Extended Ending: Final

4.2K 99 18
                                    

Revised Epilogue

Sabay kaming dumating ni Jace sa reunion party na gagamitin sa isang malaking yate na inarkila ng school organizer. Gayunman, dahil sa dami ng mga kaklase na matagal naming hindi nakita, naghiwalay muna kami ni Jace upang batiin ang mga iba naming kaibigan.

Halu-halo ang tawanan at kwentuhan sa buong paligid. Sobrang dami ng pagkain ang nakahain. Sa katunayan hindi ko na alam kung ano ang uunahin.

Nakasalubong ko si Kuya Niel sa buffet table na tulad ko ay nagsasandok ng makakain. Nagkataon pa na parehas kami ng pagkain na kukunin. Nag-unahan kami sa sandok pero nauna ako. Sabay kaming nagtawanan.

"Ang daming tao ano? Grabe parang kailan lang talaga na High School pa lang tayo. Ngayon halos karamihan sa atin career man at woman na."

"Sinabi mo pa kuya. Naaalala mo ba yung isa sa kaklase natin sa English class noon? Yung palaging nakapigtail?"

"O bakit yun?"

"Model na raw! Tapos lalaban pa ng Binibining Pilipinas!"

"Wow ang astig naman!"

"Kumusta na pala ang school? Magkaklase raw kayo ni Nathan sa Business school na pinasukan nyo?"

"Ayos naman. Gusto ko na lang grumaduate. Ang daya nga nina Jace at Shane, ang sabi nila magbu-Business management sila. Bigla naman silang nag-switch ng Economics."

"Si Rico raw pupunta na sa France para sa Culinary school na matagal na niyang gustong puntahan?"

"Oo, yun nga yung sinasabi niya sa akin kanina. Bukas na raw yung flight niya. Tanungin mo siya siguradong matutuwa yun. Magpapaturo pa sana raw siya ng konting french words para hindi naman daw siya kawawa."

"Sige ba. Sige hahanapin ko siya mamaya. Siguradong magkasama sila ni Nathan ngayon. Nakita ko na sila kanina pero hindi ko nakausap kasi ang daming nakapaligid sa kanila."

"Ano pa nga ba? Kahit ilang taon nang nakalipas habulin pa rin sila ng mga babae."

"Naku sinabi mo pa!"

Sabay kaming nagtawanan.

"Teka, nasaan na nga ba si Jace? Kanina ko pa sya hinahanap eh." pag-iiba ko ng usapan. Kanina pa ako paikot-ikot sa yate na ito pero no where to be found ang isang iyon.

"Ewan ko." kibit balikat nyang sagot. "Kahit nga si Shane wala eh."

Weird. Nasaan naman kaya ang mga yun?

"Sige hahanapin ko muna sila." Ibinaba ko na ang mga dalang pinggan.

Kataka takang sumunod sa akin si kuya Niel.

"Bakit?"

"Sasama ako."

"Eh bakit?" ulit kong tanong.

"Bakit? Masama bang samahan ang kapatid ko?"

Aba dradramahan pa yata ako nito. Tumawa ako.

"Sige na nga sumama ka na."

Naglakad-lakad kami. Sa sobrang daming beses na naming naikot ang buong yate ay ginutom lang ako ulit. Kanina pa kwento nang kwento si Kuya Niel. Lakad din kami ng lakad pero sa tuwing may gusto akong puntahan na ibang direksyon, hihilain nya ako sa kabila.

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now