40. I am asking when

47.5K 1.2K 283
                                    

40.

Simula ng araw na yun, pilit namin iniiwasan ang isa’t isa. Ang hirap lalo pa at may iilang subjects na magkasama kami. Minsan nagkakahulihan pa kami ng tingin at agad namang binabawi namin ang tingin. Obvious na obvious na nag iiwasan kami kasi kapag magkakasalubong kami, isa sa amin ang lilihis ng daan. Para bang pag nagkasalubong lang kami guguho na ang mundo.

Hindi na din ako naglalagi sa school para hindi ko siya madalas makita. Pero hindi pala habangbuhay kaming mag iiwasan lalo na at ang liit ng mundo namin. Lalo na at habang tumatagal nakikita ko siyang nahihirapan. Hindi ko kayang hindi man lang siya sulyapan. Hindi ko maiwasang tingnan pag lunchtime na sa cafeteria kung kumain na ba siya o hindi. O hindi matiis na hindi tanungin si Mike kung kamusta na ba siya.

“Tol, kung gusto mo siyang kausapin, bakit hindi mo gawin? Kahit siya gusto ka din niyang kausapin. Ano pa ang hinihintay niyong dalawa? Ang gumuho ang mundo?” Isang araw na sinabi sa akin ni mike nung minsang tinanong ko siya kung bakit wala si Charm.

“Hindi kasi ganun kadali yun Mike.” Malungkot kong sabi.

“Anong hindi madali dun? Itetext mo lang naman siya para itanong kung bakit wala siya. Bakit kasi hindi na kayo magbalikan at ng hindi na ako nahihirapan?”

“May fiancee na siya Mike. Hindi na kami pwedeng magbalikan.” Yun ang masaklap. Mahal pa namin ang isa’t isa pero hindi pwedeng maging kami. Kasi kung itutuloy pa namin ang relasyon namin, sa huli masasaktan lang lalo kami.

“Itanan mo na lang kaya para walang ng ma say ang parents niya?” Umiling na lang ako.

“Sinabi ko na yan. Ayaw niya.” Napatingin na lang si Mike sa akin at napailing.

“Hirap ng sitwasyon niyo tol. Tara, mag suicide na lang tayo.” Tapos inakbayan niya ako at niyaya papuntang library. Pag sinabi niya kasing magsuicide, ibig sabihin, mag aral ng Calculus. Kahit loko loko yang si Mike, seryoso yan sa pag aaral. Lalo na at ang girlfriend niyan ngayon ay Dean’s Lister. Binigyan ata siya ng cut off grade kaya pursigido mag aral.

Pero siguro nga kung loko loko si Mike, mas loko loko ang tadhana kasi tama ba namang makasama ko si Charm sa grupo namin para sa finals? Kung sino pa ang nag iiwasan sila pa tong pinagdidikit.   Nakakabadtrip.  At ako pa ang naatasan na maging group leader.

Doon kami gumagawa sa bahay ng isa naming ka-group  kasi yun ang pinakamalapit sa school at pinaka-accessible sa lahat. Tatlong araw na kaming nagmemeet pero ni minsan hindi pumunta si Charm kung saan namin ginagawa ang project. Tinatanong niya ang isa naming ka groupmate kung ano ang gagawin niya kaya binibigay ko naman ang dapat niyang gawin. Pero napuno na talaga ako nung tatapusin na namin ang project at wala siyang maibigay na input. Two days na lang at submission na at ang sa kanya na lang ang kulang.

“Hannah, pakitanong nga kay Charm kung natapos na niya ang part niya.” Tiningnan ako ni Hannah tapos nilapitan si Charm.

“Charm, okay na daw ba ang part mo ng project?” Hindi ko narinig ang sinabi niya pero bumalik si Hannah sa akin.

“Hindi pa daw eh.” Babalik  na sana si Hannah sa upuan niya  nung nagsalita ako.

“Pakitanong naman kung kelan niya ibibigay. Sa kanya na lang ang wala.” Tiningnan ako ulit ni Hannah pero nakasimangot na siya.

“Bakit kaya hindi na lang ikaw ang magtanong? Mukha ba akong messenger niyong dalawa?” Tapos tinalikuran na ako. Huminga na lang ako ng malalim tapos tumayo at lumapit sa kinauupuan niya.

“Kelan mo maibibigay ang part mo ng project.” Nakayuko lang siya at may dinodoodle sa notebook niya.

“Hindi ko pa kasi tapos…”Hindi pa din siya nakatingin.

“I am asking when.” Medyo tumaas na ang boses ko. Naiinis kasi ako, kung ayaw niya akong makasama sa project sana nagpalipat siya o kaya kahit hindi siya umattent sa group meetings namin, sana man lang tinapos niya on time.

“Si-siguro bukas.” Mahinang sabi niya. Nakita kong humihigpit ang hawak niya sa ballpen.

“Bukas? Two days from now submission na. Tapos na kaming lahat, ang sayo na lang ang kulang tapos bukas mo pa ibibigay? Anong gusto mo, magmadali kaming lahat para sayo? Kung gusto mong bumagsak dahil sa kapabayaan mo, wag mo kaming idamay!” Sa inis ko, hindi ko na napigilan mapasigaw. Napatingin ang iba naming kaklase. Mabuti na lang at walang professor.

“A-ako na lang ang tatapos ng lahat. Ibigay niyo na alng sa akin ang lahat ng materials.” Mahinang mahina ang boses niya at yukong yuko siya.

“Ikaw ang tatapos? Ni hindi mo nga matapos ang part mo tapos ikaw ang tatapos ng lahat? At ano ang alam mo gagawin kung ni hindi ka pumupunta sa mga meetings natin!?” I shouted again. Hindi siya nagsalita instead I saw a drop of tear fall on her notes.  Napapikit ako sa nakita ko. Parang biglang nanikip ang dibdib ko.

“Potang Ina!” Naibagsak ko ang hawak kong libro. I saw her flinch. Tumahimik ang buong klase. Potang Ina talaga. Tang Ina. Gusto kong magwala.

“Wag mo akong daanin sa luha Charm! Hindi masosolusyunan ang lahat ng luha mo! Tang Ina!” Hindi ko alam kung saan ko ibubunton ang galit ko. Bigla, para na alng akong nag click at lumabas lahat ng galit na naramdaman ko. Lahat ng frustrations at lahat ng sakit.

‘Heinz! Tama na!” Sumigaw na ang mga babae naming kaklase. Humahagulgol na si Charm. Leche talagang buhay to!

Naramdaman kong  hinawakan ako ni Mike sa balikat.

“Tol! Tama na. Kumalma ka nga muna!” Pero inalis ko lang ang kamay ni Mike na humahawak sa balikat ko at nagmamadaling lumabas ng classrom.

Ayoko na! Ba’t ba kasi ang sakit! Pucha!

A/N:

I have never asked for something like this before in any of my stories. But sometimes I also got fed up by readers who demands as if I am their employee and command me to update ASAP. It's okay if you're paying me to update but you're not, so you don't have the right to demand such things from me. Let's have a truce then, if you want an update asap, give me 5,000 likes for this chapter alone and 2000 comment for this chapter. If you can reach that number, I will update it ASAP. If you can't reach that number then I am so sorry but no update will come even if I have already finished this story. 

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now