13. Ran Online

67K 1K 124
                                    

This story is also dedicated to my favorite online game ever. Ran Online PH.

13. 

"Ba't di mo sinabi sa akin na doon tayo kakain sa inyo?" Nakapout siya habang nagsasalita. nangingiti na lang ako. ANg cute lang kasi.

"Surprise nga! At tsaka napagpaalam na kita kina Tita. Si Mommy kasi nag invite kasi nakakahiya na daw at araw araw na lang akong kumakain sa inyo. Kaya babawi daw siya." Namula siya sa sinabi ko.

Pagdating namin sa bahay, agad naman inagaw ni mommy sa akin. Botong boto kasi yang si mommy kay Charm. SIya lang kasi ang pinakilala ko sa kanila at dahil sabik si Mommy sa anak na babae, kaya ayan spoiled si Charm sa kanya.

"Ano ang gusto mong meryenda anak?" Napalingon ako nung nagsalita si Mom. 

"Kahit anong meron Mom." Sagot ko naman.  Pero tiningnan lang ako ni Mom.

"Heinz, si Charm ang tinatanong ko." Napangisi naman si Charm. Talaga naman. Ako ang anak di ba? tsk! tsk! Ginagamit na naman niya ang Charm niya kay Mommy. Kinamot ko na lang ang ulo ko. Napahiya kasi ako eh. Langya lang! Hihihi.

"Magbibihis lang po ako saglit." Umakyat na ako ng kwarto at nagbihis. Pero bago yun binuksan ko muna ang pc at nag online sa favorite online game ko. hehehe.

Maya maya pa naaliw na ako. Hindi ko namalayan na medyo napatagal na ako sa kwarto. Narinig ko na lang na amy kumatok. Tumayo muna ako saglit, at binuksan ang pinto.

"Ang tagal mo naman bumaba. Naubos ko na ang meryenda." Pinapasok ko siya sa kwarto ko. Hindi namna ito ang first time na pumasok siya sa room ko. Tuwing pumupunta siya dito, palagi siya tumatambay dito. 

"Pasensiya na Babe, may ginawa lang kasi ako." Naglakad siya palapit  sa pc.

"Oi naglalaro ka pala nito?" Umupo siya sa harap ng pc ko. Bigla akong kinabahan. Syet!!!

"O-oo. Uhmmmm, babe, bumaba na kaya tayo. "

"Saglit lang naman. Palaro ha! titingnan ko kung marunong pa ako. Matagal na din akong di nakapaglaro ng Ran Online." tapos hinawakan na niya ang character ko. Nasa likod na niya ako. Hoping and praying na sana walang siyang mabasa na hindi niya dapat mabasa. Pero minamalas nga ata ako. Kasi biglang may nag PM sa character ko.

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now