Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)

28.9K 377 79
                                    

Chapter 43

Jace's POV

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag pero kating kati na talaga ang mga paa ko na umalis dito. Tumingin ako sa malayo, sa mga bulaklak di kalayuan kung saan ako nakatayo. Sa gilid ng aking paningin ay may inilabas na sigarilyo si principal Reyes. Inilabas nya rin ang dalang lighter na bahagya nyang tinakpan noong humampas ang malakas na hangin para magsindi.

"Kamusta na Jace? Matagal na rin tayong hindi nag-uusap." 

Napasinghal ako ng konti at napangisi, hindi maitago sa mukha ko ang pagkairita na nararamdaman. Pinapunta nya lang ba ako rito para tanungin ang bagay na iyon sa akin?

"Diretsyuhin nyo na lang po ako. May kailangan pa akong puntahan na mas importante pa kaysa sa kamustahan natin." 

Tumawa sya ng konti. Iniabot nya ang bukas na pakete ng sigarilyo sa akin. Ibinulsa ko ang dalawang kamay ko, hindi inaalis ang tingin sa bulaklak na kanina ko pa tinititigan. Narinig ko ulit syang natawa ng mahina at pagkatapos ipinasok na sa bulsa ang pakete. Gamit ang dalawang daliri ay tinanggal nya ang nakasinding sigarilyo sa bunganga. Nagbuga sya ng usok. 

"Nandito kayo sa school. Di ba dapat kayo ang maging isang mabuting halimbawa sa mga estudyante rito?" sita ko sa paninigarilyo nya. 

"Drop the formality Mr. Alvarez, I'm here to talk about some gangster business. Talk to me as Serene's family attorney and advisor, not as your school principal." Nagbuga ulit sya ng usok. Hindi rin sya nakatingin sa akin, and that's fine by me.  "Anyway, we both know that people like you does not take orders seriously. You always like to be in control. Tama ba?" 

Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Itinupi ko ang dalawang braso sa dibdib ko. Madali naman pala syang kausap.

"Five minutes. Yun lang ang ibibigay ko sayo." 

"Don't you think that's a bit too short?"

Hindi ko sya pinansin. "Four minutes."

"Hindi ka pa rin pasensyoso hanggang ngayon? That will put you into trouble you know.ngisi nya. Ayoko syang tingnan dahil naaalala ko sa kanya si Aiden. Sa edad at posisyon, hindi sila nalalayo.

"Kung may sasabihin ka sabihin mo na. Hindi ako pumayag na pumunta rito para makinig sa mga laro mo." 

"Minsan iniisip ko, paano nagustuhan ni Serene ang isang tulad mo? Sa ugali pa lang, magkaibang magkaiba na kayo." 

Narinig ko syang tumawa. Sandali akong tumingin sa kanya. 

Huminga sya ng malalim at saka inilaglag sa lupa ang sigarilyo. Inapakan nya ito hanggang sa tuluyang nawalan ng apoy. 

"Hindi pa rin nahuhuli si The Highest hanggang ngayon. Malaya pa rin syang nakakagalaw sa paligid. Hindi ko maiwasang mabahala dahil nitong mga nagdaang araw hindi sya ganun ka-agresibong sumugod. Ilang beses na bang may humamon kay Serene na galing sa gang nya? Mabibilang ko lang sa kamay. Nakakabahala ang ginagawang katahimikan ng gang ni The Highest. Pakiramdam ko may plinaplano silang malaki at.... mapanganib." 

Bakas sa mukha nya ang kaseryosohan. Pati na rin ang pag-aalala rito ay hindi maitatanggi. 

"Hindi pa rin tumitigil ang gang ko para mahuli sya. At hinding hindi ako titigil hanggat hindi nya napagbabayaran ang ginawa nya." ikinuyom ko ang mga kamay ko. Naaalala ko pa lang ang ginawa nya noong Battle of the Gangs, marami ng imahe ng kabrutalan ang naiisip ko sa utak ko para sa kanya.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon