Chapter 6 ♡

107K 1.6K 74
                                    

Daniel's POV

Ano? Kukunin ko kaya ang phone niya? Pero baka kung ano naman ang masabi nito sakin? Baka akalain niya pinagsasamantalahan ko siya? Baka iba din isipin nung nurse! Nako nalintikan pang nagkataon!

Bakit ganun? KakaGM ko lang tas sabay na tumunog phone niya? Hindi. Hindi ako mag-aassume, hindi naman kami close nitong si Kath at kakakilala ko lang sakaniya!

Wala naman akong number niya. Oo tama, wala naman kaya bakit ko iisipin na siya si Ms. Loner? Hmm. Nahihibang na ako! Baka nung inamoy ko din yung bulaklak baka may nakapasok sa utak ko

Coincedence lang ba ito?

Ano na?

Parents niya siguro yun?

Sabing hindi ako mag-aasume eh! Bakit parang hinihiling ko na si Kath si Ms. Loner? Tsk. Masyado ng madaming nangyare sa araw na ito at parang nahanginan yung utak ko? Oo, yun yung explanasyon dun! Hindi na ako papaapekto..

 Pero.

Hay. Gulong gulo ako. Ewan ko ba kung bakit. Kasi ganito yan. KakaGM ko lang. Tapos sabay ding tumunog yung phone ni Kath. Ang sarap pa ng tulog niya. Di ko alam kung parents niya yun oh may iba pang nagtext... Paikot-ikot nalang ako sa mga tanong at hindi ako mapakali.

50% ng utak ko sabing tumingin sa phone niya

50% naman hindi baka anong mangyare?

Anong gagawin ko?

Bahala na! Lumapit ako kung nasan yung bag niya...

 Binuksan ko, madaming gamit dun lalo na libro! Grabe ang liit liit ng bag niya pero ang daming laman? Siguro ang bigat bigat nito pag binubuhat niya? Ang payat payat niya nga lang pero wow ang lakas. Tama nga na wag munang manghusga hanggat di mo alam ang nangayare!

Napailing ako para iclear yung utak ko. Ang daming hugot! Ang dami kong nalaman... hinanap ko na yung phone niya. Hindi ko masyadong binuksan yung bag para pag nagising siya ay safe na ako. Kumapa na ako

*hanap*

 *hanap*

 *hanap*

 Ayun!

 "Hmmm...." Wait. Magigising na yata si Kath!

Ano.. Uhm... Binalik ko nalang ang phone niya at dali dali kong sinara yung bag niya at umupo

 Minulat niya ang mata niya

***

 

Kathryn's POV

"Asan ako?" tanong ko. Familiar ang lugar na ito. Dejavu? O____O. Clinic nanaman? Pinaglihi yata ako ni mommy Min sa clinic? Every now and then nasa clinic ako. Batang clinic nalang sana ang pangalan ko

Tumingin ako sa right ko. Ahhh.. Si Daniel lang pala akala ko kung sino. Babalik na sana ako sa pagtulog ko dahil nakaramdam nanaman ako ng antok pero...

 Wait, scratch that! Si Daniel?

 SI DANIEL?!

 Agad akong bumangon at niyugyog siya na parang wala ng bukas. OA ba? Pero nagawa ko na. Kaming dalawa nanaman kami sa clinic. Baka yung title ng kwento namin ay: Clinic Love. Ang baho naman, tsaka bakit love ang iniisip ko? Nasisiraan na ako ng bait sa mga ito!

 "Daniel..." sabi ko. "Daniel gumising ka nga diyan wag ka ng magtulug-tulugan style mo gasgas na!"

"Ah.. Ehhh.. Ano, kasi inatake ka nanaman ng asthma mo dahil dun sa bulaklak na pinaamoy ko sa'yo." pagpapaliwanag nito, maputla yung mukha niya. Magdududa na ba ako?

Bakit parang may mali? Parang namamawis siya eh ang lakas naman ng aircon?

Hinawakan ko ang noo niya.

"May sakit ka ba Daniel?" tanong ko. "Kapawis mo diyan ee. Namumutla ka pa" fineel ko din yung leeg niya baka hindi na tama yung temperature niya.

Nag-iwas lang ito ng tingin. Inalis ko naman yung kamay ko sa leeg niya.

"W-wala..." sabi ni Daniel. Pero seryoso... Nauutal na siya. Siguro pinicturan ako nito tapos ikakalat sa school? Hmm. Wag assuming Kath hindi naman kayo close

At subukan lang niya baka hindi na siya magising. Bwahahaha. Joke!

"May ginawa ka ba?" pag-uusisa ko

"WALA ah!" sigaw niya

Nako halatang meron. Kung ano man iyon, hindi ko na inalam pa.

"Oo nga pala Kath, tumunog phone mo.." sabi ni Daniel at nag-iwas ng tingin. May something fishy talaga sa isang 'to eh. Yung mukha niya parang guilty pero baka naghahallucinate lang ako sa sobrang pagod?

Pakasabi niya nun, kinuha ko ang phone ko.

1 message received

Open

From: Blue Bear

Ano ba iyan, here we go again, just like the first time we met

 Good Afternoon! Keep safe

GM#BlueBear

 Parang recently may problema itong si Blue Bear.

 Reply

 Ay. Wala pala akong unli. -_____-. Badtrip naman dapat yung unli ko pang1week na eh. Bitin yung 2 days sa All20. Hay nako Globe kailan kayo maglalabas ng bagong promo yung unli forever? Joke chos lang.

Ilang araw na din akong busy. Kasi naman nagtitipid ako. Malapit na ang birthday ko.

"Sino yun?" tanong ni Daniel. Parang chismoso lang?!

"S-E-C-R-E-T." sabi ko at tumayo na ako at kinuha ko yung bag ko. Syempre may ngiti nanaman sa mga lips ko dahil Blue Bear eh. Sya lang yata nakakaintindi sakin.

Tumayo na din si Daniel

"Kath ako na." sabi niya sabay kuha sa bag ko. Hindi naman ako lampa eh. Kaya ko.

"Di ako na.."

"Kath naman ee."

"Daniel ako na!" giit ko

Pinag-agawan namin yung bag ko

Hanggang sa

*BOGGGSSSSSSSSH*

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now