Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)

31K 409 49
                                    

Author's Note: Ipopost ko na itong part 2 habang wala pa kaming pasok. :)))

Dedicated sa kanya. Thank you thank you so much dear sa paghihintay!! Godbless and keep inspiring!! <3 

Enjoy! 

♥♥♥

Chapter 35

Dumating kami ni Souta na mas mabilis pa sa inaasahan. Sya ang nagmaneho para makarating kami agad sa Princeton Academy. Pagkatapak na pagkatapak ng mga paa ko sa school building ay tumakbo na ako. Nagpaalam sa akin si Souta kung pwede ba raw muna syang mag-iikot sa Princeton. Pumayag naman ako.

"Niel." hingal kong sambit sa pangalan nya noong makapasok ako sa school clinic. Tumingin sya sa akin. Hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sya sa may kama. "Anong nangyari?"

Inilapat nya ang isang kamay sa upuan malapit sa kama nya. Pinapaupo nya ako.

"I'm okay. Kaya pwedeng pakiayos 'yang kulubot mong noo? Ang pangit mo."

Okay nga sya. Napakalutong ng huli nyang sinabi eh, Same old Niel.

Noong umupo ako roon, mabilis nyang ginulo ang buhok ko. Parang pinanggigigilan pa nga nya eh. Nagmakeface ako sa harapan nya. Tinawanan lang nya ang reaction ko.

"Akala ko hindi ka pupunta."

"Pwede ba naman iyon?"

Tinampal ko palayo ang kamay nya. Mabilis kong inayos ang bangs ko na ginulo nya.


"Anong nangyari sa mukha mo?" bago ko pa maidepensa ang sarili ko ay hinawakan nya ang mukha ko para makitang mabuti ang mga sugat ko. Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha nya. Nawala na ang magaan na ngiti at napalitan ng kaseryosohan. "Sino ang may gawa sayo nyan?" he asked with a deadly voice. Pati ang mga mata nya ay nagdidilim, naramdaman ko ang biglaang pagpalit ng hangin sa paligid.

"Sumugod ang iba sa mga kampon ni The Highest sa Maeda Mora. Kasama... si Blow."

"Nasaan si Julian?" tiim baga nyang tanong. Inilihis nya ang tingin sa pintuan. "Julian! Pambihira lumabas ka dyan!"

Papilay pilay man ay pinilit nyang tumayo. Napigilan ko na sya bago pa man nya mailapag ang mga paa sa sahig.

"Niel wala si Julian dyan. Calm down okay?"

"No! Kapag nakita ko talaga ang hilaw na puti na yun, humanda sya sa akin." pinilit pa nyang tumayo pero buti na lang ay napigilan ko sya kaya nanatili syang nakaupo sa higaan nya.

"Niel, listen." yugyog ko sa kanya. "Niel!" tumingin sya sa akin. "I knew everything already."

"Alam mo n--"

"Julian told me." malungkot akong ngumiti. "Bakit sinuway mo ang hiling ko Niel? Di ba sabi ko ako lang muna? Papupuntahin ko rin naman kayo kung sa tingin ko ay ayos na. Pero bakit?"

"Serene--"

Bumalik ako sa kinauupuan ko. "Wag mong sisihin si Julian dito. Wala syang kasalanan."

"But Serene, he was supposed to protect you! Isang araw lang akong nawala... isang araw lang. Ayan na ang nangyari sayo." Tinakpan nya ang mukha nya gamit ang mga kamay nya, inihilamos ito at saka isinuklay sa buhok nya. He seems lost and defeated. Hinawakan ko sya sa balikat. "I feel like I failed you as your guardian. And I'm sorry, I'm sorry."

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon