8. Ano ang gusto mo?

73.1K 1.2K 110
                                    

 One of my beloved friends here in wattpad and in Teentalk. Thanks a lot sis rachelle.

8.

Kahit masakit ang suntok niya tumayo pa din ako. Kahit nahihilo ako, hinabol ko pa din siya. Mabuti na lang at naabutan ko siya bago pa siya lumabas ng auditorium.

Hawak hawak ko ang kaliwa kong pisngi na sinuntok niya at hawak naman ng isa kong kamay ang braso niya apra pigilan siya sa pag alis. Para na rin masiguro na kung suntukin man niya ako ulit yung mahina na kaya kanan na kamay niya ang hinawakan ko.

"Charm! Saglit lang naman! Nagwawalk out ka na naman eh." Tiningnan lang niya ako ng masama. Peor hindi niya inalis yung kamay niyang hinahawakan ko.

"ANO!? GUSTO MO PA NG ISANG SUNTOK? PARA MATAUHAN KA?!!" Sumisigaw na siya nyan. Tsk rsk! Paano kung may makarinig sa amin. Pero bahala na kesa naman dedmahin na naman niya ako. Ang hirap kaya ng ganun.

Sus! Kung makahirap naman ako parang gf mo si Charm ah.

Teka sino yun?

Bwahahahaha. Secret!

Leche! Nababaliw na ba ako? Bakit may nagsasalita? Epekto ba to ng pagkasuntok niya sa akin.

Hahahahaha.

"ANO?" Nagulat pa ako nung nagsalita si Charm. OO nga pala.

"Teka lang kasi bakit ka bigla bigla na alng nanununtok? Ano ba ang problema mo?" Lalong naningkit ang mga mata niya.

"Tinatanong mo ako kung ano ang problema ko?!!" She shouted. Langya kung makasigaw wala talagang respeto. SG President kaya ako.

"Kaya nga nagtatanong di ba? Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sana hindi ako sapakin ulit. Sana hindi! Sana hindi!

I saw her closed her eyes na parang pinipigilan niya ang sarili niya.  Nakakuyom na din ang kamao niya. Parang kunti na lang talaga makakatikim na naman ako ng sapak. Tapos huminga siya ng malalim.

"Dapat alam mo kasi ikaw ang may kagagawan lahat!" Hala ako daw?

"Ako ang may kagagawan lahat? Ano ang ginawa ko?"

"Alam mo Samuel Heindriek, kung lahat ng mga babae nagtatangahan dahil sayo ibahin mo ako! Hindi dahil sa sinabi mong liligawan mo ako at gusto mo ako ay maging tanga na din ako." Napangiti ang puso ko sa sinabi niya. Ang puso ko alng ang napangiti kasi hindi ako pwedeng ngumiti kasi baka suntukin niya ulit ako.

"So totoo nga na nagseselos ka kay Claire?  Kaya galit ka na naman sa akin." Umirap lang siya. Grabe katakot pala kung magselos si Charm. Bugbog sarado ako.

"Ano gusto mo hiwalayan ko silang lahat? Sige kung yun ang gusto mo gagawin ko." She rolled her eyes. Alam kong galit siya pero I really find her cute.

"Ay hindi! okay lang sa akin na pagsabayin mo silang lahat." huh? Okay lang sa kanya?

"Matutuwa pa nga ako kung dadagdagan mo pa ang mga gf mo eh."

"Gusto mo ipagpapiyesta pa kita?"

O_O---> ako yan

O_O---> ako pa din yan

"Ang tanga mo Samuel!!!" Bakit naman ako naging tanga?

"O baka gusto mo agawin pa kita sa kanila?" Hala!

Ano daw?

Agawin?

ANg tagal magregister sa utak ko.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Bwisit!" Sabay talikod at labas ng auditorium.

Ako.

O_O

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now