Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!

39.1K 387 41
                                    

Dedicated sa kanya <3 Thank u so much for reading my stories. Wag ka sanang magbabago dear. God bless and keep inspiring!

♥♥♥

Chapter 22

Hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na text mula kay Jace. Tulog pa kaya yun? Busy sa work? Usually sa tuwing umaga sya ang laging nauunang bumati sa akin ng 'magandang umaga.' Ngayon wala. Kanina pa ako naghihintay ng text nya pero wala talaga. 

"Bakit ang haba ng nguso mo jan? Umagang umaga malungkot agad?" Umupo sa tabi ko si Reece. Katatapos lang naming kumain ng umagahan. 

Itinaas ko ang cellphone ko at matipid na ngumiti sa kanya "Hinihintay ko yung text ni Jace."

"Baka busy?" 

"Siguro nga"

"Itext mo na lang kaya?"

"Walang reply eh" sagot ko bago bumuntong hininga.

Tiningnan ko ang buong paligid mula sa kinauupuan namin. Nandito kami ngayon sa may terrace ng bahay kaya malakas ang simoy ng hangin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang mag-alala lalo na sa nabasa ko sa dyaryo kanina. Ipapasara na raw ang Maeda Mora High na pinipilit isalba ni Souta. Alam ko kung gaano kaimportante kay Souta ang school kaya hindi ko maimagine ang nararamdaman nya ngayon. Tinatawagan ko rin sya pero hindi naman sya nagrereply. Ano kaya ang plano nya? Matutuloy pa kaya ang misyon namin?

"Patience is a virtue. Maghintay ka lang." kumindat sa akin si Reece. May mahinang tawa ang lumabas sa bibig ko at ganoon din sya. Sandali kaming nagkatinginan at nagsingitian sa isa't isa tapos balik ulit sa kanya kanya naming sariling mundo. Dumungaw si Reece sa malayo at ganoon din ang ginawa ko. Malamig na ihip ng hangin ang naririnig namin sa paligid pati na rin ang magagandang awitin ng mga ibon. Ilang sandali pa ang pinalipas ko bago ako muling tumingin sa kanya. 

"Kamusta ka na?" pagbabasag ko sa katahimikan. Para namang nagulat sya sa tanong ko dahil dali dali syang lumingon.

"Syempre okay. Okay na okay. Bakit mo naman natanong? Para namang hindi tayo nagkikita sa bahay." Tumawa sya na may kasamang iling. Kahit kailan talaga ang ganda ng tawa nya. Sumasabay sa awitin ng mga ibon sa paligid. 

"Alam ko," ngiti ko "Kaso sa mga nangyayari ngayon pati sa mga nangyari noon, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na tanungin yan sayo. Kadalasan kasi ikaw ang nagtatanong sa akin nya eh. Kaya ngayon ako naman." 

Dumungaw ulit sya sa malayo, iniihip ng hangin ang buhok nya kaya maaliwalas kong nakikita ang mukha nya. She seemed lost in her thoughts for a second pero nung ibaling nya ulit sa akin ang tingin, tanging ang mga magagaan nyang ngiti ang nakita ko. 

"Of course I am. Why wouldn't I be?" 

Hindi man nya pinapahalata o pinapakita pero alam ko kung gaano sya nalungkot magmula noong mamatay si Sharie. For the first few weeks magmula ng mawala ito, wala syang ginawa kundi umiyak. Minsan pa nga nakikita ko syang tulala at lagi lang nakadungaw sa malayo. Laging malalim ang iniisip, laging mag-isa. Bago ko pa man makilala si Sharie at Reece, sila na ang unang naging magkaibigan.

"Okay ka nga lang ba talaga?" Sandali syang natahimik pero agad ding ngumiti sa akin. 

Pabiro nya akong hinampas sa may braso kaya nagsitawanan kaming dalawa "Okay na okay lang ako sabi. Ano ka ba"

Sobrang nakakamiss ang mga ganitong sandali. Dito nakaupo, nagkwenkwentuhan at nagtatawanan kasama ang isa sa pinakamalapit na kaibigan mo. It brings back memories from the past lalo na noong naroon pa kami sa Canada. Si Sharie, Julian at sya ang pinaka-una kong naging kaibigan doon. Magkakaklase na kami since elementary kaya masyado na talaga kaming sanggang dikit na apat. May bigla tuloy akong naalala, kaming apat-- noong maliliit pa lang kami-- nangako kami sa isa't-isa na walang iwanan, na kahit anong mangyari magkakasama pa rin kami. Nakakatuwa na nakakalungkot kasi una, wala na si Sharie pero atleast, halos mag-iisang dekada na ang nakalipas magmula ng ginawa namin ang pangako na yun at hanggang ngayon magkakasama pa rin kami nila Julian-- kahit nagtatampo pa sya sa akin ngayon.

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now