Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)

12.9K 386 99
                                    

Chapter 70 (part three)

Hinintay ko ang sakit. Hinintay ko ang pagdaloy ng dugo mula sa dibdib ko kung saan ko nakitang ibinaon ang kutsilyo. Pero wala akong makita. Wala akong maramdaman. 

Gusto kong sumigaw pero may tumakip na naman sa mga labi ko. 

Nakalayo na kami mula kanila Jace ngunit hanggang ngayon ay hinihila pa rin ako ni Eins palayo. 

Kinagat ko ang kamay nya noong nakaabot na kami sa isang liwanag. 

"Aargh!"

Naitulak nya ako palayo. Kamuntikan nang bumagsak ang pwet ko sa malamig na semento ngunit nasalo ko ang sarili ko.

Kinapa ko ang dibdib ko. Walang sugat? Paanong nangyari--

Nagkatinginan kami ni Eins. May hawak syang kutsilyo-- yung kutsilyo na pinangsaksak nya sa akin kanina-- pero ano ito? Kita sa repleksyon ng liwanag na isa itong peke.Isang laruan ang ginamit nyang pangsaksak sa akin? Yun bang naipapasok ang talim nito sa handle kapag isinasaksak ito sa kahit ano.

Inilayo nya ang tingin sa akin. Binitawan nya ang laruang kutsilyo at tumakbo.

Pinaglalaruan nya ba ako? 

"Hoy! Saan ka pupunta!" sigaw ko. Pero hindi nya ako pinakinggan at nagtuloy tuloy lang. Bago pa man sya mawala sa paningin ko ay napagdesisyunan ko nang habulin sya. 

Ang bilis bilis nyang tumakbo. Sa bawat pasilyo na daanan namin ay parang isang maze. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Kung bakit ko sya sinusundan. Walang kasiguraduhan ang ginagawa ko. Alam kong hindi ko dapat sya pagkatiwalaan tungkol sa bagay na ito dahil hindi ko alam kung ano ang maaari nyang gawin. Napahawak ako sa tenga ko. Magsasalita sana ako pero noong napagtanto ko na natanggal kanina ang device na ibinigay sa akin ni Nathan, gumawa na ako ng desisyon. 

Sinundan ko sya kahit alam kong delikado. Masyado akong curious sa kung anong klaseng kukote meron ang taong ito 

Pumasok sya sa isang tagong pinto. Nagdadalawang isip ako pero may nakita akong liwanag mula roon. Napagdesisyunan kong pumasok, inihanda ko na rin ang sarili sa kahit anong laban na maaaring maging bunga ng pag-uusisa ko. 

Ganun na lang ang gulat ko noong makita ang isang napakaluwang na silid. Parang kasing laki ng basketball gym sa school namin. Pinakamalaking silid sa lahat ng silid sa lumang gusali na ito. 

Patuloy pa rin sa pagtakbo si Eins hanggang sa nakaabot sya sa dulo. Sa dulo kung nasaan nakaupo si The Highest.

"Well, well, well, look who's here.' 

Bumaba si The Highest sa mala-trono nyang upuan. Ang laki laki nito, napakaraming burloloy, at para pang gawa ito sa ginto. Talagang kina-career na nya ang pagiging hari. Hula ko, pumayag man si Jace na sumama sa kanila ay hindi nya ito hahayaang maging Gangster King. Dahil ito ang posisyon na matagal nang hinahangad ni The Highest. Gusto nya sa kanya lang ang titulong ito. Wala ng iba. Wala nino man.

Dahan dahan syang humakbang sa gitna. Ganun din ang ginawa ko pero sinigurado kong may distansya sa pagitan naming dalawa. Nakahanda pa rin ang buong katawan ko sa kahit ano mang pagsugod o pag-atake na maaring mangyari. Hindi mo na maiiwasan ito sa akin, tuso si The Highest. Baka kung ano pa ang maisipan nyang gawin. 

"I've been waiting for you my dear." 

Nakita ko ang ngisi sa mukha nya. Mukhang tuwang tuwa pa sya sa nakikita. Ako naman sa ikalawang banda ay hindi maiguhit ang pait na nasa mukha ko. Akala ko kaya kong harapin at makita ulit sya ng harapan. Yun pala nagkamali ako. Makita lang sya, napupuno na ng galit ang dibdib ko dahil sa mga ginawa nya hindi lang sa akin at sa gang ko kundi pati na rin sa buong pamilya ko. 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now