Chapter 38 ♡

53.4K 1K 75
                                    

Daniel's POV:

"DANIEL! DANIEL!" sigaw ni Enrique. Napalingon naman ako agad dahil parang emergency at parang tinakbo niya yung kabilang building makita lang ako

"Ano yun tol?" tanong ko, hinintay ko pa na medyo maregain niya yung paghinga nya, mukhang malayo yung pinanggalingan niya?

"Alam ko huli na ang lahat para umamin ako..." wala eh putol putol, hinihingal pa kasi.

"Bakla ka?" tanong ko naman. Wala eh ganun ako kapogi. Alam niyo na Padilla yata 'to!

"SIRAULO. Si... Kath" dapat ba talaga pabitin? Kasi nakakainis minsan ano?

"BINUNTIS MO SI KATH NG HINDI ALAM NI JULIA? Anak ng, brod di ba sabi ko....."

"Gago! SI KATH AT MS. LONER MO IISA AT NASA PANGANIB SYA NGAYON DALIAN MO BAGO MAHULI ANG LAHAT." niyugyog niya pa yung balikat ko parang baliw na nakatakas sa mental.

"Ayun naman pala eh si Kath si.... Ms. LONER?!"

Tumango siya tapos parang ang bilis na magproseso ng utak ko dahil matagal na yung kutob ko na si Kath nga pero ang sabi ni Enrique nasa panganib siya? O_O

"HALIKA KA NA!!!! PAGSASAMANTALAHAN NI ALBIE SI KATH KUNG DI KA MAGMAMADALI! NARINIG KO SI JULIA B. AT ANG GIRLS NIYA NA TUMATAWA EWAN PERO MAY KAKAIBA SAKANIYA. DALIAN MO!!!!!!!!!!!!!" pinagtutulak ako ni Enrique. "Sa may abandonadong room ka pumunta, at eto dalhin mo 'to" BAKAL?! O_O. "Madami sila dun... tatawagin ko lang si Khalil! MAUNA KA NA!"

Tumango ako tapos agad na tumakbo. Shit bakit parang walang katapusan na itong corridor na ito? BWISIT!!!

Pero kasi yung mga hinala ko... yung nararamdaman ko. TOTOO LAHAT!

Kahit hindi ko alam na siya si Ms. Loner, ay sya pa din ang nakapagpatibok ng puso ko. Bonus nalang yung nawrongsend siya sakin. Wala sa mukha, basta boom! Nafall nalang ako.

"WAHAHAHAHAHAH AKIN KA KATH AKIN KA" boses ni Albie

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGG!!!!!!!!!!!" at boses ni Kath...

Putangina mo ALBIE!!!

Gusto ko na silang pasukin pero nasilip ko na madami sila mga lima.

DI AKO DUWAG!

Naninigurado lang ako na hindi pa nila gagalawin si Kath baka pag sugod ako ng sugod ay mas lalong ikapahamak ni Kath. Sakto naman na dumating sina Enrique, Khalil at may mga student council officers na may dala ng susi.

"Salamat!" bulong ko. Nagfistbump pa kami tapos ay sumugod na.

****

Kath's POV:

"Wag Albie... Wag." sinimulan niyang hubarin ang damit ko, pero wala pa man ay parang may nakasira na sa pinto, hindi ko makita dahil nakablindfold ako.

"KATH!" boses ni Daniel!

"Deeej--hmmmmp" hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil may panyo na tumakip sa bibig ko.

"Aba aba aba dumating na ang putangina" sabi ni Albie. Iba talaga ang epekto ng droga sa mga tao, nakakatakot! Sana ayos lang si Daniel!

"ALBIE! HAYOP KA! Bakla ka yata bro? Tsk. Walang kwenta rape pa ang gusto!" boses naman ni Enrique yun. Ilang tao kaya ang kasama ni Daniel? Hay nako ang hirap ng ganito hindi makakita at hindi makasalita.

"Wag kang makikisali dito Enrique, kung ayaw mo pati girlfriend mo ay tikman ko" sabi ni Albie tapos ay humalakhak siya.

"Gago!!!" yun lang tapos parang may naririnig ako na nagpipigil kay Enrique.

"Ano ba ang dahilan mo bakit mo 'to ginagawa?" Khalil?! Pati si Khalil? Shocks di ba nila alam na may mga sandata sina Albie. Sana safe sila, Lord.

"HEH WALA KAYONG PAKIALAM BASTA AKIN SI KATH! AKIN LANG AT WALANG MAKAKAAGAW! KUNG HINDI SIYA MAPAPASAKIN, MAS MABUTI NG WALANG MAKAKUHA SAKANIYA!!!!!!!" sa pagsigaw ni Albie nakarinig ako ng tunog ng mga bakal, yung steel chairs yata nila Albie yun. Kainis naman ang higpit pa ng tali sa kamay ko!

"PUTANGINANG PADILLA KA! KUNG DI KA DUMATING SA BUHAY NAMIN NI KATH EDI SANA MASAYA KAMI! PUTA KA MAMAMATAY KA NGAYON!!!" puro sigawan at tunog ng bakal yung narinig ko. Nagsimula akong umiyak, Lord protektahan niyo po sila sana walang masamang mangyare sakanila dahil baka di ko po kayanin!

"Albie, iba talaga ako eh kahit anong gawin ko sakin pa din si Kath" parang nambabluff si Daniel. Huhuhu. Ayos na ako na marinig yung boses nya na okay siya.

"ULOL! Siguro kung hindi mo alam na siya si Ms. Loner ay iiwan mo din siya!" isang malakas na tunog ng bakal nanaman.

"Ahhh...." parang napuruhan si Daniel.

"Daniel ayos ka lang? Ang dami nila masyado" si Enrique ang nagsalit di ko mapigilang mapaluha pa lalo sa narinig ko.

"Naman! Papatalo ba tayo sa mga lampa na yan? Tsk." bipolar na yata ako kasi napasaya ako sa narinig ko kay Daniel.

"PALIBUTAN SILA" hindi talaga titigil si Albie?

May katapusan pa ba ang away na ito?

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now