29. Hindi pwede

54.6K 1K 231
                                    

 29

“I love you Charm. I love you baby, so much.” 

We stayed hugging each other for a long time and I wanted for us to stay the same. 

“I love you.” Hinawakan ko ang pisngi niya at tiningnan siya sa mga mata. Pinahiran ko na din ang mga luha niya.

“Pero sinabi mong mahal mo si Chelsea. Siya ang gf mo.”

“Sinabi ko lang yun dahil ayaw kong mag iskandalo sa school. Oo siguro minahal ko siya, I care for her but not as much as I love you. Hindi kasing tindi ng nararamdaman ko sa’yo.”

“Mahal din kita Sam, pero si Chelsea... Hindi pwede ito, masasaktan mo siya.” Nakikita ko ang pag aalala sa mukha niya.

“Mas ayaw kong nasasaktan ka. Baby, it’s okay. Kakausapin ko siya, maybe she would understand.  Just give me time to talk to her okay? “ Though hindi ko din alam kong papaano ko sasabihin kay Chelsea ang lahat pero siguro tama lang na malaman niya ang  lahat ngayon mula sa akin kaysa malaman pa niya sa iba.

Pero ang totoo, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Chelsea. Hindi ganun kadali makipagbreak sa girlfriend lalo na at napakabait ni Chelsea. Pero kailangan kong mamili at si Charm ang pinili ko kaya kahit hindi ko gusto masasaktan at masasaktan si Chelsea sa gagawin ko.

Tumigil pa kami doon sa may park at nag usap. Nalaman ko na ang kasama lang pala niya sa bahay nila ay ang katulong nila at ang driver dahil hindi pa din umuuwi ang parents niya.  Madami kaming napag usapan at mostly tinanong ko siya sa naging buhay niya sa China at tinanong din niya ako tungkol kay Chelsea. Kinuwento ko sa kanya ang lahat hanggang sa gabihin kami.

Nung mga 9PM na hinatid ko na siya sa bahay nila pero hindi na ako pumasok. Gabi na din kasi at baka hinahanap na ako sa bahay.

Nung nakasakay na ako sa kotse tsaka ko naalala ang cellphone ko. Ang daming missed calls at messages si Chelsea pero hindi ko nireplayan. Sa bahay ko na alng itetext.  Pero nakatulog na ako’t lahat nakapaggoodnight kay Charm pero hindi ko pa din nareplayan si Chelsea.

Kinaumagahan, maaga akong pumunta ng school kahit tanghali pa ang pasok ko kasi maaga ang pasok ni Charm. At kakausapin ko din si Chelsea. Bahala na.

‘Baby, saan ka na? Nagbreakfast ka na ba?’ I texted her nung dumating ako sa school.

‘Nasa  class. Mamaya na po, mga 9am, after ng class.’

‘Bumabalik ka na naman sa hobby mo na hindi pagbbreakfast. After your class, magkita tayo sa bistro. Pakakainin kita.’ Ganun siya nung highschool. Dahil late siya gumigising, hindi na siya nakakain kaya nagdadala ako ng breakfast pag sinusundo ko siya para doon na niya kainin sa kotse. Ngayon hindi na naman siya nagbbreakfast. Kaya pala ang payat niya.

‘J’ Yan lang ang sagot niya pero napangiti ako. Tapos pumunta na ako sa bistro. Dumating siya mga 9:15 and since nakapag order na ako, iniserve na lang pagdating niya.

“Ang dami naman nito. Fiesta?” Nakangiti siya habang nakatingin sa pagkain tapos sa akin.

“Hindi. Pambawi sa mga araw na hindi ka nagbreakfast.” Ngumiti lang siya ulit tapos kumain na.  Natutuwa akong makita siyang kumakain.

“Kakausapin ko si Chelsea mamaya.” Sabi ko nung patapos na siya. Baka kasi mawalan siya ng gana pag sinabi ko habang kumakain na siya.

“Sigurado ka?” Alam kong nagwoworry siya.

“Baby, wala ng ibang way. Alangan naman na itago natin ang relasyon natin. Malalaman at malalaman din niya. The sooner the better.” Tumango tango na lang siya.

“Pero Sam, relasyon agad? Hindi mo man lang ako liligawan ulit?” Napangiti ako sa sinabi niya.

“Bakit kita liligawan ulit? Nagbreak ba tayo?”  Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

“Kung hindi tayo nagbreak, eh di niloko mo ako?” Natigilan ako sa sinabi niya. Sapul! Hindi ako nakapagsalita agad. Tama naman siya. Habang girlfriend ko si Chelsea, feeling ko nagchecheat ako pero hindi ko nga lang pinansin.

“Oi joke lang! Hindi naman kita sinisisi dahil doon. “ Naalarma naman siya dahil sa naging expression. Hays.. madami talaga akong kailangan bayaran kay Charm.

“Labas tayo bukas? Susunduin kita sa bahay niyo.” Sabado bukas at bukas ko na sisimulan ang panliligaw ko ulit. Kahit ilang beses pa ako manligaw ulit sa kanya, okay lang.

“Bakit?”

“Pwede bang maidate ang babaeng liligawan ko?” Namula siya bigla. Priceless.

“Hindi pwede.” May lakad ba siya bukas?

“Bakit?”

“May date kami ng boyfriend ko bukas.” Nakangiti pa niyang sabi sa akin. Bigla akogn kinabahan.

“Boyfriend?”

“Adik ka Sam! Bakit? Nagbreak ba tayo?” 

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now