Chapter 20 ♥ Trouble

43.2K 439 56
                                    

Chapter 20 

Huminga ako ng napakalalim. Inhale, exhale. Tuloy tuloy lang si Souta sa pagpapakilala sa amin sa isa't-isa. Naririnig ko pa silang nagtawanan kasama si Clarisse na bigla na lang naging energetic dahil sa dumating na lalaki sa harapan namin. 

"Serene, don't you know that Pietr came from the same country as you? How funny is that?" matipid na ngiti ang isinagot ko kay Souta. Marahil ay hindi pa nya alam na kami ni Pietr ay minsan ng naging-- "And you know what? He also loves music just like you. Nakilala ko sya noong nandoon pa ako sa Japan..." pagkwekwento at pagbibida pa nya tungkol sa kanya. Hindi na nga kailangang magsalita ni Pietr dahil si Souta na ang nagsalita at nagpakilala para sa kanya. 

"He's the fastest runner I've ever seen. Trust me. And this guys is the nicest I've ever met." inakbayan ni Souta si Pietr sabay gulo nito sa buhok nya. Tawa sila ng tawa. Sa maikling panahon na magkakilala sila sa tingin ko, naging malapit sila sa isa't-isa. 

"Hey man, you're humbling me too much." ani Pietr na hindi matanggal tanggal ang ngiti sa mukha nya

"What? I'm just saying the truth."

"You're just being crazy. I know."

Lumapit si Clarisse sa kanila. Sa sobrang excited nga nya ay bahagya pa nya akong nabangga. 

"What's your nationality? Ohmygod! Is that naturally deep blue? I love your eyes!" 

"I'm half british and half filipino. And yes, they're natural."


Sa buong pag-uusap nila ay wala akong narinig kay Clarisse kundi tili at hiyaw. Patuloy pa rin ang pagkwekwento ni Souta tungkol kay Pietr pero hindi na ako nakinig. Sa totoo lang ay hindi naman nya kailangang ipakilala sa akin si Pietr. He's a fast runner-- I know. Alam ko ang lahat ng tungkol kay Pietr kahit hindi pa sya magsalita. 

"Masaya ako na si Pietr ang magiging partner mo Serene. I'm really confident na sa misyon na 'to-- kahit pa wala ako ay hindi ka nya pababayaan. You two are really fit to be partners." 

Sa huling sinabi ni Souta nakita kong napangiti si Pietr. 

"Serene?" Tinaas ni Souta ang dalawang kilay, nakangiti nyang hinihintay ang magiging sagot ko. 

"Uhm... y-yes." Ayoko namang mapahiya si Souta kaya nakisabay na lang ako sa kanya. Sana lang makisabay na lang din si Pietr sa gagawin ko. Mas mabuti ng wala silang alam. Ayoko na rin kasi ng marami pang tanong. 

Itinaas ko ang isa kong kamay para pormal na makipagkamay. "It's nice to meet you Mr. Ashen." 

Ang weird palang tawagin sa apelyido lang ang minsan ng naging parte ng buhay mo. Para kayong hindi magkakilala at parang walang alam sa isa't-sa. 

Ngumiti sya at nagtama ang paningin namin. Those blue eyes... those deep blue eyes that I once wished to see everyday. Hindi pa rin nagbabago. Wala pa ring kupas. Oo nga at maraming beses ko na ulit nakita si Pietr. Isa na roon noong nagkabangga kami sa opisina nila Jace. Pero ngayon lang kami ulit nagkaharap ng ganito katagal. Madalas kasi noon ay puro maikling pagkikita lang.

Hinawakan nya ang kamay ko at nakipagkamay sa akin. Kahit ang lambot ng kamay nya ay wala pa ring pinagbago. Noong babawiin ko na sana ang kamay ko, hindi nya ito binitawan. Yumuko sya ng konti bago bahagyang iniangat ang kamay ko. Isang halik ang iginawad nya rito na ikinagulat naming tatlo. 

"It's nice to meet you too, my queen." sabi nya. Inilayo ko ang tingin ko. Sa tuwing nagtatama ang mga mata namin hindi ako mapakali. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon