Chapter 42 ♡

31.6K 751 75
                                    

Gusto ko lang pong sabihin na ayos lang sakin na pangunahan nyo yung plot ng kwento pero I'll stop na with this Season 3 at Epilogue na tayo ulit ---Ate Dhane.

******

Kathryn's POV:

Ilang araw, linggo at buwan na ang nakakalipas simula nung pagkadischarge sa hospital ni Daniel at sinimulan namin ang paglilibot sakaniya sa mga lugar kung san pwedeng may bumalik na ala-ala sakaniya.

Umuwi na din galing London sila Katsumi, Seth, Lester at Kuya JC kaya sila ang nagpasyal sa mga arcades at sa mga dati nilang tambayan si Daniel.

Nalalapit na din pala ang kasal nina Khalil at Sofia kaya naman busy sila at hindi nila kami madalaw pero sabi ko naman ay ayos lang yun, unahin muna nila ang kasal nila na matagal na nilang pinagpaplanuhan.

Kinausap ako ni Mommy Karla nung isang araw. Sabi nito ay ipasyal ko daw si Daniel sa shool kung san kami nagkakilala. Paunti-unti namang tinatanggap ni Daniel na ako yung asawa niya, konting ala-ala pa nga ang hinihingi nito.

"San ba natin madadala si Daniel dito sa school? Eh halos tambay lang ang ginawa namin dati" nagkamot ng ulo si Enrique. Kasama ko nga pala sila ni Julia (Montes).

Naglalakad kaming apat sa may corridor, tahimik lang si Daniel at saglit naman akong napaisip! Pumuslit lang kasi kami sa school. Bawal pa kami dito kahit alumni kami!

Ang daya nga.

Maya-maya pa ay hinila ko sila sa may basketball court ng school. Dito yung kung saan nasiko yung bunganga ni Daniel (Chapter 24)

"Ah!!! Oo tama!" Napuno ang tahimik na court ng halakhak ni Enrique.

"Lets go Daniel! Woooohh! Go go blue team!!" pagchicheer naman ni Julia. Napangiti ako.

Tama ganun nga ang cheer noong araw na yun. Lahat tutok sa Team Daniel at Team Enrique.

"Anong meron dito?" napakunot ang noo ni Daniel.

Lumapit si Enrique sakaniya sabay akbay dito.

Bromance

"Dito nabuo ang DanQuen donuts" muling humalakhak si Enrique. Binatukan naman agad ni Daniel.

"Lakas ng trip mo" sabi ni Daniel at tinanggal ang pagkakaakbay ni Enrique sakaniya.

"Hahahaha biro lang tol! Ahem dito yung pabasketball ng school nun. Hinati yung mga gwapo-- ay este magaling sa basketball" tinuro ni Enrique ang mga bench ng bawat team noon.

"Malamang kasali ako dyan di ba?" Preskong sabi ni Daniel.

Yabang mo Padilla!

"Oo na! Hahaha. Team captain ka nga! Team Daniel at Team Enrique nga eh. Blue kayo tapos red kami." Pumwesto si Enrique dun sa three-point line kung san nangyare yung aksidente.

"Sinong nanalo?" lumapit si Daniel dito. Halatang nacurious sa nangyare.

Naguusap kami ni Julia nang senyasan ako ni Enrique na ako na ang magtuloy sa kwento, napatingin naman si Daniel sakin na hinihintay at binabantayan ang bawat galaw ko.

"Excuse me lang Sis ah." sabi ko kay Julia.

"Sige lang Sis!" sabi naman nito at sinalubong si Enrique.

Naiwan kami ni Daniel sa may court. Papalapit ako dito at ramdam ko pa din ang pagbilis ng tibok ng puso ko pag nakikita ko sya.

2 years na at eto ako in love na in love pa din sakaniya! Iba talaga pag kay Daniel Padilla ka nahulog.

"Uh.. Kath? Tapos? Anong nangyare?" nakangiti ito sakin.

Pinakalma ko muna yung sarili ko at inalala ang nga nangyare. Madalas kasing ganito ang gawin namin ng JulQuen. Sa una ay pakwento kwento lang tapos ay iaact namin para sakaniya, payo din ng doktor yun eh.

