Chapter 1

278 14 0
                                    

Hurting

"Where did you go? Pumunta ako sa bahay niyo wala ka. Tinanong ko naman si Tita, parang hindi naman ako narinig," he pouted while his two hands are now on his pocket.

Tahip-tahip ko naman ang dibdib ko ng bigla siyang sumulpot sa harap ko, pagkababa ko pa lang ng tricycle, galing hospital.

He's wearing his pambahay clothes. A simple black shirts and a jersey shorts. Naka nike rin itong black na cup, habang ang pa curve nito ay nasa likod ng ulo niya. At naka flip-flops lang.

Ang astig niya sa pormang iyon.

"Diyan lang sa tabi-tabi naghahanap ng dress na isusuot mamaya, pero wala akong mahanap," pagdadahilan ko.

Mabuti ay hindi ako nautal at hindi nito nalaman na nagsisinungaling lang ako sa kaniya.

Dahil galing ako sa hospital at nagpa check up ng kalagayan ko.

He just nodded at me and lead me a signature paper bag. Kinuha nito sa stone chair na nasa gilid namin, kung saan iyon nakapatong.

"I know, that you don't have a new dress. Kaya pinabilhan kita kay Ate," lahad pa nito sa paper bag na hawak niya.

Tiningnan ko lang naman iyon at hindi mapigilan ng puso ko ang humerentado sa bilis.

Ano bang ginagawa mo sa akin Bryce. Mas lalo lang kumakabog ang dibdib ko dahil sa 'yo. Hindi na 'to maganda!

"Tatanggapin mo ba o hindi? My hand is numbling now," he arched his eyebrows on me.

Nang hindi ko pa rin kinukuha ang paper bag sa kaniya ay siya na ang gumawa ng paraan.

He held my right hand at pinahawak na sa akin ang paper bag na hawak niya.

At sa sandaling iyon, para bang may kuryenteng pumasok sa kamay ko, dahil sa paghawak ng kamay ko ni Bryce.

Mabilis ko namang hinila ang kamay ko habang hawak na ang bigay nito.

"That will suit you, Camira. Kaya sukatin mo na," he smirked at me.

"Hindi 'ko 'to matatanggap. Sa paper bag pa lang, I know this is not a kind of dress na mabibili lang sa down town. T'ska ibalik mo na 'to kay Ate Keanie. Ayoko, Bryce," lahad ko naman ng paper bag sa kaniya.

Humalukipkip naman ito sa harap ko.

"You touch it right. So, sa 'yo na 'yan. You can't give it back to me that again. At kita na lang tayo, mamaya sa bahay."

Talikod nito sa akin at pumunta sa isang tindahan, kung nasaan ang iba nitong kaibigan na lalaki na taga rito lang din sa loob ng village na 'to. Kumaway naman ang iba sa akin, kaya nginitian ko na lang din sila.

May hawak na bola ang isa kaya alam ko kung ano na naman ang gagawin nila. They'll play basketball.

Napa-iling na lamang ako sa kakulitan  ni Bryce at pumasok na sa bahay.

Nag text naman ako kay Mama na nakarating na 'ko at alam kong nasa bahay na ito nina Bryce naghahanda para sa mga lulutuin.

Nag text din ako kay Ate Keanie tungkol sa dress.

Ate Keanie:

"That's yours, Camira. Pinabili 'yan sa akin ni Bryce, para may suotin ka. Alam mo naman 'yon. Kaya 'wag mo nang ibalik. Magagalit lang 'yon sa 'yo. T'ska suotin mo mamaya. Bagay 'yang dress na pinili ko."

Ayan lang naman ang reply nito sa akin. Kaya no choice talaga ako kung hindi suotin ang dress na 'to mamaya.

Tanghali pa lang naman kaya may oras pa 'kong matulog para makapagpahinga.

His Cry (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα