12. My Charm

72.1K 1.2K 110
                                    

12.

Lamang ng dalawa ang kalaban namin. 4th quarter na ng 5th game championship finals. Best of 3 finals at 2-2 ang score. 20 seconds na lang ang natitira at ako ang may hawak ng bola.

Nasa kamay ko nakasalalay ang pagkapanalo o pagkatalo ng school namin.

Nabibingi na ako sa ingay ng mga nanonood. Napakahigpit ng bantay. Gustong gusto nilang manalo. Kunsabagay, kung saka sakali, maagaw nila ang championship crown sa amin. At ito na ang chance nila.

Lalo na at wala ako sa mood maglaro ngayon. Kasi naman, first half na hindi pa din dumadating si Charm.

Sabi niya kanina, hahabol siya kasi may practice sila ng banda pero nag 3rd quarter na at nag 4th quarter  hindi pa din siya dumating. Nawalan tuloy ako ng ganang maglaro. Kaya nahabol kami at natambakan pa sa 2nd half.

Mabuti na lang at magagaling ang mga kasamahan ko kasi bumawi sila at pinagpahinga ako ni coach. Alam niyang wala akong ganang maglaro. Pero nung last 5 minutes na pinapasok ako ulit pero wala pa ding improvement ang laro ko.

Paano wala ang inspirasyon ko.

At ngayon, nasa mga kamay ko ang bola. Instruction ni coah na ako ang mashoshoot pero talagang hindi ko kaya. naghanap ako ng mapapahan.

Ipapasa ko na sana ang bola when I heard it.

"i LOVE YOU SO MUCH SAMUEL HEINDRICK PO.  BABALIIN KO ANG DRUMSTICK KO PAG HINDI KAYO NANALO!"

Napakatinis ng boses niya. Nangingibabaw sa buong gym. At halos tumigil din ang lahat sa paghiyaw dahil sa sigaw niya. Napalingon ako  at pati ang nagbabantay sa akin napalingon din.

Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ni coach na parang hinihingal pa hawak niya ang kanyang drumstick.

She winked at me at ngumiti ako. Tapos yung dalawang nagbabantay sa akin parang napatulala sa kanya.

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now