Chapter 18 ♥ You are my Sunshine

43.1K 505 49
                                    

Dedicated sa kanya <3 Thank u so much po sa honest comment nyo sa last UD ko. Super appreciated talaga. Sa isang buong araw yun lang ang iniisip ko, hindi na ako nakaget over xD Dahil doon sa comment mo napaisip ako :) Pasensya na kung pinaghintay kita ng matagal para sa moment n 'to pero sana sa UD na 'to, magustuhan mo. I really tried my best :) Anyways, keep inspiring always and godbless! :)

♥♥♥

Chapter 18 

Nagising ako sa isang nakabibingi at walang tigil na pagtunog ng alarm clock. Five am. Yan ang maliwanag na numero na nakaflash sa harap ko. Kinapa ko ang alarm clock na malapit sa akin para patayin pero kahit anong pindot ko rito ay hindi ko mapatay patay. Napabalikwas ako bago napaupo sa higaan. Mabilis kong ginulo ang magulo kong buhok dahil sa inis. Gusto ko pang matulog!! Paki-usap alarm clock tumahimik ka kundi papatayin talaga kita ng tuluyan! 

Ihahagis ko na sana ito sa may pader, kung saan sya madudurog at hindi na ako magagambala sa pagtulog magpakailanman-- pero bago ito mangyari may nahagip ang aking paningin. Sa cellphone ko pala nanggagaling ang tunog at hindi sa alarm clock na gusto ko ng patahimikin. Pinindot ko ang answer button at saka inespeaker. Bumalik ako sa pagkakahiga at ready ng bumalik sa pagtulog ng marinig ko ang boses nya.

"Hoy engot na panda bumangon ka na jan." Jace. Ang sweet nya talaga kahit kailan. Wala man lang good morning o kahit na anong sweet words para naman gumanda ganda ang gising ko ngayong umaga. Pero syempre joke lang yun. Boses pa lang nya na marinig ko masaya na ako. 

Nagpagulong gulong ako sa higaan dahil tinatamad pa akong bumangon. Ang aga pa kaya! Kinuha ko ang isa kong unan at itinakip sa tenga ko. Walang tigil na kasi syang nagsasalita para gisingin ako.

"Alam ko naririnig mo ako. Gising na! Hoy gising na! Gising!" paulit ulit nyang sabi hanggang sa padabog na akong umupo sa higaan ko. Pero dahan dahan ay bumalik rin ako ng higa dahil inaantok pa ako. Napuyat kasi ako kagabi sa kakaisip tungkol sa Maeda Mora High. Bukod pa roon, iniisip ko rin kung bakit inisnob nya ng mga tawag ko kagabi. Na-late man ako sa usapan na pagpunta ko sa office nya kahapon, hindi ko rin sya naabutan dahil may urgent meeting daw sya na kailangang puntahan.

"Bangon na! Hoy bangon na!"  

Urgh! Talaga bang hindi sya titigil?! Nakakainis naman na alarm clock eh! Tinalo pa ang tilaok ng manok. Ayaw akong patahimikin! Huhu. Gusto ko pang matulog.

"Gising na!--" 

"Oo na! Oo na! Ito na babangon na po!" iritado kong sambit. Kahit hindi ko pa sya nakikita alam kong napakalaki ng ngiti nya. Sigurado gusto nyang tumawa pero pinipigilan lang nya. Narinig ko syang nag-'ahem' ng mahina bago muling nagsalita. 

"Mabuti naman naisipan mo na ring sagutin ang phone mo. Alam mo naman na pinaka ayo--"

"Ayaw mo sa lahat ay yung naghihintay." pagtutuloy ko sa sinasabi nya. Ilang beses ko na bang narinig ang favorite speech nya? Sa sobrang dalas na yun ang sinasabi nya memories ko na nga eh. 

"Good. Mas mabuti yung nagkakaintindihan tayo." 

"Yes, sir." 

Pabiro akong sumaludo kahit alam kong hindi naman nya nakikita. Kung makapagsalita sya parang galit at ang boses parang boss na boss ang dating. Kung alam ko lang eh, siguradong hindi na nya mapigilang mangiti ngiti sa kabilang linya. 

"Magpalit ka na at susundiin kita for school within thirty minutes."

 Muli akong tumingin sa orasan. Five fifteen pa lang! Seryoso sya?! 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon