Sa Mata ng Balatkayong Bata

39.7K 323 22
  • Dedicated to Sa lahat ng mga Pilipino! Maligayang Buwan ng Wika!
                                    

Author's Note:

Special update! Para sa BUWAN NG WIKA! kaya naisip ko ang tula na inyong mababasa sa baba :) Napagkatuwaan ko lamang isulat pero sana magustuhan nyo. Makata ang peg ko ngayong buwan na ito kaya mas lalo akong matutuwa kung pakikisamahan nyo ako kapag nagcomment kayo sa baba! wahahaha! :)))

Isa lang ito sa tula na koleksyon ko na nabura ko sa usb ko :( Sana maretrieve ko yung iba. Nanghihinayang kasi ako sa mga nasulat ko na. Huhuhuhu. Buti na lang naitago ko ang orihinal na kopya na 'to kaya naipost ko rito! (hallelujah!)

Sige, humayo kayo't magparami!-- este, sige kayo na't magbasa! xD

Muli, MALIGAYANG BUWAN NG WIKA SA LAHAT! \(^O^)/

***

Sa Mata ng Balatkayong Bata

by G.J.Dion


Ako ay isang ibong malaya

Sa himpapawid lumilipad, nagmamasid

Puso'y kawangis, kaalama'y pasasa

Huwag padadaig sa balatkayong bata


Bulong ng hangin aki'y naririnig

Daplis nito'y iniluluhog sa aking isip, damdamin at sa tinig

Nagbibingi-bingihan karamiha'y sa atin

Ibahin itong batang 'di padadaig.


Ating kultura dahan daha'y nababakli

Musika na sariling ati'y lumuluhog sa iyong pandinig

Kung letra at tinig ay mayroong mga labi

Nota ng musika luluha ng walang pasabi


Papel na sinulatan nabura dahil sa pigta

Ng luha ng musika na iyong kinaligta

Oo nga't tayo'y nabibilib sa kanilang kariktan 

Mukha ng perlas at dyamante na iyong minamahal 


Ngunit sila lamang ay dayo sa lupang tinubuan 

Tatanda't maglalaho, lilipas ng 'di kilalang lubusan

Isla'y talinhaga, yaman ay kay sagana

Makinig sa tinig na kay rikit

Iba't ibang musika't kultura sa iyong bayang sawi. 


Tinig ay 'di mawari, isinasapuso ang bawat himig

Away, sagutan, tawag sa sariling baya'y makaluma

Bulag sa mayumi't kariktan sa ibang bayang sinasamba.


Ating bilangin wika na sa atin

Dalawang opisyal, diyalekto't sa tribo

Ibang lahi sa ati'y hanga, limampu ang ating salita.


Isipa'y napapaisip, ideya'y umaalpas

Sa humigit limampung inang salita

Ilan ang iyong alam? 


Tenga'y nabibingi, pagguho ng lupa sa ating bayan 

Nakisabay sa aking hikbi

Nag-aaral, nagsasalita, nagpupumilit

Sa ibang lahing salita na iyong kinabibilib. 


Kapag sarado ang isip,

Katawa'y sariling piitan

Salat sa pang-unawa't impormasyon

Uhaw sa aral ng buhay


Marahil hindi nila pansin

Ngunit ibahin ang balatkayong batang 'di padadaig

Pilipino ka pa rin ba sa puso't isip?

O tanging sa isip na lamang

Pagkat sa puso'y iba na ang nananaig?

(07.29.13)

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now