Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?

23.2K 359 55
                                    

A/N:

Too lazy for spacing. Btw, this chapter is dedicated for you my dear. Thank for such an awesome long and heartfelt comment from the last chapter. I nearly cry. Thank you <3

Enjoy Listeners! And... have a wonderful day! YEAH!

♥♥♥

Chapter 48

Napuno ng kaba at takot sa dibdib ko matapos makita ang natunghayan sa harap ko. Nakukutawa na isipin na ang Ellipses at Black Savage na matagal ng mortal na magkaaway ay nagtutulungan sa isang bagay. Matagal ko itong pinangarap. Subalit hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi sa ganitong pangyayari.

"Ibaba nyo yan!" utos ko sa kanila kaya halos lahat ng nasa loob ay napatingin sa akin.

Noong makilala ako ng iba sa Ellipses na nasa loob ay agad silang yumuko sa akin. Lumapit ako at itinulak palayo ang ilan sa Black Savage member na may hawak ng baril.

Umiiyak na gumapang sa akin sila Deck. Nakabusal ang mga labi nila at nakatali ang kamay at paa.

Tinanggal ko ang nakabusal sa bunganga nila.

"Shay tulungan mo kami! Parang awa mo na. Wala kaming kasalanan! Hindi kami traydor! Tulungan mo kami..." Patuloy ang pagdaloy ng luha nila. Halos halikan nila ang paa ko maligtas lang sila.

Alam kong nakasali man sila, sa huli nagbago ang isip nila at tinulungan kami. Pero hindi mo maiwasan sa akin ang magduda pa rin. Kailangan ko ng may mapanghahawakan na rason para magtiwala ulit sa kanila.

"Noong araw na sumugod sila Blow at iba sa gang ni The Highest... bakit kayo bumalik? Bakit nyo kami tinulungan noong may pagkakataon na kayong tumakas?"

Sumagot agad si Deck. "Aminin ko noong una pumayag kami na sumali sa kanila pero noong nalaman namin na ikaw si Serene-- ikaw si GClef, nagbago ang isip namin ni Andrei kaya bumalik kami at binalaan ka."

"Bakit? Anong nangyari at nagbago ang isip nyo?"

"Dahil hindi ka namin kayang traydorin. Hindi namin kayang traydorin... a-ang nagligtas ng buhay namin."

(Way back to 'Chapter 3: Partners in Crime.)

Napaisip ako bigla dahil sa sinabi nya. Sandali lang kaming nagkakilala kaya paano nya nasabi na iniligtas ko ang buhay nila?

"Siguro hindi mo na naaalala. Pero kami yung tinulungan nyo noong araw na may nakita kayong mga grupo ng binubugbog ng isang gang. Binugbog nyo pa nga yung mga lalaki. May kasama ka pa nga eh, isang lalaki rin. Sigurado kung hindi kayo dumating wala na kami sa mundo ngayon. Magmula ng araw na iyon nangako ako sa sarili ko na kapag magkikita ulit tayo ibabalik ko tulong na itinulong mo sa amin. Iyon ang unang beses na nakita kitang makipaglaban GClef. Noon hindi ako naniniwala na kakayahan mo pero noong nasaksihan ko ang araw na iyon, humanga ako sayo-- isang bagay na hindi ko ginawa sa tana ng buhay ko."

Napasuklay ako ng buhok ko gamit ang mga daliri ko. Ngayon naaalala ko na. Sila yung grupo na tinulungan namin ni Niel noong papunta sana kami sa opisina ni Jace. Iyon yung araw na umulan kaya hindi kami natuloy. At iyon din ang araw kung saan unang beses na nagpakalasing si Jace.

Yung mga tinulungan namin ni Niel... hindi ko akalaing sila iyon.

"GClef nasa sayo ang katapatan namin." sabi ni Deck, nakaluhod sya sa harap ko. "Parang awa mo na... tulungan mo kami..." halata ang desperasyon at takot sa mga mata nya. At hanggang ngayon, patuloy pa rin sila sa pag-iyak.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon