36. without your guard, you are nothing

51.4K 968 148
                                    

36.

2PM ang schedule ng counselling ni Charm. 1:30 pa lang naghihintay na ako sa harap ng Counsellor’s Office. Hindi naman sa masyado akong excited, medyo lang. Quarter to two nung dumating si Charm. Napatigil siya sa paglalakad pagkakita sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at napasimangot siya. Suplada talaga. 

“Anong ginagawa mo dito?” Pasinghal na tanong niya. Kahit kailan talaga, under ako. Huhu. 

“Nasuspend din ako kaya may counselling din ako.” I said cheerfully na nagpakunot ng noo niya.

“Bakit parang masaya ka pa?” Nakasimangot pa ding tanong niya.

“Siyempre walang pasok.” Nakangiti pa ding sabi ko.

“Ako ngayon ang nakaschedule sa counselling, bakit andito ka din? Hindi pwedeng dalawa.” Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Nakaka ilang kasi na nakaupo ako tapos nakatayo siya sa harap ko. Masyadong naiistress ang pagiging under ko.

“Nakaschedule din ako ngayon. 2PM. Hindi kaya nagkamali ang DO? Pinagsabay tayo?” Tiningnan niya ako na nagdududa.

“Bakit sinuntok mo si Emir? Sinadya mo bang magpasuspend din?” Hindi ako tumingin sa kanya. Hindi ko din siya sinagot. Tumingin ako sa relo ko.

“2PM na!” Sabi ko sa kanya. Ang laki pa ng ngiti ko na parang tuwang tuwa ako sa counselling na mangyayari.

“Sam!” Naiinis na na sabi niya. Naaaliw ako. Hahhaa. Ang cute cute niya kasi pag naiinis. 

“Ano?” Painosenteng tanong ko sa kanya.

“Grrrr!” Tumawa na lang ako at kumatok na sa pinto tapos pinauna ko siyang pinapasok.  Naamoy ko pa ang buhok niya habang papasok siya sa office. Ang bango lang, nakakaadik. 

Binati namin ang counsellor tapos pinaupo na kaming dalawa. Magkaharap kami ni Charm sa harap ng table ng counsellor.

“Sabay po ba kaming kakausapin?” Tanong niya. Ang cute cute niya talaga. Ilang beses ko na bang namention ang salitang cute? 

“Hija, hindi naman mag kacounselling si Mr. Po. Andito siya as your guardian kasi nalaman namin na wala pala dito ang parents mo at wala ka ding kamag anak. We have gathered that magkakakilala na kayo ni Mr. Po since highschool and he volunteered na maging guardian mo.

Tiningnan ako ng masama ni Charm. Nginitian ko siya at kinindatan. Namula siya bigla. Haha! Akala niya siya lang ang may charm ha. Ano ka ngayon?  Pero bakit bigla bigla na lang akong naging guardian? Hahaha. Ang saya naman. Gusto ko tuloy yakapin ang DO.

 Nag usap na sila ng counsellor at nakikinig lang ako. Minsan tinatanong ako minsan din sumasagot ako kahit di tinatanong. Nung una  tinanong kung bakit nag away sila ni Chelsea tapos nagadvice ang counsellor kung ano ang dapat gawin sa mga ganung sitwasyon. Etc.. etc.. Kailangan ko pa bang isa isahin ang pina usapan nila? Wag na alng. Kakatamad. 

♥ Charm ♥Donde viven las historias. Descúbrelo ahora