21. Malabo Eh!

57.7K 788 131
                                    

21. Malabo eh.

After 7 months…

Miss na miss ko na siya. Tiningnan ko ulit ang Ipad ko at nagbabakasakaling may bagong entry sa facebook niya or sa twitter. Pero wala! Kung ano ang status niya 7 months ago, ganun pa rin ang status niya ngayon.  And since then, wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. 

Charm, bakit hindi ka man lang nagpaparamdam?

First year college na ako ngayon and I’m taking up Engineering sa University kung saan sabay kaming kumuha ng entrance exam. Parehas kaming nakapasa.

Nagbuntunghininga ako.

“Ang lalim nun ah! Siya na naman ang iniisip mo?” Napatingin ako bigla kay Mike. Oo, magkasama pa din kami. Parehas din ang course na kinuha namin. Sa lahat ng mga kaklase namin nung highschool, siya lang ang kasama ko ngayon. SI Charm sana…

“Heinz…kung babalik siya, babalik talaga siya. Pero dapat kahit paano nakipagcommunicate naman siya sayo. Wala bang facebook sa China? Wala bang twitter? Walang email? Hindi ko maintindihan kung bakit walang communication mula sa kanya at kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakamove on. Takte yan pero pitong buwan na na wala kang narinig na kahit ano sa kanya.” 

“Sino ba yang Charm na yan at naging ermitanyo ka dahil sa kanya?” Tanong ni Jake. Isa sa mga kabarkada namin at kaklase na din.

“Oo nga tol. Ang daming nagkakandarapa sayo  pero hindi mo pinapansin. Paano kong di na babalik ang Charm na yun? Hindi ka din magggirlfriend habang buhay?” Si Ethan naman yan.

“Di bali, may ipapakilala ako sayong chikababes. Tiyak makakalimutan mo ang Charm na yun pag nakita mo na si Chelsea.” Sabi ni jake ulit.

Biglang tumawa si Mike.

“Ayos ah! Another C?” Napangiti na lang din ako.

Bakit ba kasi ang tagal mong bumalik Charm? Babalik ka pa ba? Wala na ba talaga? Kailangan ko na ba talagang kalimutan ka?

Nag aaral kami sa library one time nung dumating si Jake na may kasamang babae. Pinakilala niya sa amin as Chelsea. So siya ang sinasabi ni Jake na ipapakilala sa akin. Aaminin kong maganda siya, sexy at mabait din naman.  Architecture student siya at pinsan ni Jake. Simula noon palagi na siyang kasama ng barkada at napansin kong mas palagi siyang nakadikit sa akin kesa kina Mike, Ethan at Jake. At iba ang pakitungo niya sa akin. Hindi ako manhid para hindi malaman na may gusto sa akin si Chelsea. Sa dami ng naging C ko dati, alam na alam ko kung kelan nakikipagflirt ang babae at kung kelan hindi.

Hanggang sa naging close kami ni Chelsea. Naaliw ako pag kasama ko siya kasi masaya naman talaga siyang kasama. Game siya sa mga gimik namin at dahil nga kasa-kasama na namin si Chelsea, lumalaki na din ang barkada namin kasi sumasama na din ang mga kaibigan niya sa amin.

And I admit that I am becoming fond of her. Madami na nga ang nag aakalang kami na kasi palagi kaming magkasama at tuwing kasama ko siya, hindi ko masyadong naaalala si Charm. Hanggang sa matapos ang finals namin sa first sem. Nagcelebrate kaming lahat at pumunta sa bar. Siyempre may inuman.

Hindi ako masyadong naglasing kasi alam kong magdadrive ako.  Si Chelsea naman, inom ng inom. Pinipigilan ko pero hindi nakikinig. Tapos nagkayayaan na kaming umuwi , hinatid ko si Chelsea sa apartment nila.

“Heinz.”  Sinulyapan ko siya. Tipsy siya. “Bakit wala kang gf?” Nagulat ako sa tanong niya. Ngayon lang siya naging ganito ka prangka. Oo nakikipagflirt siya sa akin pero it was subtle flirting. Hindi mahahalatang nilalandi ka na niya pala.

Pero hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sa kanya. Kasi hindi ko alam kung ano na ang status namin ni Charm.

“Sa pogi mong yan, nakakapagtaka na wala kang gf. Bakla ka ba?” Napangiti na alng ako sa sinabi niya. Ipinark ko na ang sasakyan sa harap ng apartment niya. Pasalamat ka Chelsea, hindi na ako katulad ng dati kasi kung nagkataon… ahhh ewan.

“Meron akong girlfriend.” Napatingin siya bigla sa akin. “Dati.”

“Eh saan siya ngayon? Anong nangyari sa inyo. Bakit di ko siya nakikita at di mo man lang pinapakilala sa amin?” Daming tanong oh! Curious?

“Nasa China siya eh.” Tumango tango siya.

“So long distance relationship pala kayo.” Long distance relationship nga ba kami? Hindi rin.

“Actually, hindi rin. Ewan ko. Malabo eh. Wala na kasi kaming communication simula nung umalis siya.” Umiwas ako ng tingin kay Chelsea. Ayokong makita niya na hanggang ngayon nalulungkot pa din ako sa nangyari sa amin ni Charm.

“I see. Mahal ka ba niya?”

“Oo dati. Ngayon, Hindi ko na alam.” Nakakagaan pala ng loob ang magsabi ng saloobin. Akala ko itatago ko na alng ang mga hinanakit ko kay Charm. Oo may hinanakit ako sa kanya. Nasaktan ako sa nangyari sa amin. Pero mas nasaktan ako kasi hindi na siya nakipagcommunicate sa akin. Ilang beses na akong pumunta sa bahy nila at nagbabakasakaling umuwi na sila pero wala. Hanggang ngayon, nakasave pa din ang number niya sa phone ko at from time to time idinadial ko kasi baka mag ring at may sumagot pero wala. Wala ding reply sa mga email, at private messages ko sa kanya.

Alam naman niya ang number ko, alam niya ang address namin, alam niya ang email add ko pati ang lahat ng accounts ko sa mga social networks pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Nakakasama lang ng loob.

“Heinz, kung hindi ka na niya mahal, ako, mahal kita.” Napatingin ako bigla  kay Chelsea.  Hindi ko alam kong namumula ba siya dahil lasing siya o nahihiya siya.

Mga 1 minute din ata akong nakatingin lang sa kanya until I notice na parang iiyak na siya. Hindi ko alam pero, hinawakan ko ang mukha niya and kissed her.

And that night, I have a new gf. 

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now