39. We can't do that

46.5K 789 112
                                    

39. 

“Sam…”

“Tara na Mike. Hindi na ata darating si Prof.” Nauna na akong naglakad kay Mike palabas ng room.  Oo si Charm yung tumawag sa akin at hindi ko pinansin. Nakakagago lang kasi talaga. Lalo na at dito pa nag enroll ang fiancee niya na parang stalker kung makabantay sa kanya.

Ilang beses din niya akong tinawagan at tinext para mag usap kami pero para ano pa? May fiancee na siya. Ikakasal na siya. Kung kelan man iyon wala na akong pakialam. Nakakatanga lang kasi ang tagal na niyang alam na ipinagkasundo na pala siya sa iba hindi man lang sinabi sa akin. To think na para akong gago na habol ng habol sa kanya at suyo sa kanya para magkabalikan kami. Yun pala gagaguhin lang ako ng ganito. Pucha! Bwisit na mga babaeng yan.

“Tol! “ Inakbayan ako ni Mike na nakahabol na pala sa akin.

“Kawawa naman si Charm. Hindi naman niya kasalanan yung sa debut niya.  Hidni naman niya alam na pinalitan pala ang escort niya.” Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Mike.

“Hindi din ba niya alam na pinagkasundo na siya sa ibang lalaki?” I retorted at Mike na nagpatahimik sa kanya. Ako naman naglakad na lang ulit. Alam kong close si Charm at Mike at ineexpect ko na ipagtatanggol niya ito.

Umakyat ako sa may garden at doon tumambay. Gusto kong mapag isa. Ngunit kung kailan naman gusto kong masolo ang mundo saka naman darating ang mga epal. Kalechehan na talaga.

“Kinarma ka ano?” Napatingin ako sa nagsalita. Si Chelsea. Papalapit siya sa akin na may nakakalokong ngiti. Umupo siya sa tabi ko kahiy hindi ko naman niyayang maupo. Bastusan na to.

“Yun ba ang babaeng pinagpalit mo sa akin? Ano ang feeling? Masakit? Yun din kasi ang naramdaman ko nung pinagpalit mo ako. At least nakaganti ako sa’yo.” Pucha! Kairita. Huminga lang ako ng malalim para pigilan ang sarili kong sapakin ang katabi ko. Pumunta lang ba to dito para asarin ako?

“At least tayo nagtagal. Eh kayo? Hahaha.”  Tiningnan ko na siya na may pagtataka. At narealize ko mabuti na lang pala hiniwalayan ko to. May tinatagong pagkamaldita pala.

“Oo na Chelsea. Bitter ka na. Bitter din ako. Parehas tayo. Gusto mo mag apir tayo?” I said sarcastically na ikinagulat niya. Ayaw ko namang mambastos ng babae pero kapag ganitong mainit ang ulo ko, wag niya akong inaasar kasi malamang papatulan ko siya.

Iniwan ko na lang siya sa garden at bumaba. Baka kasi pag hindi ko yun ginawa, baka ano pa ang magawa ko sa kanya. Pero hindi pa nga ako nakakababa, sinalubong na ako ni Charm.

“Samuel, mag usap naman tayo please.”  Pinadaanan ko lang siya ng tingin kasi ayaw kong makipagtinginan sa kanya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pamamaga ng mga mata niya na parang ilang araw ng umiiyak. Nakaramdama ako ng awa pero pilit kong inalis ang damdaming yun.

“Nabasa ko naman ang lahat ng text mo. May hindi ka pa nasabi dun?” Basically, yung sinabi niya sa akin sa party yun din ang explanation niya sa mga text messages niya. Naiintindihan ko naman siya sa pagpapalit ng escort pero ang hindi ko lang maintindihan ang hindi niya pagsabi sa akin na pinagkasundo na pala siya. At matagal na pala.

“I didn’t tell you kasi akala ko magbabago ang isip nila. Na hindi na nila itutuloy ang napagkasunduan. I hope you understand my point.” Unti unti na namang tumutulo ang mga luha niya. Umiwas ako ng tingin.

“I do. Naiintindihan kong nagbakasakali ka na kapag hindi ka ikakasal kay Lucky at least may reserba ka. At ako yun.” I said bitterly. I saw her flinch.

“Hindi yun ang intensiyon ko Samuel. You know that I love you kaya bumalik ako para sa’yo. I could choose not to go back yet pinilit kung bumalik para sayo. My parents won’t support my education here in the Philippines so I have to use all my savings para lang makapag enroll dito. Para lang malapit ako sayo, because I didn’t want to lose you.” Doon na lumambot ang puso ko.  Hinawakan ko na lang ang braso niya at hinila paalis sa lugar na yun. Isa pa dumadami na ang taong tumitingin.

Dinala ko siya sa parking at pinasakay sa kotse. Binuksan ko lang ang aircon pero hindi ko pinaandar ang kotse. At least dito may privacy kami kahit papano. Alam kong hindi na kami pwedeng lumabas kasi may nagbabantay na sa kanya.

Ilang minuto ding tahimik sa loob ng kotse. She’s fumbling her fingers habang ako nakatingin lang sa harap ko.

“I’m so sorry Sam.” Mahinang sabi niya. Hindi ako sumagot dahil hidni ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya ang naiisip ko. Hindi madali ang sitwasyon namin lalo na at involve na ang parents niya.

“Charm, are you willing to defy your parents wishes para sa atin?” Natatakot ako sa maaring isasagot niya. Natatakot ako sa magiging desisyon niya. Oo nga at ang lakas ng loob kong magalit sa kanya pero parang hindi ko pa rin makakaya pag naghiwalay kami. Pero wala na kaming choice. It’s either ipaglaban namin ang isa’t isa or maghihiwalay kami.

At natatakot ako sa isasagot niya kasi kilala ko si Charm. I know how she was brought up. Katulad ko, malaki ang respeto niya sa mga magulang niya.

“W-what do you mean Sam?” Napatingin na siya sa akin at tumingin na din ako sa kanya.

“Break off your engagement and run away with me.” Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya as if what I’ve just said is the most outrageous thing.

“Sam!  We can’t do that. Ang babata pa natin. How could we be able to support ourselves? Nag aaral pa tayo pareho.” Alam ko ding may punto siya at kalokohan ang pinagsasabi ko pero wala na akong maisip na paraan para hindi kami maghiwalay.

“We only have two choices Charm.  Ipaglaban natin ang relasyon natin or maghiwalay tayo.” Hinawakan ko ang mga kamay niya. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya pero kailangan naming harapin ang siitwasyon.

“I don’t want to break up with you.” Napabuntunghininga ako.

“Then break off your engagement.” With tears in her eyes she looked at me.      

“I can’t disappoint my parents Sam. Hindi ko kaya. Hindi ko sila kayang saktan.” Yumuko na lang ako. I know how hard it is for her. I’m pathetic to have ask her to choose between me and her parents. 

“You can’t have both Charm. You just can’t.”  Binitiwan ko ang kamay niya at lumabas ng kotse.  Hinayaan ko siyang umiyak sa loob ng kotse. Ako nakasandal lang at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Siguro nga tama lang na ganito. Ayokong pilitin siyang magdesisyon dahil alam kong mahirap sa kanyang gawin yun. At ayaw kong nahihirapan siya.  Dapat na nga siguro akong makuntento kasi minahal niya ako. And because of her natutunan ko kung paano magmahal.

Although masakit, pero sino ba ako para hingin sa kanya na saktan ang pamilya niya?

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon