17. Sino nagsabi?

61K 1K 127
                                    

17.

A few days had passed simula nung huli kaming magkausap ni Charm. Ang hirap. Ang hirap kasi gustong gusto ko siyang lapitan. Gustong gusto ko siyang kausapin pero siya na mismo ang umiiwas sa akin. Ginagawa niya ang lahat para lang hindi magcross ang landas namin.

  

Hindi ko alam kung hanggang kelan kami magkakaganito. Kung hanggang kelan niya ako iiwasan at kung hanggang kelan ko siya titingnan sa malayo.

Katulad ngayon. Tinitingnan ko siya habang palabas sila sa cafeteria kasama ang mga kaibigan niya. kung dati ako palagi ang kasama niya sa cafeteria, ngayon, ni hindi ako makalapit sa kanya. 

Takteng buhay to. 

"Hi Heinz" Napalingon ako sa nagsalita. Si Candice. Senator siya ng SG at third year na siya at cheerleader. Maganda, sexy, flawless at mestiza. May lahi kasing British.

"Oh Candice, do you need anything?" Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya. Alangan naman na simangutan ko. Ang bading lang nun.

"Ahmmmm, are you free this friday? After class?" Nag isip ako kung may gagawin ako pero wala.

"Oo wala naman akong gagawin or pupuntahan." Meron sana kung hidni kami nag away ni Charm. ka date ko sana siya sa Friday.

Nakita kong natuwa siya nung marinig niya ang sinagot ko. 

"So pwede tayong magdate sa Friday?" she said enthusiastically. Nagulat ako sa sinabi niya? Date? Kunsabagay, nung hindi pa kami ni Charm, ganito din ang scenario. Siguro kung hindi ako nainlove kay Charm, siguro hindi na ako magdadalawang isip na umoo. At siguro nadagdagan na naman ang C collection ko.

Pero hindi na ako ang dating Heinz at wala na akong planong bumalik sa dati.

"I am sorry Candice but I cannot go out with you this Friday." nawala ang ngiti sa mga labi niya. I can see that I have disappointed her.

'Why?' Anong klaseng tanong yun?

"Because I am not allowed to date you or any other girl."

"Why? Do you have a new girlfriend?"

"No Candice, i don't have a new gf?" Lalong nagtaka siya sa sinabi ko.

"Then....." Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Dinugtungan ko na ang sinabi ko.

"But I have a girlfriend, si Charm. That's why I can't have a date with you." Nakikita kong parang iiyak na siya.

"But I think you and Charm... Akala ko naghiwalay na kayo?"

"Sino ang nagsabi?"Tumiim ang bagang ko.

"Alam na ng buong school na naghiwalay na kayo." Umiwas ako ng tingin kay Candice.

"Oo, nakipagbreak siya sa akin. Pero hindi ko tinanggap so technically kami pa rin. Siguro para sa kanya hiwalay na kami pero para sa akin girlfriend ko pa rin siya. At hangga't hindi ako pumapayag sa maghiwalay kami, mananatili siyang gf ko. At habang gf ko siya, hindi ako pwedeng makipagdate sa iba kasi ayaw ko nang ulitin ang panloloko ko sa kanya."

"You are pathetic Heindrick. Ayaw na nga sayo nung tao pinipilit mo pa din ang sarili mo! Why don't you move on" Siguro sa tingin ng lahat pathetic ako. Baliw. Trying hard. O kung ano pa. Pero wala naman kasi sila nung nag usap kami ni Charm. Hindi nila alam ang mga nangyayari.

Hindi nila alam na nasasaktan din si Charm sa ginawa niya.

"You're wrong Candice. Hindi niya sinabi na hindi na niya ako mahal. Hindi niya sinabi na ayaw na niya sa akin. Nakipaghiwalay siya sa akin kasi nasira ko ang pagtitiwala niya hindi dahil sa hindi na niya ako mahal." May narinig akong nagbubulung bulungan.

Lumingon ako sa paligid at nakita kong madami na pala ang nakikinig at nanonood sa amin. Mga tsismosa't tsismoso talaga. Pero wala akong pakialam.

Mabuti nga't andito sila para malaman nila at maging saksi sa lahat ng sasabihin ko.

"Hangga't hindi niya sinasabi na hindi na niya ako mahal hindi ko tatanggapin ang pakikipaghiwalay niya. She will remain my gf at gagawin ko ang lahat para maibalik ko ang tiwala niya sa akin. Kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako."

Hindi ko napigilan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Isipin na nilang bading ako. Isipin na nilang mahina ako. Isipin na nila ang lahat na gusto nilang isipin.

Pero para sa akin, hindi masamang iyakan ang babaeng mahal mo.  

♥ Charm ♥जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें