Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)

25.3K 385 78
                                    

~Unedited 

Ni isang kurap ay hindi ko ginawa. Bawat segundo ay kay tagal. Napakakapal ng tensyon sa paligid. Sa bewang ko ay nakasabit ang katana ko. Handang handa na ang kanan kong kamay para hilain ito. Mas lalong lumaki ang ngiti sa mukha ni Blow. Katana laban sa isang kalabit ng gatilyo. Alam nyang kapag nag-unahan kami, sya ang panalo.

"Bang." nang-iinis na tudyo nya sa akin. Noong hindi sya nakakuha ng reaksyon mula sa akin, tumawa sya.

Humakbang ng konti si Niel. Napansin ito ni Blow pero hindi nya inaalis ang tingin sa akin.

"Don't you dare." banta nito kay Niel. "Move... and I'll shoot her." 

Noong hindi na sya gumalaw ngumiti ulit sya sa akin. Nakakakilabot ang mga ngiti nya. Sa isang tingin pa lang sa walang buhay nyang mga mata, manlalamig ka na. 

"So where's your bodyguard huh? Living you behind vulnerable like this. I'm even surprise he is not here... because usually, he never let you out of his sight. Day in and day out. Even how far... he is there... like a shadow looming around... protecting you. He is crazy. Crazy, crazy, crazy. So crazy he even let me live. That was his mistake though. Because I don't forgive and I don't forget. He killed my other half and so... I'm killing his."

Kinasa ni Niel ang baril na hawak at itunutok kay Blow. Pinaputukan nya pero naunahan sya nito. Tumalsik mula sa kamay ni Niel ang baril. Bukod pa roon, nadaplisan din ng bala ang braso nya. Nakulong ang sigaw sa lalamunan ko. Gagalaw pa lang sana ako noong ibinalik nya ang baril sa direksyon ko. Nanginginig ang mga kamay nya sa galit. Halata na sa ano mang oras ay handa na sya para muling kalabitin ang gatilyo. 

"Do not move!" sigaw pa nya sa akin. "Its all your fault. Its all your fault!" 

"I had done nothing wrong." tiim baga kong tugon. 

"Lies!" 

"Why is it me you always see? What Pietr decides had nothing to do with me!" 

"Your mere existence is the problem. Because of you Black Savage under The Highest Gang had been separated into two. Because of you we were forced to choose between two leaders. Because of you we had never given a choice. Because of you he killed my sister!" 

Gusto kong manumbat pero walang lumabas sa bibig ko noong marinig yun. Anong ibig nyang sabihin? Hindi ko magawang mailabas ang katana ko dahil bukod sa akin, nakatutok din ang isa pang baril sa direskyon ni Niel. Dalawang baril na ang hawak nya ngayon. Hindi na ako magtataka kung sa isang putok lang ay patay na kami agad kahit gaano pa kalayo ang distansya. She's a sharp shooter after all. Hindi biro ang mga katulad pagdating sa paghawak ng baril. 

Nakita ko na kakalabitin na nya ang gatilyo sa direksyon ko nang may biglang dumating. 

"Shoot. And I swear to God even in hell I will hunt you down." 

Si Pietr... nakatutok ang baril nya sa likod ng ulo ni Blow. 

Bumalik ang ngisi ni Blow. "In hell... as it may be."

Ipinutok nya na ang gatilyo sa akin pero nailabas ko na ang katana ko at ito ang ginamit kong pangharang. Sa lakas ng impak ay napaatras ako pero hindi ako natamaan. 

Mabilis syang hinawakan at sinugod ni Pietr kaya nawala ang atensyon nya sa akin. Tumingin ako kay Niel na nakasandal sa pader habang hawak ang braso nya. Mabilis ang paghinga nya dahil sa sugat na natamo. Alam kong maraming problemang kailangan harapin at ayusin pero sa pagkakataong ito, ibibigay ko ang buong tiwala ko kay Sophia para kay Niel dahil wala akong pagpipilian. 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now