4. Taken

88.7K 1.3K 59
                                    

4

Ang ogag ko talaga kahit kailan! Yan kasi hindi ako nag iisip bago gawin ang mga bagay bagay. At dahil sa paghalik ko kay Charm sa SG Office hindi lang kami nag iilangan ngayon, ngayon hindi na niya talaga ako pinapansin. Seatmate nga kami pero ni hindi siya lumilingon sa gawi ko. Pag tinatanong ko siya, one word lang palagi ang sagot niya. Pag yung tanong ko naman kailangan ng mahabang sagot, bubuntong hininga siya ng malalim na parang naiinis na kinakausap ko siya. Takteng buhay to! Hindi ako tuloy makapag sorry kasi umuurong na nga ang dila ko dahil kinakabahan ako pag kakausapin ko siya tapos pag tinawag ko ang pangalan niya ang lagi niyang sagot sa akin ay pasinghal na "Ano!" Paano ko pa siya kakausapin pag ganun ang sagot niya?  Amp!

Baby, are you okay? Nilingon ko ang katabi kong babae na nakaabrisyete sa akin. Sino nga ba to? Claire? Clarice? Ahhh ewan basta C.

Ahh wala. Tsss. Nakita kong medyo nakakunot ang noo  nung tingnan ako ni Claire.. ahmmm Clarice

Anong wala? Tinatanong ko kung okay ka lang. Syeet! Mali ang sagot ko.

Ahmmm.. I mean okay lang ako. Wala akong problema. Punyemas. Kung saan saan kasi napupunta ang isip ko. Takte! Bakit ba ganito na lang kung makaisip ako kay Charm? Wagas eh! Di ako pinapatahimik. Nakakairita na.

At isa pa, gusto kong mapag isa kasi gustong guto ko nang hanapin si Charm para makapag usap kami. Ang gago ko lang kasi eh. Aanhin ko naman ang gwapo kung gago naman! Tss. Kakabadtrip! 

Nagklase na kami nung hapon pero di pa rin ako kinakausap ni tinitingnan ni Charm. Para akong tae na titingnan lang nasususka na siya. Langya! Sa gwapo kong to? Kaya nakapagdesisyon ako na aabangan ko siya sa may gate. Pagkakaalam ko kasi mag isa lang yan umuuwi kaya tama lang na sa may gate ko siya abangan.

Maya maya pa nakita ko siyang papunta na sa gate. Nyemas, walang dalang kahit isang notebook. Ni wala siyang bag. Hindi ba yan gumagawa ng assignment? Pagkakaalam ko madaming kaming assignment ah.

Charm! Napatingin ako sa taong nakasabay sa pagsigaw ng pangalan niya. Nakatingin din siya sa akin. Pati si Charm napatingin sa akin.

Kilala mo baby? Baby? Baby ang tawag sa kanya ng hinayupak na lalaking nakasandal sa kotseng blue? Shit! Nakakaasar.

Classmate. Sagot niya sa lalaki sabay ngiti. Tinanguan lang ako ng lalaki at pinagbuksan na ng passenger door si Charm

Charm! Hindi ko napigilan ang sarili kong tawagin siya bago pa siya sumakay ng kotse. Tumingin ulit sila sa akin. Mukhang naiirita na ang lalaki. SI Charm, wala pa ding emosyon ang mukha.

Boyfriend mo? Di ko napigilan ang sarili kong itanong. Tiningnan lang niya ako ng matagal tapos tinaasan ng kilay. parang sinasabing, anong pakialam mo? Tapos pumasok na siya ng kotse at sumakay na din sa driver seat ang lalaki.

Nabubwisit ako. Ni hindi niya ako kinausap. First time akong isnabin ng babae. Takte. Gusto kong batuhin ang kotse ng lalaki.  Nakakabwisit talaga! Nyemas!

_________________

Anong gagawin ko, ayaw niya akong kausapin.

Nino?

Ni Charm.

So?

Anong So?

Ano ba kasi ang ginawa mo kung bakit ka dinedeadma ni Charm? Hindi kasi alam nila Mike kung bakit ako hindi kinakausap ni Charm. Ang alam lang nila dahil dun sa unang kiss namin.

Wala nga. Tiningnan lang ako ng matagal ni Mike at nilaantakan ulit ang pagkain sa harap niya.Hinanap ko si Charm sa canteen pero hindi ko siya nakita. Napapansin ko din na parang hindi na siya kumakain sa canteen.

Pare, wag mo isama si Charm sa C collection mo. Para na nating kabarkada yun. Nagulat ako nung biglang nagsalita ni Mike. Takte! Isa pa yun. masyado concern ang mga barkada ko kay Charm.

Hindi ko gagawin yun. Hindi nga ba? Di ba ganun naman ako? Amp!

Siguraduhin mo lang pare. Baka buong barkada makakalaban mo. Tsk. Andun daw siya sa auditorium. May rehearsal ata siya.

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now