Chapter 32 ♡

64.6K 1.1K 117
                                    

Kathryn's POV:

"Kathryn Chandria Manuel Bernardo... will you be my girlfriend?" sabi ni Daniel tapos biglang ngumisi. Wala akong masabi hanggang sa lumapit siya sakin.

Parang tumigil yung nasa paligid. Walang gumagalaw kundi kaming dalawa lang tapos tumitig ito sakin ng matagal. Para akong natutunaw sa mga titig niya, tumatagos sa kaluluwa ko yung mata niya.. parang napupunta ako sa ibang dimension!

Narinig ko na nagsikiligan ang mga tao sa paligid... napatingin ako kina Julia M at kay Sofia at kitang kita ko ang ngisi sa labi nila. Nag-ok sign pa nga si Sofia eh at kinikilig habang may hawak na digi-cam na nakatutok samin.

"Tinatanong kita Kath... will you be my girlfriend?" Di ko napansin na sobrang lapit na ni Daniel sakin!!! Grabe tapos hinawakan niya yung likod ko at medyo parang hinhiga ako..

"D-daniel!!! Hoy!" sinigawan ko siya! Ang loko todo ngiti lang at parang walang naririnig! Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko nang naging seryoso na siya.

"Sagutin mo na kasi ako... Oo o Oo?" namamaos na bulong nito sa tenga ko.

Ayan na...

Papalapit na ang labi niya...

Sa labi ko...

Napapikit ako...

Ano ka ba Kathryn! WAG KANG PUMIKIT! MAGPUMIGLAS KA!!! Tsk, pero taksil ang katawan ko ayaw sumunod sa sinasabi ng utak ko!

Nararamdaman ko na ang hininga nya...

Ayan na...

Konting push nalang...

KATHRYN LUMABAN KA!!!!

Naramdaman ko na ang matangos niyang ilong sa may ilong ko...

Napansin ko na tumigil siya...

Napamulat ako ng mata...

OMG! IBA NA YUNG HUMAHALIK SAKIN! SI ALBIE NA!!!

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!"

****

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!"

"Gising Kath! Anak binabangungot ka!!!!" boses ni Mommy yun! Nung pagmulat ko ng mata agad akong yumakap sakaniya at naghahabol ng hininga. Para akong nakipagkarera sa pinakamabilis na hayop... para akong hinabol ng aso sa sobrang bilis ng tibok ng puro ko.

Alam niyo feeling na parang lalabas na yung puso ko sa kaba? Nagulat talaga ako sa mukha ni Albie! Hindi ko inaasahan. Kung bakit pa kasi ganun ang panaginip ko!

"Grabe mommy! Yung panaginip ko! GRABE TALAGA!!!!" kwento ko dito at eksaheradang napatayo with action na tinaas ko yung kamay ko.

"Kalma lang anak! Kalma. Nandito lang yun... Ano ba kasi yun?" tinitigan ako ni Mommy Min, naghihintay siya ng sagot.

PATAY!

Hahahaha.

Hindi niya pwedeng malaman.

Uhhh magpalusot ka Kath! Magaling ka diyan!

"Kasi Ma napaniginip ko si... Luigi (aso ko) lumaki daw bigla at tumaba tapos di na makapasok sa pintuan ma! Opo yun yung panaginip ko! Ihi lang ako Ma ah?" bumangon na ako sabay takbo sa cr. Nahihiya ako sa palusot ko at knowing Mommy Min hindi siya maniniwala!

Lagot baka paimbestigahan niya ako? Hay! Wag naman sana! Nung nabully kasi ako dati, hindi ko alam na, alam pala niya kaya naman kinausap niya yung mga nagbully sakin pat mga parents nito!

At sa totoo lang kung ako yung nagbully sakin o ako yung parents nung nangbully sakin ay makokonsensya ako sa sinabi ni Mommy nun!

Balik tayo sa panaginip ko!

Sa dinami dami ng pwedeng mapaniginipan bakit yun pa? Ilang araw na ang nakalipas simula nung gawin ni Daniel yun? Aish bakit?! Bwisit!!! pinagpapalo ko yung sarili ko. Ginulo ko yung buhok ko at bahagyang naghilamos ng mukha para mahimasmasan naman kahit papaano!

Ahhhh!!!! Ginugulo ni Daniel ang buhay ko... di lang buhay pati puso!

"Kath anak? Ayos ka lang ba?" Si mommy biglang kumatok!

"Opo ma! Ligo lang po ako!" palusot ko. Pero napatitig lang ako sa salamin. Muntanga pero kinausap ko ito. Hindi ako nababaliw pero ito lang ang way ko para magreflect sa mga nangyayare... para na din makalma ako!

"Kathryn Chandria Manuel Bernardo... napano ka?"

"Di ko din alam"

"Bakit si Daniel ang laging laman ng panaginip mo ha?"

"Di ko din alam!!!!! Kainis!"

"Di naman kaya GUSTO mo na siya?"

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now