Chapter 37 ♥ Compromise

31.1K 328 59
                                    

A/N: Dedicated sa kanya!! Yeahboy! Salamat sa pagbabasa at pagsuporta!! Keep inspiring sayo!! 

P.S. Hindi ako mahilig mag-plug ng story pero kung may time kayo, basahin nyo ang story ni

invisibleXangel titled 'Maid For You'

English story sya pero maganda nakakasiguro kayo sa akin kasi fan nya ako eh! (Crush ko si Alex!! <3) Hahaha! Bago pa lang sya rito sa wattpad kasi sa ibang site nya pinopost ang mga stories nya. Sa totoo lang malaki utang na loob ko sa kanya kasi bago pa man ako mapunta sa mundo ng pagsusulat, sya ang pinaka-unang online writer na kinabiliban ko at naging inspirasyon ko para magsulat din ng sariling kwento :) 

Kung hindi siguro dahil sa kanya, hindi ako mahihikayat na magsulat at hindi ko rin magagawa ang mga story ko na nababasa nyo ngayon :) 

Kapag dinalaw nyo ang watty account nya at binasa ang story nya, don't forget to say 'Hello!' sa MB nya for me ah ^^ Pakisabi na rin na readers ko kayo para hindi sya mabibigla kung bakit meron na lang mga taong biglang sumulpot at nagpopost sa MB nya!! HAHA!! 

O sya, ingat kayo lagi Listeners! Mwuah! Mwuah! 

Read and enjoy! :) 

♥♥♥

Chapter 37

Naghintay ako. Pero ilang oras na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik si Jace. 

"Serene, uwi na tayo." tawag sa akin ni Reece. Nandito pa rin kami sa may venue pero halos nakaayos na ang lahat ng gamit. Nakauwi na rin ang mangilan sa mga fans kaya kokonti na lang ang mga natira. Makulimlim na ang langit, naghuhudyat ng nalalapit na pag-ulan. Dumiretso na sila Reece sa may kotse, huminto sa tabi ko si Julian. 

"Kausapin mo na kasi." sabi ko sa kanya. Mula sa malagkit na tingin kay Reece ay inilihis nya ito sa akin. 

"I don't know what to say." kamot nya sa ulo. Halata ang pamumula ng mukha nya. 

"Sabihin mo kung anong nararamdaman mo. She'll understand." 

"Baka... pagtawenen nye leng akow." 

"You'll never know." Tapos sinenyasan ko sya na lumapit kay Reece na kasalukuyang naglalagay ng mga gamit sa likod ng kotse. "Tulungan mo na, bago ka pa maunahan ng iba. Sige ka."

Pinagmasdan ko si Julian na lumapit sa direksyon ni Reece. Tinulungan nya ito tulad ng sinabi ko sa kanya. Mukha naman silang okay kaya hinayaan ko na. 

"Hindi pa natatapos ang araw na ito pero uulan na naman. Sayang hindi tayo makakapasyal." 

Ngumiti ako kay Niel. Tama sya, hindi na kami nakakapasyal. Dati ay tuloy tuloy pa ang private training namin kay Lady Magdaleine pero ngayon medjo pansamantala muna itong nahinto. Kailangan kasing bumalik ni Lady Magdaleine abroad para asikasuhin ang mga bagay bagay. 

"Naaalala mo pa ba yung tungkol sa pagkamatay ni Rio Del Mundo?" Tumango ako sa kanya. "Meron na namang bagong biktima noong nagdaang linggo. Sa isang pet shop, sa isang kilalang serial killer sa gangster world. May pulang rosas ulit na nakita sa krimen. Tingin ko iisa lang ang may gawa nun."

Mga alalala ng lumipas ang bumalik sa isip ko. Iyong babae na nakalaban ko bago pa man ako makapasok sa Maeda Mora. Alam kong sya iyon. Sa ngayon ay trina-track down na namin kung sino man sya. Pero magaling makatakas ang taong ito, burado at sarado ang lahat ng files na makita ng mga gangmates ko. Gayunpaman, umaasa ako, na mahuhuli at makakaharap ko syang muli. 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now