Huminga ako ng malalim bago ituloy ang kwento.

"Patapos na ang 4th quarter... ang score ay 97-100, kung tutuusin ay panalo na kayo pero may sumubok mag 3 points nun" hinila ko sya ulit dun sa three-point line.

Tahimik lang naman itong nakamasid sa nga galaw ko.

"Pashoot na sya pero pinigilan mo sya" umakto akong nagshoot at bahagyang tinama ang siko sa bibig ni Daniel. "Nasiko ka niya at napahiga ka"

Dahan dahan kong hiniga si Daniel at sununod naman ito. Talagang sinakto ko dun sa kung pano sya natumba, hinding hindi ko kasi makakalimutan yun eh sobrang pinakaba niya ako.

Pumukit si Daniel para banag nilalasap ang bawat sandali.

"Tapos--" pinutol niya ang sasabihin ko at hinila niya ako sa tabi niya. Ang ulo ko ay nakaunan sa matigas niyang dibdib. Ramdam na ramdam ko ang bawat mainit na hininga nito.

Ang bilis ng tibok ng puso niya!

"May babaeng nagtanong sakin kung ayos lang ba ako.. pero kahit masakit ay sinabi kong 'oo ako pa'"sabi nito at natigilan.

Tuningala ko ito at nakitang nakapikit pa din. Nagulat ako dahil ngayon niya lang tinuloy yung nga kwento namin sakaniya.

"KUMUHA KAYO NG STRETCHER!!!! sabi nung babae pero tulala yung mga tao" tumawa ito "Kailangan niya ng tulong!" pag-gaya niya sa sinabi ko noon.

"Tapos?" nangingilid ang luha ko.

Minulat niya ang mata nya at tumitig sa taas.

"May dumating na stretcher at binuhat na ako.. sabi pa nung babae ay magiging okay ang lahat" ngumisi si Daniel at tumingin sakin. Pinunasan niya ang mga takas na luha sa mata ko.

"T--tapos?" nauutal na ako dahil alam kong may naaalala na ito.

Konti lang pero nakakaalala na ito!

"Nagpasalamat ako sakaniya" lumawak ang ngiti nito sakin.

Matagal kaming nagtitigan.

"Nakikita mo ba ang itsura nung babaeng yun?" tanong ko ito

Nadismaya ako nang umiling ito. Niyakap naman niya ako ng mahigpit na mahigpit parang tatakasan ko ito.

"Hindi.. pero alam ko na sya ang babaeng tinitignan ko ngayon"

Biglang buhos ng mga luha ulit nung narinig ko yung sagot niya. Seryoso ang pagkasabi nito at puno ng confidence! Sigurado siyang ako yun.

Ilang minuto din kaming nagyayakapan nang biglang may guard na pumasok sa court!

"HOY! BAWAL 'YANG GINAGAWA NIYO DITO!!!!" sigaw ng isang guard.

Awtomatiko kaming napatayo ni Daniel

"Kath! Daniel! TAKBO!!!!" tumatawa na sabi ni Enrique at Julia.

Hinawakan ni Daniel ang kamay ko at sabay din kaming tumakbo at nagtago sa likod ng isang puno. Sina Julia at Enrique mukhang ganun din ang ginawa.

"Nasan na 'yung mga yun?" tanong nung unang guard.

"Ewan ko. Natakasan tayo!" sagot naman nung isa.

"Hanapin mo! Di pa nakalayo ang mga yun!" singhal nung unang guard.

"Edi wow"

Pinipigilan kong hindi humagikhik. Ang cute naman nilang mag-away.

"Salamat" bulong ko sakaniya at mas yumakap dito para matago kami lalo. Kung hindi nya ako hinila ay baka ako ang unang nahuli. Mahina pa naman ako sa takbuhan dahil hikain ako.

Nakayakap kasi ako kay Daniel.. naramdaman ko bigla ang paghawak ng kamay niya sa baba ko at dinampian nya ang labi ko ng isang halik.. sandali lang yun, pero napangiti ako.

Paunti-unting bumabalik si Daniel sakin. Thank you Lord.

******

Twitter: @dhanedelionWP

Textmate [Kathniel]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें