20. Yours always

61.4K 927 92
                                    

Chapter 20. Yours Always

Walang pagsidlan ang saya ko kasi nagkabalikan kami ni Charm. Madami din ang natuwa ng malaman nila na kami na ulit. Hindi naman pala ako gagraduate ng bigo. Hehehe.

2 weeks na lang kasi at gagraduate na kami. Tapos na din ang final exams namin kaya wala na talaga kaming ginagawa. Nung exam week, doon ako nag aaral sa bahay nila Charm kasi sabi ko para sabay kami pero ang totoo niyan para hindi niya maentertain si Lucky. Sa ngayon busy kami kasi election ng student government. At dahil parehas kaming SG officer parehas din kaming busy.

At simula kaninang umaga hindi pa kami nagkikita kasi nasa kabilang building siya na assign. Miss na miss ko na siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext.

‘Baby, naglunch ka na?’ Sabay kasi kami naglalunch palagi pero dahil nga election my binibigay na lunch sa mga election officers. Eh baka hindi pa kinain nun. 1:30PM na kaya. Ayaw kong nagugutom yun kasi nagiging tigre.

Napangiti ako nung nagreply agad siya.

‘Opo. Pero kukunti lang ang food. Nagugutom pa ako. Bakit ang unfair mo? Kesyo President ng SG dyan na lang sa office? Samantalang kami nagpapakahirap?’ Napangiti ulit ako. Naiimagine ko na nagpapout siya.  Takte! Mas lalo ko siyang na miss.

Tumayo ako at pumuntang cafeteria tapos bumili ng pagkain tapos pumuntang kabilang building kung saan naka assign ang maganda kong gf. Medyo madami dami pa din ang nagvovote. Lumapit ako sa kanila pero hindi niya ako napansin pero napansin ako nung katabi niya kaya sinenyasan kong ako muna sa upuan niya. Tumayo naman agad siya at nagexcuse kay Charm.

Umupo na ako sa tabi niya pero busy pa din siya sa kausap niya at nagbibigay ng instruction.

“Vote wisely po.”  Sabi pa niya.

“Ang bilis mo naman umihi Kara. Ano ka si Flas----waaaahhhhhhh” Nanlaki talaga ang mata niya pagkakita sa akin. Ngumiti lang ako.

“Ano ang ginagawa mo dito Sam!?” Ang lakas ng boses niya. Napapatingin tuloy ang ibang estudyante.

“Papakainin ang gf kong gutom pa din tapos magbabantay dito para hindi unfair ang SG President.”  Kumindat ako sa kanya kaya namula siya bigla. Takte ang ganda talaga ng gf ko oh! Sarap kurutin ng pisngi lalo na pag nagbablush. Kelan ko kaya siya pwedeng pakasalan?

Hanggang sa matapos ang election ng araw na yun sinamahan ko siya at hinatid ko pa siya sa bahay nila. Next week napag usapan namin na sabay kukuha ng entrance exam sa school kasi plano naming sa iisang school mag aaral. Alangan naman na magkaiba pa kami ng school. Di ako papayag sa ganun.

At hindi ko alam pero pag masaya ka, mabilis dumaan ang araw kaya hindi namin namalayan na bukas graduation na namin.

Hinatid ko siya sa kanila pero hindi muna kami umuwi. Tumambay  muna kami sa park sa harap ng bahay nila.

“Ready na ba ang speech mo?” Tanong niya sa akin. Ako kasi ang valedictorian kaya may speech ako. Oo na! Ako na! Me already! Wag niyo na akong purihin. Alam ko na yun! Wahahaha.

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now