Epilogue IV

9.8K 318 71
                                    

Maraming araw ang lumipas. Ngunit lahat ng ito ay iginugol ko sa pag-aaral ko. Tapos na ang buhay ko bilang reyna dahil sa ngayon, balik estudyante ulit ako na tulad noon. Napakarami kong missed assignments, catch-up exams at kung anu-ano pang projects na pinagkatuwaan na yatang ipagawa sa akin ng mga teacher ko. Sa totoo lang ay hindi ko yata masusurvive ang lahat ng ito kung hindi dahil sa lahat ng mga kaibigan ko, lalo na kanila kuya Niel at Jace na matyagang nagtuturo sa akin at syang nakikinig ng mga kadramahan ko sa buhay. Malapit na kasing matapos ang taon namin sa Grade 11, at next year ay graduating na rin kami sa wakas. Pero heto ako ngayon, malaki pa rin ang problema. 

Palagi naming dinadalaw ni Sophia si Clarisse sa bahay nila. Pero tulad nga ng sinabi ni Sophia, ipinagtatabuyan nya lang kami. Ilang beses din kaming nagpapabalik balik, nagbabakasakali na kahit minsan lang ay mapagbigyan nya kaming makita at makamusta sya pero wala pa ring nangyari. Isang araw, naubusan na ako ng pasensya. Nag-ala 'akyat bahay' gang ako sa bahay nila noong hating gabi kung saan sinigurado kong tulog na ang mga kasama nya sa bahay. 

Nagulat sya syempre pero mas nagulat ako sa kanya lalong lalo na sa estado ng kwarto na meron sya. Ang mga damit ay parang binagyo, ang mga pinagkainan nya ay kung saan saan lang nakakakalat sa sahig pero higit pa roon, sa unang pagkakataon, ngayon ko lang nakita ang isang Clarisse Villanueva na 'losyang na losyang'. Tinalo nya pa ang nagtime travel ng 1000 years sa present. Kung saan and gulo gulong buhok ang patok na fashion trend.

"Lumabas ka. Get out of my room. Now!" 

Sinagot ko lang sya ng isang malakas na sampal sa mukha. Isang bagay na ikinagulat nya.

"Anong ginagawa mo sa sarili mo? Tingnan mo nga, mas chaka ka pa sa kahit sinong chaka na kakilala ko. Oo wala na si Souta pero hindi tumitigil ang mundo mo. Patuloy pa rin itong umiikot kahit wala na sya, ikaw lang ang huminto. Sa tingin mo ba kapag nakita ka nyang ganyan magiging masaya sya? Sa tingin mo ba kapag ipinagpatuloy mong magmukmok dito babalik sya? Clarisse tama na. Gumising ka na!" Niyugyog ko ang balikat nya pero nagpumiglas sya. 

"Ano bang pakialam mo? Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Malakas ang loob mong sabihin yan dahil wala ka sa posisyon ko. Ikaw meron pang Jace, ako wala na! Mag-isa na lang ako ulit. Alam mo ba kung gaano kahirap yun? Ako na lang ulit ang mag-isa." Hindi na nya napigilan ang mga luha sa mata na tumagas. Umupo sya na parang bata, itinago nya ang mukha rito.

Humagulgol sya ng humagulgol. Wala na yatang pakialam ang mga tao sa loob ng bahay nila dahil ito na lamang ang araw araw nilang naririnig. 

Lumuhod ako sa harap nya. 

"Hoy, sorry na. Hindi ko naman sinasadya na sigawan ka kanina eh. Kaya lang kasi... Clarisse ayaw kitang nakikitang ganyan. Hindi ka naman nag-iisa, di ba nandito pa kami ni Sophia? Namimiss na namin ang pangbubully mo sa amin. Kaya bumalik ka na sa school. Hinihintay ka na namin doon. Maggragrade 12 pa tayo next year tapos sabay tayong lahat na gragraduate."

"Iwan mo na lang ako. Gusto ko na lang mamatay." 

"Clarisse..." 

"Just leave me f*cking alone! Out!" 

Malungkot akong lumabas ng kwarto nya bago pa nya tuluyang lakasan ang boses nya at magising ang buong kapit bahay nila.

Pero hindi ako sumuko at halos gabi gabi syang binalikan. Gabi gabi kumakatok ako sa may bintana nya, dinaig ko pa si Edward sa twilight. Gayunpaman, gabi gabi nya rin akong itinataboy. 

Sabi nila Jace hayaan ko na lang daw sya. Pero hindi ko magawa sa sarili ko na gawin iyon dahil kahit na hindi naging maganda ang simula namin ni Clarisse noon, para sa akin, itinuring ko pa rin syang isang kaibigan. At kapag kaibigan ko kahit anong mangyari, walang iwanan. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon