15. Lason

63.3K 1K 125
                                    

15. Lason

Binilisan ko ang pagbili ko ng mga pinabili nina Charm. Aaminin ko man o hindi pero kinakabahan ako kung ano man ang pag uusapan nila. Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon ni Charm. Kinakabahan ako sa gagawin niya. Natatakot ako sa kahihinatnan ng lahat na to.

At wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko.

Pagkatapos kong bilhin ang mga pinabili nila agad akong pumunta sa cashier para magbayad pero ang haba ng pila.

Ganito pala ang feeling ng nagmamadali pero wala kang magawa kundi maghintay. Habang tumatagal lalong lumalakas ang kaba ko. Paksyet! Ano ba ang ginawa ko sa buhay ko?

Nagpasalamat ako nung nakapagbayad na ako. Muntik ko pa ngang maiwan ang sukli. Langya talaga. Dali dali akong pumunta sa table kung saan ko sila iniwan pero nagulat ako nung nag iisa na lang si Ash.

"Saan si Charm Ash?" Agad kong tanong sa kanya.

"Heinz, andito ka na pala. Umalis na siya eh. Pero nagsabi siya na sa atin na lang daw ang mga pinabili niya. Medyo nagmamadali nga eh. May katext kasi kanina." Lalo akong kinabahan sa sinabi ni Ash. Umalis si Charm na hindi nagpapaalam sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hahabulin ko ba si Charm? Pero paano si Ash? Nakakhiya na iiwan ko siya ng hindi nagpapaalam. Tae talaga! Ang gago ko lang kasi.

"Ang bait ni Charm Heinz  noh?  Actually tinanong niya kung gaano katagal na tayong nagkakilala, kung gaano katagal na tayong mag bf." Sabi pa ni Ash habang nagbubukas ng pagkain niya.

"Anong sinabi mo?" Paksyet lang! Paksyet! Paksyet! paksyet!

"Ayun sinabi kong nagkakilalla tayo sa Ran tapos 2 months na tayo!" 2 months/ 2 months na ba kami? Pagkakatanda ko kasi palagi kaming nagchachat tapos one time nagsabi siyang, 'Love na talaga kita Heinz' kaya sinabi ko ring 'love na din kita.' Simula nun parang kami na. Ugh!

"Ash, pasensiya ka na pero kailangan ko nang umalis." Nagulat siya sa sinabi ko.Ako naman napatayo na. Hindi ko na kayang patagalin to. Kailangan kong sundan si Charm. Kailangang mag kausap kami. Kailangang magkabati kami.

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now