Chapter 43 ♡

31.9K 723 26
                                    

Sorry po natagalan!! Hahaha, writer's block eh.

******

Kathryn's POV:

First time ko yatang masaya ulit ang gising habang nakayakap kay Daniel na tulog na tulog. Inaalala ko yung nangyare kahapon! Sobrang saya ko dahil naalala niya yung nangyare noon... ibig sabihin ay unti unting bumabalik sakaniya ang mga ala-ala na kasama ako.

Feel ko nagblush ako habang tinitignan siya nang natitigan ko yung labi niya. Hinawakan ko naman ang labi ko at pumikit, pilit kong inaalala kung pano niya ako hinalikan kahapon.

Ay nako Kath! Ang aga namang kilig niyan!

Hay epekto ni Padilla! Di ko alam, kung maiinis ako o ipagpapatuloy ko lang ang kilig ko! Parang naging teenager nanaman ako nito sa kilig! Nako naman!

Nakatitig lang ako sakaniya at sinusubukan kong itrace ang mukha niya. Kakaiba kasi yung kagwapuhan nitong asawa ko! Hindi nakakasawa, hindi nakakaumay. Parang habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog sakaniya.

Tumigil ang daliri ko dun sa kanina ko pa tinitignan... yung pink na labi niya. Gusto kong matawa dahil para siyang nakalipstick!

"Gwapo ko noh?"

Bigla itong dumilat at ngumisi, hinuli din niya yung kamay ko na nasa labi niya at hinalikan niya ito! Grabe lahat na yata ng dugo sa katawan ko ay nasa mukha ko na. Nagtago ako sa matipunong dibdib ni Padilla!

Nakakahiya ka Kath, ayan tuloy.

Humalakhak ito at mas lalo akong sumiksik sakaniya.

Nakakainis!!!

Pinagpapalo ko nga siya! Ayaw tumigil sa kakatawa eh! Kaasar!

"A-aray! Kath naman!" sabi nito at narinig ko nanaman siyang tumawa.

"Ikaw kasi! Kunwari tulog ka pa hah!!!" muli ko itong pinalo gamit yung kabilang kamay ko. Nasakaniya kasi yung isa at sa bawat palo ko dito ay siya namang paghalik niya sa kamay ko.

Swerteng kamay!

"HAHAHAHA.. siguro pinupuri mo ako sa utak mo noh. Ang gwapo ng asawa ko! okaya Nakajackpot ako dito ah?" tinaas baba niya pa ang kilay niya!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya!!

"Presko mo kahit kailan, Padilla! NAKO!" tumigil ako sa pagpalo at umupo na ako ng maayos sa kama.

"Baka nakalimutan mong Padilla din ang last name mo? MRS. Padilla?" muli ay nasilayan ko ang nakakalokong ngisi niya!

Inirapan ko nga!

Naramdaman ko naman na umupo siya sa likod ko at sinimulang paglaruan ang buhok ko. Nung una ay akala ko simpleng tali lang pero nung matagal siyang matapos at madaming galaw ang ginawa niya ay napagtanto kong binebraid niya ang buhok ko!

Naglalambing!

"Ayan! Tapos na" tuwang tuwa ito at pumalakpak pa! Humarap ako sakaniya para makita yung pagngiti niya!

Ngiting tagumpay ang loko! Success nanaman sa paglalambing sakin!

Alam na din kaya niya na mahilig ako sa braids? Mapa-French, Dutch o Fish tail man yan? Hindi ko pa naman nasasabi sakaniya kaya baka nakachamba nanaman 'tong asawa ko!

Yumakap ako sakaniya. Ewan ko nitong nakaraang araw ay nagiging clingy na talaga ako sakaniya.. Simula kasi nung nangyare sa hospital ay kinabahan na ako. Kinakabahan akong isang araw magigising ako at wala na siya sa tabi ko.. na isang araw ay baka hindi na niya ako mahal o hindi na niya ako makilala.

Hindi ko maimagine yung future ko na hindi ko siya kasama.

"Anong iniisip mo?" kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tinitigan niya ako. Yung titig na tagos sa puso, yung titig na parang binabasa niya yung iniisip ko.

"Wala" sagot ko naman.

"Wehh? Seryoso Kath, ano yun?" namamaos ang boses nito.

Sinuklian ko yung pagtitig niya at sandali kaming natahimik. Sasabihin ko kaya sakaniya? Paano kung maka-apekto sakaniya? Pano pag sumakit nanaman ang ulo niya?

Hindi ko pa kayang sumugal.

Umiling naman ako.

"Wala nga kasi, tara breakfast na tayo?" hinila ko siya patayo at binigyan ko siya ng isang ngiti.. isang ngiting hindi pilit.. I want to assure him that I'm okay. Nung ngumiti naman siyang pabalik ay nakahinga na ako ng maluwag.

Parang may dala-dala pa din akong sakit at bigat sa dibdib ko. Parang hinihiling nito na sana hindi nalang siya nagka-amnesia.. at siguro pwede na kaming makapagsimula ng pamilya..

Pero..

Nagpapasalamat din ako na nangyare ito. Everything happens for a reason nga di ba? Dahil sa pagsubok na ito ay nalaman ko na maaring makalimot ang utak pero ang puso? Imposible! Para sakin ang puso parang sobrang protektadong SD card yan na kahit anong format mo dito ay babalik at babalik ang memorya niya!

Ay ano bang hugot yan!

--------------------------------

"So far so good Mrs. Padilla" tumango tango pa ang doktor sakin. Pina-check up ko kasi si Daniel ngayon, gusto kong matignan yung progress niya at mukhang wala namang magiging problema pa as long as nakamonitor sya!

Sinabi ko din na naalala niya yung mga nangyare dati, salmaat sa tulong nina Enrique at Julia at ng Parking 5 barkada niya!

"Maraming salamat po Doc!" yumakap ako dito sa aking mga narinig!

"Nasabi mo na ba sakaniya yung..." nginuso niya yung tiyan ko. Awtimatiko akong napahawak dito at naramdaman ko yung buhay na nasa loob nito. "Wag niyo ng uulitin yung pagtakbo nung araw na yun dahil baka makasama kay baby yan"

Umiling ako.

"Ayaw ko po syang biglain Doc, eh." humagikhik ako.

Nagpatuloy ako sa paghawak sa tiyan kong medyo may umbok na, hindi lang halata dahil payat ako. 3 months na nga pala si baby at nagpapasalamat ako na hindi sumabay ang mood swings ko kay Daniel.

Sasabihin ko sana sakaniya na preggy ako nung anniversary namin pero dahil dun sa pagcollapse niya ay hindi natumba. Taon taon kasi kaming may regalo sa isa't isa at ito na siguro ang pinakabonggang regalong maibibigay ko sakaniya.

"Ikaw ang bahala Mrs. Padilla" ngumiti naman ito sakin. Nagpaalam naman na ako dahil naghihintay na sa labas si Daniel.

Awtomatiko niya akong inakbayan at napatingin lang ako sakaniya.

Sobrang saya naman nito?

Maya-maya pa ay bahagya itong kumanta..

Alam mo bang may gusto akong sabihin sayo
Magmula ng nakita ka'y naakit ako
Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko
Ang pangarap ko

Napatingin ako sakaniya, ngumisi lang ito! Grabe kakilig naman nito kahit na pinagtitinginan na kami ng mga tao, tuloy pa din siya! Parang pinagsisigawan niya kung gano niya ako kamahal, natouch naman ako at naiiyak at the same time.

Kaya't sana'y maibigan mo
Ang awit kong ito para sa'yo dahil
Simple lang ang pangarap ko
Mahalin ang katulad mo
Sana ay mapansin mo dahil
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako
Ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo

Kinurot ko na sa bewang! Naiiyak na kasi talaga ako.

La la la la la
La la la la la
La la la la la

At masaya kaming naglakad... isa din ito sa rason kung bakit hinding hindi ko maimagine yung sarili ko na wala sa tabi ng isang Daniel John Ford Padilla.

Hay jackpot!

Textmate [Kathniel]Där berättelser lever. Upptäck nu