Sinenyasan kong tumakbo si Kath.. dahil nakita ko na nakawala na siya sa tali ng hindi napapansin ni Albie.

Sinilip ko din si Enrique at sinenyasan na din na tumakas... kailangan siya ni Julia M.. ayos lang na ako ang mawala...

Pero pareho silang napailing ni Kath! Pinanlakihan ko sila ng mata.

Wala ng oras...

Isang minuto nalang

Isang minuto.. Anong pwedeng gawin sa isang minuto?!

"Ahhhh" Napangiwi ako dahil tinapakan ni Albie ang kanang kamay ko, medyo diniinan niya pa. Tatatyo sana si Kath pero umiling ako. May mga luha na sa kaniyang mga mata... palapit naman si Enrique sakanila, yung mga kalaban namin kanina ay umalis na at nagsilbing look-out sa labas.

"May huling mensahe ka ba bago ka mawala sa mundong ito, Padilla?" tanong ni Albie.

50 seconds.

"Gusto ko lang sabihin na di ko pinagsisisihang mahalin si Kath.. SIya man si Ms. Loner o hindi... masaya ako" Pumikit ako dahil kumikirot sa sakit ang aking kamay...

45 seconds

"AWWW ang sweet mo naman" dumuko siya at hinawakan ang baba ko para mapatingin ako sakaniya.

40 seconds

Ito na ang pagkakataon na hinihintay ko. Gamit ang kaliwang kamay ko ay sinuntok ko siya ng pagkalakas lakas at napatumba siya...

30 seconds

"TAKBO NA!" sigaw ko at tumayo na si Kath at si Enrique.. sabay silang tumakbo palabas

25 seconds

Naunang nakalabas sina Kath sakin... Nasa kalahati palang ako ng kwarto... Napatingin ako kay Kath at pagkatapos ay nilingon ko si Albie.

20 seconds

Wala pa din itong malay.. Inisip ko ang mga bagay na sinabi niya sakin. Dati kaming magkaibigan ni Albie.. at inamin niya ang galit nya sakin

15 seconds

Nang dahil sa inggit ganito ang kinahantungan namin.. kaya ko pang baguhin ito.

"DANIEL! LUMABAS KA NA!" Narinig ko ang sigaw ni Kath. Nagpapasalamat ako sakaniya... dahil sakaniya nagbago ako.

Tumakbo ako patungo kay Albie.. at inakbayan ko sya para itayo. Medyo mabagal ang paglakad ko dahil sa pagod at napuruhan na din ako pero pinagpatuloy ko ang paglakad.. nasa kalahati ulit kami ng kwarto

10 seconds

Naramdaman ko ang pag-gising ni Albie.

"Bakit?" may luha sa mata niya.

"Naaalala mo pa ba? Bros before hoes. HAHAHA." nagawa ko pang tumawa sa sitwasyon. Medyo malayo pa kami sa pinto... pero hindi ako nawalan ng pag-asa...

5 seconds

Mas lalo naming binilisan.. pero parang ang layo layo pa din.

Nakita ko ang pag-iyak ni Kath.

4 seconds

Tinignan ko lang siya habang lumalakad..

3 seconds

"Kath"

2 seconds

"Mahal na mahal kita"

BOOM!!!!!!

***

Sana umabot tayong 700k reads huhuh Christmas gift niyo nalang sakin :( :)))). hihi pls tweet about your thoughts :D. Twitter: @dhanedelionWP.

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now