Chapter 23 ♡

85.3K 1.3K 133
                                    

Kathryn's POV:

Monday. Hindi ako makatingin ng diretcho kay Albie, at ang masaklap pa... Mag pa nga ay seatmates pa kami. Tsk. Bakit? Bakit! Buong week na parusa ito.

Hmmm. Alam ko na! Hihingi ako ng tulong kina Sisters ko!!! Makalapit nga sakanila... Pero teka? Bakit umiiyak si Julia M.?

"Huuuuuuuu...." humahagulgol si Julia M. at walang tigil ang pag-iyak nito.

"Shhh.. Tahan na Julia. Tahan na, ano ba kasi ang iniiyak mo?" tanong ni Sofia. Pero mukhang shocked pa din si Julia. Utal utal siya.

"Kasi... Video... Video... Huuuuuu..." namumula na ang ilong ni Julia sa kakaiyak. Lumapit na ako at tinulungan ko si Sofia na magpatahan kay Julia. Ganito kasi siya lagi pag umiiyak siya, mahirap patahanin.

"Sis, tahan na oh... Kung ano man yun, siguro may plano si Lord kaya nangyare yun." sabi ko. Napatingin naman siya sa akin, mapula na ang mga mata niya. Patay kami nito. Malapit ng pumasok yung first subject teacher namin.

"Talaga? May dahilan?" balik-tanong ni Julia na medyo ngumingiti na.

"Oo naman! Di ba nga sabi nga ng kasabihan diyan. 'Everything happens for a reason'? Malay mo... Malay mo lang mas maganda pa yung mangyayare." sabi ko sakaniya. Sumegunda naman si Sofia at tumango tango pa kami.

Pinuasan niya yung luha niya at tumigil na sa pag-iyak. Hawak-hawak pala niya yung digi-cam niya?

"Anong video ba kasi 'yun?" tanong ni Sofia. Umiling lang si Julia at tumawa. See? Bipolar siya.

"Everything happens for a reason." at nagsmirk pa siya!!! Tignan mo 'tong babaeng 'to!

"Ewan ko sayo... Si Kath lang pala makakapagpatahan sayo!!! Hay! Maiwan ko na nga kayo!" natatawang sabi ni Sofia. Nakitawa na din ako at bumalik sa pwesto ko.

Wait, bakit ako bumalik dito? Nandito na si Albie...

Si Albie

Si Albie?

Si Blue Bear?

Si BLUE BEAR!!!

Si Blue Bear daw?

"Good morning Kath!" sabi niya, pero bakit hindi siya makatingin sakin with matching pawis pa? Siguro may ginawa siyang mali? HAHAHA. Wala lang.

Tinuro kasi samin sa Psychology na pag hindi makatingin ng diretcho plus namamawis = may nagawang mali or nakokosensya. Ewan ko ba?

"G-good morning din Albie..." hindi ko na din siya tinignan ng mata sa mata. Baka kasi kung ano pa ang lumabas sa bibig ko.

"So... Kamusta?" tanong niya. Pumasok naman yung teacher namin na si Ms. Dombriguez at nagcheck ng attendance. As usual present kaming lahat! Pag tag-ulan lang may absent dahil binabaha sa lugar nila.

"Ayos lang. Ikaw?" Ang dry ko ba? Kasi ayaw ko na matagal kaming mag-usap. I feel weird. Parang may mali? Parang may hinahanap-hanap ang puso at isipan ko...

"Ayos lang din.Uhm..." hindi na nakapagsalita si Albie. Buti naman, kundi aalis talaga ako at magcucut! TAMA. Magcucut ako!

Naka-ilang lesson din kami at seatworks at quizzes bago tumunog ang bell hudyat para lunch na!

Lunch time na, sinenyasan ko kaagad sina Julia at Sofia na lumabas na kasi alam ko si Albie... Ano.. Oo, alam niyo na.

Tumakbo ako agad palabas!!! Tumamakbo ako ng mabilis na mabilis dahil gusto kong mauna sa canteen!!

Hanggang sa...

*BOOOOOOGSHHHHHH*

****

Daniel's POV

"Aray... Aray."

Nakita ko si Kath na nakaupo sa floor. Napano 'to?

"Sis, tayo." Lumapit agad si Julia M. sakaniya.

"Aish!!! Clumsy mo naman Kath" sabi ni Sofia.

Lumapit na ako at inalok ko ang kamay ko kay Kath, parang napuwing pa siya kaya kinuha niya ang kamay ko. Pero nung parang nakatayo na siya at nahimasmasan bumitiw din agad.

:(

"S-salamat Daniel..." sabi nito at agad namang umiwas ng tingin. Okay, balik nanaman ba kami sa iwasan? Bakit nga ba kami nag-iiwasan? Naguguluhan na ako ahhh...

"HAHAHAHA. Bakit mo ba kasi iniiwasan si Albie? Ano ba ang ginagawa sayo nung tao?" tanong ni Julia M. kay Kath. Tinakpan naman ni Kath ang bibig ni Julia at ginawa ni Kath ang sarcastic face.

"Sis... Tara na nga." sabi nito sabay hila kina Julia at Sofia.

ANO DAW? INIIWASAN NIYA SI ALBIE?

"Oh, ba't nakangiti ka diyan?" tanong ni Enrique habang ginu-gulo ang buhok ko.

"Anong nakangiti? Hindi kaya!!!" sabi ko at tinanggal ko ang kamay niya sa buhok ko. "Humanda kayo ng grupo niyo sa Game 3. TATALUNIN ko kayo!"

May pa-basketball game kasi yung school at pinili kami ni Enrique bilang team captains. Best of 2 lang dahil malapit ng matapos ang sem, eh tie kami. 1 all! Itong game 3 ang pag-asa kong makabawi

"Talaga lang huh! Kayo ang matakot! Weak kaya ang Team Daniel!" sabi ni Enrique habang nakasmirk din. Tsk... Yabang nito. Pakainin ko ng Mang Juan 'to eh

"Hoy! Bromance!" sabi ni Khalil. Napatingin kami sakaniya. Ang mokong 3 linggong umabsent dahil pumunta sa Tarlac! (HAHAHA maisingit ko lang hometown ko :D. Hello po Tarlacqueños)

"Bromance ka diyan!" sabay namin na sabi ni Enrique sabay tawa. Bromance nga ba? Ano 'to? DanQuen?! 

DanQuen Donut?

HAHAHA joke lang!

Tsk. Solid kaya ako!!!

Pero pangako ko... Sisiguraduhin ko na matatalo ang Team Enrique! PANGAKO! SOLID!

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon