Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)

47K 564 55
                                    

Dedicated sa kanya dahil napakacute na fansign na ginawa nya ^3^)/ really love it!! Keep inspiring dear and thank u so much sa pagsubaybay ng mga stories ko! Godbless!

And Happy Birthday sa friend ko ngayon! Punta kaming nightmarket mamaya kaya iuupdate ko na ito bago ko makalimutan! Enjoy! :)

♥♥♥

Chapter 9 (Part two)

Kasabay ng paglabas nya sa banyo ay ang pagtalon ko sa higaan nya na parang survivor sa isang bombang pinasabog sabay taklob ng napakakapal nyang kumot sa aking mukha. 

"Anong ginagawa mo jan?" narinig kong takang tanong nya and I detect amusement in his voice

"Ah k-kasi. Nilamig ako bigla eh saka... bigla akong inantok. Tama yun nga! Haha Woooh! Ang lamig ng aircon." Ang sabihin mo ang init dito sa loob ng comforter. Kagat labi kong sambit sa utak ko. Hindi ko alam na ang kapal pala nitong kumot nya! Sobrang init pinagpapawisan na ako. Pero hindi ako lalabas hanggat hindi pa sya nakapalit! 

"Jace?" 

"Hmm?"

"Nakapalit ka na ba?"

Jusko magpalit ka an please. Sobrang init dito!!

"Ah. Kaya ba nagtatago ka jan kasi ayaw mong makita na wala akong saplot pantaas?" 

Hindi ko man sya nakikita rinig na rinig ko ang mapang-asar na tono sa boses nya. Anak ng teteng! Bakit ba kahit kailan ang bilis nyang makagets sa mga bagay bagay?!

"H-hindi ah! Ano bang espesyal jan sa katawan mo para pagtaguan ko? Hmph! Isa pa nakita ko naman na yan ah. Ano bang dapat makita jan? Wala naman"

"Talaga? Sigurado ka ba?" 

Oo as in. Muntik nga akong nahimatay noong aksidente kong nakita ang eight pack abs mo eh. Pero bakit ko sasabihin? Sikretong malupit lang yun. Nahawakan ko pa nga eh nung niyakap nya ako noong araw na yun. *laughing deliriously with thunder effect in the background*

"Wala talaga." Ang tagal naman nyang magbihis. Naliligo na ako dito sa pawis dahil sa sobrang init. 

Maya't-maya bigla akong nakaramdam ng paghila sa kumot na ginawa kong hide-out. Bahagya akong napatili at dali daling hinila pabalik ang kumot patakip sa aking mukha. 

"Hoy Jace Alvarez! Istorbo ka! Kita mo ng natutulog na yung tao eh. Wag ka ngang magulo!"

"Eh bakit hindi mo ako matingnan."



Pambihira naman itong lalaking 'to o. Nagbubuwis buhay na nga akong magtago sa napakainit na kumot nya tapos pagtatawanan pa nya ako! Kanina wala sa mood, tapos biglang naging okay. Ngayon tatawa tawa na? Bi-polar talaga ang isang 'to. Jace'y polar. Polar bear nga talaga. 

"Nakabihis ka na ba?" 

"Hindi pa."

"Eh ba't di ka pa nagbibihis! Anong oras na!" 

Waah! Ginagalit nya talaga ako. Ako ang magsusuper-sayan dito eh! Yun nga lang, ako ang pinaka-unang super-sayan with red face sa mukha. Super sayan blush!

"So?" Oh. Kill me now. Mukhang nakahanap pa ata ng mapagkakatuwaan ang isang 'to ah. 

"Eh paano ako makakauwi? Alangan namang ihatid mo ako sa labas ng nakahubad?" 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now