Chapter 12 ♥ Oh Friends!

44.9K 468 27
                                    

Dedicated to a very wonderful reader. Godbless always and keep inspiring! <3

VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT.

♥♥

Chapter 12

Pagkasara ko ng pinto itinupi ko ang mga braso ko. Sa malayo, nakatayo si Mia. Binibigyan ako ng masamang tingin dahil sa pagkakasabunot ko sa buhok nya. 

"What?" she venomously hissed "What do you want from me?" 

"What I want from you is not the question." humakbang ako ng isa at umatras sya. Inilabas ko sa bulsa ang cellphone ko bago nag-dial. Nakita ko syang ngumisi habang pinapanood ako.

"What then? Magsusumbong ka na ba sa mga bantay mo? I knew it. Even when I first saw you, I knew you were a loser. Hindi mo alam kung paano lumaban. Hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. Napakalampa mo!"

Pinanood ko sya hanggang matapos syang tumawa. Para syang baliw. Nakakahiya ang mga katulad nya. 

"Tapos ka na?" Isinara ko na ang cellphone ko bago ibinalik sa bulsa. Naiirita ako sa mga ngisi na pinapakita nya sa akin. Kung ibang tao lang siguro ako matagal ko ng binura yan. 

"Ano bang gusto mong sabihin? Kung wala. Pwede bang umalis ka dyan sa daraanan ko at lalabas na ako?" 

Naglakad sya papunta sa pinto na nasa likod ko. Sinadya nya akong banggain sa balikat sabay kindat sa akin para mang-inis. Bago sya tuluyang makalagpas, muli kong hinila ang buhok nya pabalik. 

"Aray! You stupid b*tch!" sigaw nya. Sasabunutan na nya sana ako pero itinulak ko sya palayo sa akin. 

"Hindi pa nga tayo nagsisimula lalabas ka na agad? Why so excited?" ngumisi ako. Halata ang inis sa mukha nya na hindi nya itinatago. 

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na! Sinasayang mo oras ko!" 

Speaking of oras. May last period pa pala akong kailangang balikan! Lagot. Sabi ko magwawashroom lang ako saglit pero heto ako, halos labing limang minuto na ang nakalipas mula ng lumabas ako sa washroom at hindi pa rin ako nakakabalik. Papagalitan ako ng teacher ko nyan for sure. Urgh. First day na first day sira agad record ko? I just can't help but to roll my eyes. 

"Gusto kong humingi kayo ng tawad kay Alessa dahil sa ginawa nyo sa kanya, lalo ka na." 

"Wow." muli syang tumawa tulad ng ginawa nya kanina. "Sa tingin mo ba sa isang utos mo lang eh susunod na ako sayo bigla? What are you? Some sort of a queen?"

Yeah. Honestly I'm the Gangster Queen. A queen by my own accord. Kung pwede lang isagot sa kanya yan sarcastically ginawa ko na. This girl is really testing my limit. Naaalala ko tuloy si Clarisse sa kanya. Hindi magiging ganyan ang isang tao ng walang dahilan. There's always a reason behind those actions and attutides. At yun ang gusto kong malaman. 

"Mia alam mo hindi naman kailangang humantong sa ganito eh."

"Yeah right. Ano bang gagawin mo sa akin kapag hindi ako pumayag sa gusto mo? Papaalisin ako dito dahil ikaw ang may-ari? Ipaparesbak sa mga kaibigan mo dahil hindi mo nakuha ang gusto mo? O isusumbong sa boyfriend mo na ubod ng sungit na walang ibang nakikita kundi ikaw!" 

Oh. Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko. For the first time nakita ko ang galit sa mga mata nya. Wag mong sabihing... isa sya sa mga anti-Serene dahil sa pagiging magkarelasyon namin ni Jace na syang prinsipe nila?

Listen To My HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora