Chapter 40 ♡

63.8K 1.3K 301
                                    

As promised. Last chapter then Epilogue na tayo guys!

****

Kathryn's POV:

"Kath stop crying na.." Kanina pa ako pinapatahan nila Sofia at Julia M... pero wala akong magawa kung hindi ang umiyak.

All I wanted was a normal school life.. kaya nga naging wallflower slash nerd ako. Oo nabully ako sa suot ko pero hindi ko naman pinansin yun. Nagkakaroon ng mga bully dahil siguro ay dati sila ang nabubully ngayong sila na ang superior ay ginagawa nila sa iba ang mga bagay na akala nila ay tama.

Akala nila maayos nila ang past nila pag sila din ang nambully.. pero mali yun.

"Bakit ganun Julia? Sofia?" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil naiiyak nalang ako. Parang wala na nga akong maiiyak eh.. Ilang araw na akong ganito.. ilang araw na hindi kumakain pagkatapos ng aksidente sa school.

Yung mga kasabwat ay na-expel sa school.. kulang pa nga daw yun sabi ni Daddy.. Kulang pa yun dahil dapat silang makulong. Hindi biro yung ginawa nila..

Lalo na at may namatay...

Napatingin ako sa kawalan habang patuloy na umiiyak... Hindi ko na pwedeng ibalik yung nakaraan, kung pwede lang ay siguro uulit ulitin ko yung araw na yun tapos pauli-ulit ko din siyang ililigtas. Napakahina kong babae, ang nagawa ko lang nung araw na yun ay umiyak, ngayon.. ngayon wala na siya.

Ni hindi man ako nakapagpasalamat sa mga ginawa niya sakin. Part of me changed because of him. Hindi ko siya maintindihan minsan pero mas madalas naman na okay kami.

Sabi nga ni Mama.. "It's part of growing up"

Kailangan ko ng mag let go at hopefully makamove-on na ako.

"Bukas na siya ililibing.." Napabulong ako habang hawak hawak ko yung damit na susuotin ko, umalis na sila Juli at Sofia. I have to be presentable, sa libing man niya lang ay maipakita ko sa mga tao na okay na ako.. kahit na hindi pa. Kahit na matagal siguro bago ko makakalimutan ang mga pangyayare..

Simpleng blue dress lang ito na abot hanggang tuhod ko, sina Julia ang pumili nito dahil wala akong lakas ng loob na lumabas sa bahay. Natatakot ako sa mga tanong nila sakin.. natatakot akong balikan ang araw na iyon at ipaliwanag ang bawat detalye sakanila...

Kahit sa pagtulog ko naririnig ko yung mga boses na sumalubong sakin noon..

Madaming nangyare sakin..

All because I just loved

Nagmahal lang naman ako... Bakit kailangang may ganito pa na mangyare? Hindi ba pwedeng happy ending na kami? Ah oo nga pala.. sa fairytales lang pala yun.

"Kath, anak nandyan ka ba? Tulog ka na ba?" Kumatok si Mama. Iniayos ko sa drawer yung damit at humiga na sabay binalot ko ng kumot ang sarili ko, ayaw kong makita ako ni Mama na umiiyak dahil ayaw kong mag-alala siya.

"Tuloy po ma bukas po yan" Mabuti nalang at may natitirang lakas pa ako para magsalita.

Bumukas ang pinto at pumasok si Mama.. naramdaman ko ang pagupo niya sa kama at ang paghaplos sa buhok ko..

Tahimik akong humihikbi at hindi ko napigilan na mapayakap sakaniya. Naiiyak nanaman ako.

"Shhh, Kath tahan na hindi mo kasalanan 'to" Pinagpapatuloy ni Mama ang paghaploas sa buhok ko at ang paghalik sa noo ko.

"P-pero Ma..." As I thought wala talaga akong nasasabi pag sobrang naiiyak ako, pero knowing my Mom alam niya ang mga saloobin ko.

Textmate [Kathniel]Där berättelser lever. Upptäck nu