26. Eh Ano Ngayon?

55.5K 890 115
                                    

26.

Ang bilis ng panahon, malapit ng matapos ang semester at hindi nagbago ang pakikitungo ni Charm sa akin. Para namang pinakikitunguhan niya ako. Siguro mas magandang sabihin na iniiwasan niya ako sa abot ng kanyang makakaya. Mas naging close sila ngayon ni Mike. Minsan nga nagseselos na ako sa sobrang closeness nila pero ano ba ang magagawa ko? Ano pa ba ang karapatan ko?  Wala na di ba? Natapos na. Tinapos ko na.

Yung pag uusap namin sa kotse ko, yun na ang huli. Tuwing lalapit ako sa kanya ang una niyang bunga sa akin, kamusta na ang gf ko.  Nakakabadtrip pero yun naman ang totoo.

No one knows of our past except sa aming tatlo nina Mike kaya kahit ang awkward ng situation, wala akong magawa nung tinanggap siya ng puso puso ng aming mga barkada. Kaya pag lumalabas kami kasama na siya palagi pero yun nga lang nakadikit siya palagi kay Mike na parang si Mike ang shield niya at nakadikit naman sa akin siyempre si Chelsea.  

Nakaupo kaming lahat ngayon sa student center at hinihintay ang iba naming kasama. Magkatabi kami ni Chelsea at nakahawak si Chelsea sa braso ko at magkaharap kami ni Charm na katabi naman niya as usual si Mike.

“Ang cute cute mo talaga!!” Napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa ni Mike. Pinisil ni Mike ang pisngi ni Charm. Nagsalubong ang kilay ko.  Hindi ko alam kung obvious ang pagsimangot ko.

“Aray naman Chael! Kung makapisil ka ng pisngi akala mo wala ng bukas.” Hinampas niya ang kamay ni Mike tapos binatukan at hinimas himas ang mukha niyang pulang pula. Tawang tawa lang si Mike sa ginawa niya. Tiningnan ko siya ng masama pero hindi niya ako pinansin instead inakbayan niya si Charm at tinulak tulak naman siya ni Charm.

Kabwisit talaga. Nakakawalang gana.  Tatayo na sana ako nung narinig kong nagsalita si Mike. Mahina lang na parang ibinulong lang ni Mike kay Charm pero narinig ko pa din.

“Ayyyiiee… so nanliligaw na nga sayo si Chester?”  Napatingin ako ng diretso sa kanila at nakita kong lalong namula si Charm. Nakita ko pang rtumingin siya sa akin bago sinuntok si Mike.

“Aray! Sadista ka! Bakit bawal ba ipangalandakan na may nagkamali sayo?” Bago pa masaktan ulit ni Charm si mike nakatayo na ito at nakatakbo.

“Paksyet Chael! Saan ka pupunta?” Tumayo na din si Charm para habulin si Mike.

“Hahanapin si Chester para may iba kang mabugbog.” Tapos tumakbo si Mike at hinabol naman ni Charm. Huminga ako ng malalim. Ganyan din kami dati, naghahabulan pag naaasar ko siya. And how I loved seeing her blush kapag pinupuri ko siya at kapag nilalambing. Pero ngayon, ibang tao na ang nagpapablush sa kanya at nasasaktan ako.

“Ang kulit nila. Bakit hindi na lang sila ang magkatuluyan?” Comment ni Chelsea. Nabilaukan ako ng tubig na iniinom ko.

After mga 30 minutes, bumalik siya na nag iisa. Pulang pula ang mukha siya siguro sa kakahabol kay Mike.  Pero nag iba na ang aura niya. Ngumiti siya sa amin nung dumating siya pero nakikita kong malungkot ang mga mata niya. Ganun naman palagi ang mga mata niya simula nung bumalik siya. Palaging malungkot.

“Napagod ka kakahabol kay Mike?” Tanong ng isang barkada namin at tumango naman siya tapos sumubsob  sa bag niya na nasa mesa. 

Iniabot ko sa kanya ang tubig ko at walang sabi sabing ininom naman niya. Parang katulad lang din ng dati. Nagcshare kami sa isang bottle ng mineral water.  Mukhang uhaw na uhaw siya.

“Heinz, bakit yun ang ibinigay mo kay Charm? Eh nainuman mo na yun?” Sbai pa ni Chelsea.  Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Charm at tumigil sa pag inom. Umubo pa siya ng kunti.

“Eh ano ngayon? Wala naman akong virus.” Baliwalang sabi ko pero alam ko kung ano ang iniisip ni Chelsea. Indirect kissing nga naman. Pero hidni ko na alng pinansin na parang balewala lang sa akin ang nangyari.

“Nagmeryenda ka na?” Hawak pa din niya ang bote ng mineral water na parang natutulala.

“Hindi pa! Kanina pa nga kita yinayaya.” Sagot naman ni Chelsea.

“Ibibili kita mamaya Chels.” Tumingin ako saglit kay Chelsea para sagutin ang sagot niya sa tanong ko na hindi naman para sa kanya tapos tumingin ulit kay Charm.

“Charm, tinatanong kita kung nagmeryenda ka na ba?” Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Hindi ba obvious? Sa kanya ako nakatingin habang nagtatanong.

“Ahmmm..hindi pa po.” Mahinang sabi niya pero mas lalong namula ang mukha niya. Pati tenga niya namumula niya.

Tumayo na ako para ibili siya..ahmm sila ng meryenda pero tumingin ako ulit kay Chelsea.

 “Chels, anong gusto mo?”  Ngumiti si Chelsea at hinawakan ang kamay ko.

“Burger and iced tea na lang.” Tumalikod na ako pagkasabi niya nun at bumili ng pagkain. Pagkabili ko, bumalik na ako at ibinigay kay Charm ang pagkain niya tapos kay Chelsea. Bumili na din ng kani kanilang pagkain yung iba. Kumakain na kaming lahat nung biglang dumating si Mike at tumabi kay Charm.

“Wow Charm! All time favorite mo Charm Melted Cheese with Carbonara. Parang highschool lang ah, hindi ka kumakain ng carbonara na hindi napapaligiran ng melted cheese. Haha! Si Heinz ba ulit ang…” Napatigil si Mike sa pagsasalita at napatingin sa akin, tapos kay Charm, tapos kay Chelsea. Lahat napatigil sa pagkain.

Nawala ang ngiti sa labi niya tapos nag peace sign kay Charm kasi ang sama na ng tingin ni Charm sa kanya at si Chelsea pabalik balik ng tingin sa aming tatlo. Napapayuko at napapailing na lang ako.

“Teka… may lakad pa pala ako.” Tapos umalis na din ang sira ulo.  Nung tumingin ako kay Charm. Nakayuko na lang siya at pinag lalaruan ang carbonara si Chelsea ang sama ng tingin sa akin.

At walang sabi sabing ibinagsak ang kinakain niya, tumayo at mabilis na umalis. 

♥ Charm ♥Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