11. Mahal kita Charm.

69.3K 1.1K 107
                                    

11.

Para akong lumulutang ng dahil sa nangyari. Parang hindi pa rin ako makapaniwala.

Sinagot na ako ni Charm.

Napangisi ako.Simula kanina hindi na maalis ang ngiti ko.

Para akong adik! High na high ako. Kakaiba pala talaga ang feeling. Iba ang feeling pag nagbunga ang pinaghirapan mo! Takte! Pwede na akong mamatay!

Joke lang. 

Nakita ko siyang palabas ng bar kasama ang mga kabanda niya. Nakikipagharutan pa siya sa lead vocalist nila. Ngayon naalala ko na kung saan ko nakita ang ang lalaking yan. Siya yung minsan sumundo kay Charm.

I saw her looked up at him and laugh at what he said. Hindi ko alam pero bigla akong nainis.Pinigilan ko lang ang sarili ko kasi ayaw kong ma spoil ang moment.

"Oi Charm, maiwan ka na namin." Sabi nung kabanda niya nung matapos niya kaming ipakilala. Hindi ko na sasabihin ang mga pangalan nila. Katamad lang kasi.

Nagpasalamat ako nung umalis sila agad. Sino ba ang hindi magpapasalamat? Sa wakas masosolo ko na ang gf ko. Naks gf talaga. Takte, kinikilig ako. Normal ba to? Hindi kaya may sakit na ako?

Napatingin ako sa kanya, napatingin din siya sa akin. Nag iwas kami ng tingin. Takte! Ang awkward!

Hala!

Bakit ganito? Kung kelan pa na kami na, tsaka kami nagkailangan.

"Sam" "Charm" Ayun nagkasabay pa kami.

"Ikaw na mauna." Nakikita ko siyang namumula. At dahil ayaw ko ng cliche na magtutulakan pa kung sino ang mauna, sinunod ko na lang siya.

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now