Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)

18K 454 111
                                    

 Chapter 60 

Serene's POV

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ni Jace. Hindi ko na pinilit na sumama sa akin sina Nyree at Kelly dahil base sa mga mata nila, ayaw nilang makita kung ano ang mangyayari. Pinindot ko ang isa sa pindutan ng elevator pababa. Sandali pa akong naghintay pero noong marinig ang pamilyar na pag-'ting' nito, bumulaga sa akin si Pietr na nakatayo habang nakasandal sa loob. Anong ginagawa nya rito? Akala ko ba kasama nya sila Niel? ang mga tanong na unang pumasok sa isip ko. Nagdalawang isip pa ako kung papasok ako o hindi subalit yaman din lang na nagmamadali ako, pumasok na rin ako. 

Katahimikan. Ito ang namayani sa paligid.

"Hindi ko akalain na magagawa sayo yun ni Julian." sabi nya na nakapagpabasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakatupi ang mga braso nya. Wala ang tingin nya sa akin kundi sa malayo. Bumuntong hininga ako at tumingala. Sumandal din ako sa may elevator habang hinihintay ang pagbaba nito sa huling palapag.

Hindi na ako magtataka kung bakit alam nya. Parte sya ng labanan na nangyari. Tumulong sya sa gang ko noong mga panahong wala ako at isa pa, mabilis kumalat ang balita. Siguradong ang balita na pagtratraydor ni FClef ay headline na sa gangster society. (**A/N: Papalitan ko na yung tawag nila Serene sa 'gangster world'. 'Gangster Society' na sya ngayon.) - (P.S. Marami pa akong papalitan na pangalan kasi nagsisimula na akong magedit para maisaayos ko na lahat. So stay tuned! :))**

"Bago pa kita nakilala kayo na ang magkasama. Napakaprotective nya sayo na parang si kuya Zen. Kung hindi lang siguro kayo magkaiba ng kulay aakalain kong magkapatid kayo." 

Ngumiti ako sa kanya pero hindi ito umabot sa mga mata ko. Hindi ko itinago ang sakit na nararamdaman ko rito at alam kong ramdam nya yun. 

"I guess...ganun lang talaga. Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pagbabago rin ng mga tao."

May tanong man sa isip ko kung bakit sya nandito, ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Masyado ng maraming nangyari. Sa mga panahon na tulad ng ganito, tama lang na ipagsantabi muna ang mga personal na hindi pagkakaintindihan. Kailangan naming magtulungan. Hindi ito ang oras para mag-away.

"Alam ko kung nasaan si Julian. Idadala kita sa kanya kung yun ang gusto mo." 

Sandali ko itong pinag-isipan. Kailangan kong makarating doon sa lalong madaling panahon. Nasa paligid ang gangmates ni Jace. Kapag nakita nila ako sigurado pipigilan nila ako o di kaya ay ipapaalam nila ito kay Jace sa lalong madaling panahon. Hindi na ako maaaring magsayang pa ng oras. 

Tumingin ako kay Pietr na may seryosong mga mata. 

"Kung yun ang mabilis na paraan para makarating doon. Hindi kita tatanggihan." 

Mabilis na pinaharurot ni Pietr ang kotse noong makapuslit kami roon sa parking lot kung saan nya ipinarke ang sasakyan. Masyadong mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Alam ko na hindi ko dapat maramdaman ito para sa kanya dahil una sa lahat, trinaydor nya ako. Pero hindi ko alam kung bakit na lang ganito. Siguro meron pa rin sa puso ko na umaasa na magbabago sya at babalik sa Julian na bestfriend na minahal ko. 

Kusang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang gclef pendant ko.Gusto kong maging matapang pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Lumilipad ang isip ko habang tahimik na umiiyak ang puso ko sa mga nangyayari. Nakatitig lang ako sa kawalan noong biglang nagsalita si Pietr.

"Natatakot ka." 

"H-huh?" 

"Hindi ka pa rin nagbabago. Yang gclef pa rin na kwintas mo ang agimat mo." 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now