Chapter 34 ♡

60.1K 1.1K 40
                                    

Kathryn's POV:

"Naman eh nasan na ba yun?" kanina pa ako sa labas ng bahay ko pero walang Daniel Padilla na dumadating! Ano ba late na kaya kami? Baka mamawis na ako at masira yung make-up ko na pinagpagurn ni Mommy Min.

Alam na pala ni Mommy Min yung tungko kay Daniel, na yun nga nanliligaw siya. Hindi ko maitago kay Mommy Min yun eh, di kaya ng konsensya ko!

Balik tayo, wala pa nga si Daniel, kinakabahan ako. Sisipot pa ba yun?

Tama ba na sya ang pinili ko? Huhuhu.

"Nasan ka na ba kasi???" di na ako mapakali. Kasi naman baka kung ano na ang nangyare dun! Eh di ko naman matawagan kasi wala akong number nya... Ano ba yan, mahingi ko nga mamaya pag nagkausap kami para may communication naman kami kahit papaano

Sa ganitong panahon naaalala ko si Blue Bear. Kamusta na kaya sya? Matagal-tagal na din simula nung huli kaming nagkatext after nun wala na akong connection sakaniya kasi nga nawala sim ko at di ko memorize number nya..

Hay.. Minsan nakikita ko yung ugali ni Blue Bear kay Daniel eh! Alam nyo yun? Yung sweet at caring..

Sa totoo lang di nanaman dapat ako pupunta ng prom eh! Kasi alam ko boring at walang gagawin. Pero dahil nagpumilit si Julia M. at Sofia.. Ayun wala akong nagawa! Idagdag nyo pa na inimbita ako ni Daniel na maging partner nya.. *sighs*

Oo na kasi! Medyo crush ko na sya. Okay? Medyo lang kaya wag kayong maingay!!

Dinidiscover ko muna sa sarili ko kung ano ba talaga yung nararamdaman ko. Ayaw ko namang magmadali dahil takot akong masaktan.

"Asan ka na ba?" tingin ako ng tingin sa may kanto baka sakaling lumagpas lang sya or what... Hay! Napatingin nalang ako sa kalangitan. Walang masyadong stars ngayon ah? Uulan kaya maaya?

*beep!!!*

Isang busina ng isang Audi R8. Aba?

"Ay palakang tokwa!" napasigaw ako. BWISIT!!! HAHAHA. Alam mo yung nagmomoment kasi ako? Pero good news pa ay nandito na si Daniel. Sawakas!!!

"Sorry medyo nalate, traffic kasi dun sa pangatlong kanto bago ang bahay nyo. Sorry talaga!" sabi nya pagkababa nya sa kotche nya. WOW.. Parang kotche ni Batman! Ang astig! Kulay black at ang kintab

"Ah.. okay lang yun. Kakalabas ko lang naman eh" nginitian ko ito para di na niya sisihin yung sarili niya.

WEH KATH! SIGE PALUSOT PA MORE!!

Nagulat ako nung pinagbuksan nya ako ng pinto. Wow gentleman sya.. 1 point!

Dumating kami sa venue.. wala ng tao sa labas, feel ko nangalahati na yung program eh. Kahit college na kami ay napush pa din ng mga Student Council officers yung prom dahil magical daw ito para sakanila!

Medyo grand entrance nga yata kami neto.. Yung tipong pagtitinginan kami..

Pagpasok namin sa venue

WALANG TAO. Tapos may sign sa harap na:

JS PROM moved to blahblah date due to blahblah.

-_________-

OKAY

Nagkatinginan kami. Ano na?

"HAHAHAHAHAHAHHAHA" nagtawanan kaming dalawa. Ayan kasi ang napala namin sa di pagkinig sa mga announement. Di naman ako ininform nina Julia M. at Sofia? Ang daya talaga nung mga yun! Siguro tinatawanan na kami nun!

"So... ano na?" tanong ko at napatingin sakaniya

"Ikaw ba?" sabi nya. Medyo awkward kasi...

Habang naghihintay ako sa sagot niya ay nakita ko sa labas ang biglang pagpatak ng ulan.. at nung tumagal ay lumakas ito.

Great... Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sabi na eh! Tsaka balita ko may bagyo daw... Kaya siguro minove din yung prom namin?

"Sayang naman yung suot natin ano..." panimula ko habang nakatingin sa gown na nirent pa namin ni Mommy Min sa isang boutique.

"Halika ka ienjoy natin ang ulan." sabi ni Daniel. Kinuha nya ang kamay ko at habang nakasuit sya at prom gown naman ako. Naligo kami sa ulan

Dance in the rain?

New experience para sakin..

2 points for Daniel Padilla!

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now