Epilogue

67K 2K 480
                                    

Epilogue.

Tok!

Bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga ko. Napatingin ako sa bedside clock ko and it’s already 1:52AM. Pucha naman! Nakaidlip na ako eh. Ang hirap pa naman makatulog at kailangan kong matulog ng maaga.

Tok!

Napatayo na talaga ako at lumapit sa may pinto ng terrace kung saan nanggagaling ang tunog.  Peste! Sino ba ang nambabato ng pinto ng terrace ng kwarto ko? Talaga naman! Kapag nahuli ko yun, dila lang niya ng walang latay.

Tok!

Talaga naman!

Agad kong binuksan ang pinto ng terrace at natamaan ako ng kung ano sa mukha. Pucha! Taena talaga!

“Tangna! Sino yan!” Hawak hawak ko na ang baseball bat ko na nakasandal sa likod ng pinto ng kwarto ko.

“Sam! Tulungan mo akong makaakyat!” Bigla kong nabitiwan ang hawak ko na bat nung marinig ko ang boses na yun. Napatingin ako bigla sa baba ng terrace at muntik na akong himatayin when I saw Charm on top of the ladder. At siya yung kanina pa nambabato ng pinto ng terrace? Anong klaseng trip to?

“Charm! Anong ginagawa mo dyan?” Bigla akong kinabahan. Paano kong mahulog siya sa ladder? At ano ang pumasok sa isip niya na umakyat siya sa ladder? At bakit andito siya sa bahay namin?  

“Tulungan mo muna akong makaakyat bago kita sagutin.” Lalong akong kinabahan she she took a step upward. Tangina naman!

“Pucha! Charm Ming bumaba ka dyan! Baka mahulog ka!” Potek! Papatayin ba ako ng babaeng to? Ano ba ang naisip nito? Tae! Hindi ko siya kahit kailan maarok.

“Bababain kita basta bumaba ka na dyan!” Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at bumaba ng bahay at pumunta sa may tapat ng kwarto ko kung nasaan ang pasaway kong fiancée. Sa lahat ng kalokohan na ginawa niya, ito   ang pinakalala. Nakababa na siya ng ladder  at nakaupo sa damuhan nung makarating ako.

“Bakit ka andito? Akala ko tulog ka na? Bakit ka umakyat ng ladder? Paano kung nahulog ka? Charm naman! Anong oras na?” Kinamot lang niya ang ulo niya at kinagat ang lower lips niya and she pouted. 

“Eh kasi naman Sam, hindi ako makatulog sa bahay.” Kahit na naiinis ako dahil pinakaba niya ako sa ginawa niya hindi ko pa din maiwasan na matuwa kasi andito siya. Pinapairal ko na lang ang inis ko pero ang totoo gusto ko na lang siyang yakapin at dalhin sa kwarto at halikan at… Pucha! Wag kang magi sip ng ganyan Samuel. Nakatiis ka ng mahigit isang taon, matitiis mo ang ilang oras pa.

“Pag umakyat ka ba ng ladder makakatulog ka?” Inis pa ding sabi ko. Nakita ko siyang yumuko para itago ang ngiti niya.

“Nenenerbiyos kasi talaga ako. Ikaw ba hindi? Hindi ako makatulog. Naisip ko, baka kung magkasama tayo, makakatulog ako. Kaya pumunta ako dito.” Napabuntunghininga na lang ako.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon