Chapter 22 ♡

78.7K 1.2K 244
                                    

Albie's POV:

Binulong ko ang gusto ko kay Kath. Sana lang pag nagkaalaman na ay mapatawad niya ako. Narealize ko yung pagkagusto niya dun sa Blue Bear na nakuha namin.. hindi niya pa din nakakalimutan yung Blue Bear na katext niya.. si Daniel yun.

Sinabi sakin ni Julia B. ang lahat.

"Ms. Loner... Ako ang Blue Bear mo. Walang dapat makaalam, yun ang gusto ko." sabi ko sabay ngisi sakaniya. Nanlaki naman yung mata niya. Shocked siya syempre, biglaan ito dahil sabi ko nga YOLO.. You Only Live Once.. kaya dapat... gawin mo na ang mga gusto mong gawin at siguraduhin mong wala kang pagsisisihan.

Paninindigan ko ang kasinungalingang ito.

"Is something wrong Kath? Bigla kang namutla diyan? Is it because of the coffee? Papalit ko nalang. Sorry!!!" tanong ni Julia B. na halatang nakikipag-plastikan lang kay Kath dahil katabi niya si DJ. Mahirap na baka mabuking siya!!!

Ang hirap kasing ibring-up ni Julia yung Blue Bear issue lalo na at nandito si Kath, kanina ko pa siyang nakikitang nagpipigil!

Umiling lang si Kath. "W-wala. Wala naman. Ayos lang ang lahat. Okay lang ako Julia. Thank you." mukhang di pa din siya makapaniwala at medyo hindi siya mapakali.

Simula palang pinlano ko na ito nung marinig ko ang pag-uusap nina Enrique at Julia M.. Hindi naman sa chismoso ako pero kasi that time natutulog ako sa may puno at nagising ako dahil sa ingay nung magshota!

PATAWARIN MO AKO KATHRYN... MAHAL LANG KASI KITA </3.

This way mapapansin mo na ako...

This way hindi ka na masasaktan...

AKIN KA NALANG...

******

Natapos ang DATE namin at inuwi ko na si Kathryn sakanila. Nung nakita ko siyang lutang pa din ay bigla akong kinonsensya.

Pagka-uwi ko, napaisip ako.

TAMA BA YUNG GINAWA KO?

Kung sabihin ko nalang kaya yung totoo? Na si Daniel si Blue Bear niya? Tapos si Julia B. ang kumuha sa sim niya at nagpanggap na siya si Ms. Loner sa harap ni Daniel?

Angel's side: Umamin ka na Albie... Sa ginagawa mong 'yan hindi lang si Kath ang masasaktan. Pati ikaw! Pati si Daniel! Please makinig ka sakin.

Devil's side: Wag Albie! Bobo! Edi nawala sa'yo ang pinakamahalagang babae sa'yo? Papatalo ka ba kay Daniel? Lagi ka nalang niyang sinasapawan! Lagi nalang siya ang bida, dapat ikaw yun! IKAW!!!

Tama. AKO LANG DAPAT YUN! Akin lang si Kath!!! Masyado ng matagal si Daniel sa spotlight, ngayon AKO naman!

*****

Kathryn's POV:

"Ms. Loner... Ako ang Blue Bear mo. Walang dapat makaalam, yun ang gusto ko."

Hanggang ngayon pinoprocess pa din ng utak ko ang mga sinabi ni Albie.

HINDI TALAGA AKO MAKAPANIWALA...

Eto na ba ang sinasabi ni Julia Sis na malapit lang sakin si Blue Bear?

Dahil ang totoo, seatmates lang kami ni ALBIE? At si Albie and Blue Bear ay iisa?

Nagkakamali ba ako?

"Ano ba talaga?" sinuntok ko yung bear na binigay ni Albie. Pinangalanan ko itong Chandria, second name ko.

Niyakap ko ito at natulog na. Itinulog ko lang ang lahat. Baka panaginip lang ang lahat ng ito at gigising ako na walang pinoproblema...

*****

Albie's POV:

Narinig ko naman ang magshota... Nag-uusap. May kung anong tinitignan sa digi-cam ni Julia M.. Isa yatang video? May nagsasalita eh?

"Enrique! Sawakas! Eto na talaga. Pag nakita ito ni Daniel, okay na ang love story nila ni Kath!!!" masayang sabi ni Julia M at inakbayan naman siya ni Enrique. Tinitignan pa din nila yung video.

"Oo nga Julia!!!" segunda naman ni Enrique.

ANO KAYA YUN?

Kung ano man 'yun, kailangan kong mabura 'yun. Para sa kaligayahan ko.

Alam ko ang selfish ko... Pero sabi nga nila:

"GAGAWIN MO ANG LAHAT MAKUHA LANG ANG TAONG MAHAL MO"

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now