50. Take the whole body

47.8K 899 103
                                    

50.

Nagstay pa kami ng isang araw sa resort. Ayaw pa niyang umuwi kahit na natawagan na niya ang parents niya. Galit ang parents niya at gusto muna niyang palipasin kahit isang araw lang ang galit ng mga to.

Nung pauwi na kami kinakabahan ako at alam ko ding kinakabahan din siya kaya pinilit kong hindi ipakita sa kanya ang kabang nararamdaman ko. Alam nila Mommy ang gagawin namin. Nung araw na andun kami sa resort alam nila na kasama ko si Charm. Pasalamat na lang siguro ako at binigyan ako ng mga magulang na naiintindihan ako palagi.

Halos ayaw niyang bumaba sa sasakyan nung tumigil kami sa harap ng bahay nila. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit and squeezed it. Ang lamig ng kamay niya.

“Let’s go?” Yaya ko sa kanya. She looked at me nervously.

“Magtanan na lang kaya tayo Sam?” Napangiti ako sa sinabi niya. Naalala ko kasi nung sinabi ko yun sa kanya. And her she is telling me the same thing.

“Baby, andito na tayo. Gawin na lang natin. Don’t worry, andito lang ako.” I assured her kahit na kinakabahan din talaga ako. Niyaya ko na siyang lumabas ng kotse.

Pinapasok naman kami ng guard sa gate nila pero nagulat na lang ako nung pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay nila sinampal agad siya ng Mommy niya.

Umiyak na lang siya at awang awa ako sa kanya. I covered her para hindi na siya saktan ng magulang niya. Hindi ko alam ang irereact ko. Hindi ko akalain na may mga magulang pa lang talagang sinasaktan ang anak nila.

“Mommy..! I’m sorry.” Todo iyak pa din siya. Gusto ko na siyang hilahin at lumabas na lang kami sa bahay nila. Pero andito na kami. Payag man sila o hindi, ang mahalaga nagbigay kami ng respeto na ipaalam sa kanila ang plano naming dalawa.

“How dare you Charm! Pinahiya mo kami ng Daddy mo! How could you do this to us?” Sigaw pa din ng  Mommy niya.

“Alam mo ba dahilan sa ginawa mo nagback out sa merger ang mga Yu! What will happen to our business? Ano pa ang matitira sayo kung tuluyan na tayong malulugi? Hindi mo naiintindihan na ginagawa naming to para din sa kinabukasan mo Charm! Pero ano? Mas pinili mo ang lalaking yan kaysa sa kinabukasan mo? Bakit ano ba ang kaya niyang gawin para sayo? Mapapakain ba niya sayo ang pagmamahal na sinasabi mo!?” 

“I’m so sorry Mommy, Daddy.  Pero… hindi ko kayang maikasal kay Lucky. Si Samuel ang mahal ko. Alam niyong ayaw ko makasal sa kanya  pero ayaw ko kayong masaktan. I don’t want to defy both of you dahil mahal ko kayo. But please understand that I wouldn’t be happy if I marry Lucky.  At hindi ko naman po kailangan na maging sobrang  mayaman. Kaya naman po natin itayo ang business natin kahit wala ang mga Yu. I don’t need a lot of money, gusto ko lang po maging masaya.”  Naninikip ang dibdib ko sa nakikita ko at the same time a part of me was glad that she was able to fight for me. To fight for what she feels.

“You are a disgrace Charm. We will disown you.” Mahinahon pero puno ng galit na sabi ng Daddy niya.  Umiyak lang si Charm.  Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

“Mahal ko po si Charm. Matagal na at alam kong mahal din niya ako. Hinayaan kong makasal sila ni Lucky dahil yun ang pinili niya at yun ang desisyon niya na kailangan kong respetuhin. Dahil ayaw niyang magalit kayo sa kanya . Pero ngayong mas pinili na niya ako, wala ng rason para hindi ko siya ipaglaban. Kaya kahit itakwil niyo siya, okay lang. Sasaluhin ko naman siya. Nagpapaalam po kami ng maayos at sana po wag niyo naman ganituhin ng anak niyo!” Gusto ko lang naman na magpaalam kami ng maayos. Gusto ko lang naman na bigyan sila ng respeto pero kung ganito ang pakikitungo nila kay Charm, mas mabuti pa nga atang nagtanan na lang kaming dalawa.  

“How dare you say that. You can’t even provide for her needs!” Hysterical na sabi ng Mommy niya.  

“He can Mrs. Ming.” Napalingon kami bigla sa nagsalita galling sa front door. Pumasok si Daddy at nakasunod si Mommy sa kanya. Oo sinabi naming na dadaan muna kami kina Charm bago kami umuwi pero hindi ko inakalang pupunta sila dito.  

“ We may not be as wealthy as your family and the Yu’s but what we have is enough to provide for both of them. If you cannot support your daughter’s happiness we are always here  to support both of them. Anyway, even during their teenage years, we already consider Charm as the daughter we never had.” Sagot naman ni Mommy. Tumabi sila sa amin and agad na yumakap si Charm kay Mommy. Tinapik naman ako ni Daddy sa balikat.

“ I’m sorry if we’re late Son. Anyway, if they can’t give her hand, take the whole body. Anyway, hindi na nila pwedeng ilayo si Charm sayo kasi may karapatan ka na sa magiging anak niyo. Let’s go.” Napatingin kaming lahat kay Daddy. Anong anak? Wala pa ngang nangyari sa amin ni Charm, anak agad?

Nakita kong natulala ang parents ni Charm and I saw my Dad winked at us. Loko tong si Daddy.   

Ni hindi na nakaimik ang parent ni Charm nung lumabas kaming apat sa bahay nila. 

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now