<Epilogue>

35.9K 802 202
                                    

Thank you for making it this far! At kung di ko man mameet yung expectations niyo, I'm sorry. Rush na kasi ito dahil may pasok na ako. Napressure lang din ako sa mga comments na "bitin" at "UD"

Walang book 2 :)

Date finished: 8/31/2015

**********

They'll tell you to follow your heart but my heart is in a million pieces and I'm not sure which piece to follow..

"Kath... Kath.. Wag mo akong iwan please... please... di ko kaya..."

Sabi nila pag nagmahal ka... given na yung masasaktan ka. Pain is inevitable nga di ba? Pag nagmahal ka dapat handa kang lumaban... handa kang ipaglaban siya kahit anong mangyare at kahit sino ang masaktan sa paligid mo.. that's love right?

Ano nga ba ang ibig sabihin ng true love? Pano mo masasabing true love yun? Is it when your heart skip a beat whenever he/she is there? Yung tipong makita mo lang siya kumpleto na yung araw mo? Ang true love ba ay yung kapag siya yung dahilan kung bakit ka masaya at siya din yung dahilan kung bakit ka nalulungkot? Yun na ba ang sukatan?

"Kath... I'm sorry"

Sa buhay hindi lang pwedeng puro love ang mangingibabaw. Mahirap... masakit... Minsan kailangan nating isipin yung mga bagay na mas importante.. Yung pamilya natin. Yung pamilyang nandyan sa tabi natin kahit anong mangayare. Yung pamilyang tanggap tayo kung ano tayo. At yung pamilyang handang ibigay ang lahat para satin. Talikuran ka na ng buong mundo pero ang pamilya mo? Never.

Sabi sa Philosophy there are 4 kinds of love pero isa lang ang gusto kong sabihin. Ito ang selfless love.. ito yung love na konting tao lang ang kayang magbigay. Pag nakilala mo yung taong kayang magbigay ng selfless love ay napakaswerte mo na! Dahil sa pagkakaalam ko at sa mga research na ginagawa ng madaming tao.. dalawang tao palang ang nakakapagbigay nito.

"Bes.. wake up please.."

Una ay ang Diyos.. He gave up His life to save us.. Tayo na walang ginawa kundi ang kalimutan Siya. We live in a selfish world and we, ourselves, are selfish enough to forget what He did to us. Ang alam lang natin ay ang sarili natin. Ni simpleng dasal sa umaga di na natin magawa dahil sa sobrang paglimot natin Sakaniya.. pero nagalit ba siya? Hindi...

Pangalawa ay ang mga nanay natin. Did you know na hindi lahat ng nanganganak ay nabubuhay? Akala niyo ba madali lang ang magbuntis? Nine months na paghihirap tapos isang araw pwedeng mawala nalang ang buhay ng isang ina sa pagluluwal niya sa anak niya. Saludo ako sa mga nanay... they know na pag nanganak na sila ay yung isang paa nila ay nasa hukay na but they will still continue in delivering their baby. Tapos ano? Nung tumanda na tayo ay sinisigaw-sigawan nalang natin sila? Sinasagot-sagot? Binabalewala? Hindi niyo lang ba naisip yung nararamdaman nila habang nakikita na yung dahilan kung bakit sila muntikang mamatay ay wala nalang pakialam sakanila? Is that fair?

"Kathryn... anak.."

Gustong gusto kon gumising.. gustong gusto kong magpasalamat sa mga boses na naririnig ko pero hindi ko magawang imulat ang mga mata ko at nararamdaman ko ang pagmamanhid ng kamay ko halos hindi ko na ito maangat.. Nakakakita ako ng liwanag at mga flashbacks sa utak ko. Nasa isa akong magandang hardin at nakita ko ang taong gustong gusto kong kausapin... si Albie.

Patay na ba ako? Wala akong matandaan sa huling ginawa ko para mapunta dito sa lugar na 'to. Pano napalitan ang damit ko ng puting bestida at san napunta ang mga sapatos ko? Bakit nakatapakan nalang ako?

Pinagmasdan ko yung paligid. Tahimik at amoy na amoy ang halimuyak ng iba't ibang uri ng bulaklak. May mga umaawit din sa paligid at may mga lumulutang na musical instruments. Mayroon ding fountain na may mga batang naglalaro dito... bigla akong nakaramdam ng isang maliit na kamay na humawak sakin.

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now