Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)

14.9K 356 106
                                    

A/N: Unedited. Haven't reread it so sorry for any mistakes. 

Happy monday. Enjoy!

***

Chapter 65 

"Serene iwan nyo muna kami." 

Tinanggal ko ang pagkakayakap kay Niel bago inilipat ang tingin kay Jace. Seryoso ang mukha nya. Nakatutok lang ito kay Niel na nasa harap ko. 

Naguguluhan ako sa mga tinginan nila pero pakiramdam ko may importante silang pag-uusapan. Ayaw ko pa sanang umalis. Gusto kong malaman kung ano ang pag-uusapan nila. Pero noong si Niel na ang nakiusap, matipid akong ngumiti at tumango. 

"Mag-uusap tayo mamaya." paniniguro nya sa akin. Pinunasan nya ang luha sa mga mata ko. May ngiti sa mukha nya na agad ko namang isinoli. 

Tumalikod ako ngunit agad ding ibinalik ang tingin sa kanya. 

"Kuya?" Gusto ko syang tawaging kuya. Gustong gusto. Noong una naguluhan sya ng konti pero noong napagtanto ang umaasang patanong na tono ko, nakuha rin nya. 

Tumango sya sa akin bago pabirong ginulo ang buhok ko. Parang yung dati. Yung madalas nyang ginagawa sa akin. 

"I would love that." sabi nya. His smile makes me happy inside. 

"See you guys later then." paalam ko sa kanila. Tumango sa akin si Jace pero ibinalik din ang tingin kay kuya Niel. 

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Wala na si Pietr at si Aziel. Ang bilis yata nilang nawala?

Kung tatanungin man ako sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Ang sagot? Hindi ko alam. Naghahalo ang lungkot at saya sa damdamin ko. Hindi ko alam kung paano sila ihahambing sa isang salita para maintindihan nino man. Malungkot ako dahil nagtago sa akin ng sikreto si mama. Alam ba ito ni papa? Bakit nya kami ni loko? Bakit sya nagkaroon ng affair kay papa gayong kasal sila at may anak?

I feel betrayed.

Bakit sya nagsinungaling? Bakit all this time, may kapatid pala akong kasakasama ni hindi ko man lang alam? 

Sa ikalawang banda, masaya ako. Sa ikalawang pagkakataon nagkaroon ako ng pangalawang pagkakataon. It's nice to have a sibling again. Oo minsan may tampuhan, asaran, bwisitan, katuwaan at kung anu-ano pa. Pero alam mo sa huli may kakampi ka. May aalalay sayo, meron palaging nanjan para sayo. Dahil pagbali-baliktarin mo man ang mundo magkadugo kayo-- magkapatid. At walang makakapagbago nun. 

Napahinto ako sa paglalakad noong makita si Pietr na nakaupo sa hagdanan. Masakit pa rin ng konti ang paa ko pero mas mabuti na ang ganito, ehersisyo. Kanina pa ako nag-iisip isip. Kanina pa ako nagmumuni muni. Hindi ko namalayan na nakaabot na pala ako sa harap ng Princeton kung saan tanaw nito ang malaking fountain at ang gate di kalayuan. 

"Hinahanap kita kanina. Bigla kang nawala." 

Tumayo ako sa tabi nya. Nakatalikod sya mula sa akin kaya hindi nya napansin ang pagdating ko. Mukhang malalim din ang iniisip nya. Kanina ko pa napapansin na parang may kakaiba sa kanya. 

"Kapatid mo pala si Niel. Hindi ako makapaniwala." sabi nya. 

"Kahit ako, nasa state of shock pa rin. Hindi ko akalain na naitago sa akin ito nila mama ng ganito katagal."

"Kaya pala ganun na lang sya kaclose at kaprotective sayo. Yun pala ang dahilan. Actually at first, I even got jealous. Silly of me." tumawa sya pero parang mas sarili kaysa kanino pa man. 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now