Chapter 10

172 7 0
                                    

Sincere

Wala akong masabi. Hindi ko alam ang i-re-react ko. Tanging pagbuka lang ng bibig ang nagawa ko dahil sa gulat.

He really mean it! Shit, naman! Pwede bang tumakbo na lang ako at pumasok sa loob ng bahay? Pero useless din naman iyon dahil magkikita at magkikita pa rin naman kami ni Bryce.

T'ska akala ko ba nakalimutan niya na 'yon. Pero ang loko pala ay hindi, halos kanina parang ayaw niya pa 'kong kausapin!

"Do you want to say something to me?" he asked and held my hands.

Mas nagulat naman ako, kaya tuloy bigla kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

May bigla kasing dumaloy na kuryente roon. Pati ang balahibo ko ay nagtata-asan na.

"Huh! A-ano, Bryce... Nakahithit ka ba?" I asked him, couldn't help but to shivered because of his gaze.

I saw him shook his head on me. "No! Hindi ako adik, Camira."

"Yah, I know. Pero ang lakas kasi ng tama mo... Ku-kulang lang 'yan sa pahinga...," nauutal ko na namang sabi.

"Mas malakas ang tama ko sa 'yo, Camira," he said huskily.

Mas nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. At para na naman akong hihimatayin dahil sa lintik na pusong 'to. Dinagdagan pa ng hinawakan pa 'ko nito sa magkabilaang balikat ko.

Mabilis pa sa alas kwatro akong lumayo sa kaniya at dahan-dahan siyang nginitian, dahil kita ko na ang tingin nitong hindi ko maipaliwanag kung ano ba 'yon. Para siyang nasasaktan na ewan.

"Ano-ano. Uhmm... Pasok na muna ako...," turo ko sa bahay. "Pagod na rin kasi ako... Ikaw din magpahinga kana...," nauutal kong sabi at parang hindi na alam ang gagawin.

Hindi na rin ako makatingin nang maayos sa kaniya. Pero kahit anong iwas ko ay hinahabol niya naman 'yon.

He just smirked at me, pero para namang may dumaan na pait sa mga mata niya. "You want to ignore or reject me? Huwag ako, Camira, if I said I want! Gusto ko at gagawin ko. Hindi mo 'ko mapipigil. At kahit anong layo mo, hahabulin kita at lalapitan. I know you was shocked about confessing my feelings to you right now. Ayoko lang na mahuli at maagaw ka sa akin. This is final... Good night see you tomorrow."

Tumalikod na ito sa akin at nagpatuloy nang maglakad para makauwi.

Hindi ko man lang nakita ang reaksiyon nito. Galit kaya siya? Pero sa boses naman nito ay parang normal lang.

At ito ako ngayon parang hindi alam ang gagawin. Hanggang makapasok sa bahay tanging sinabi lang ni Bryce ang nagpa-ulit-ulit sa utak. Sinama pa ng puso kong wala na namang tigil sa pagbayo at pagtakbo. Sumasakit din ito na para bang pinipilipit. Kaya ang ending ay gumamit na naman ako ng nebulizer at uminom ng mga gamot ko dahil hindi na naman ako makahinga dahil sa gulat.

Papatayin mo ba 'ko sa gulat, Bryce?

"Pumunta rito si Bryce, hinahanap ka? Ano bang meron at ayaw mo siyang makita, Camira? Nag-away ba kayo? Ilang araw kanang hindi lumalabas. Sinaktan ka na naman ba niya...?-"

Mabilis akong umiling sa sinabi ni Mama. Hindi rin mapigilan ng mukha ko ang mamula.

"May masama ba sa 'yo?" my mother asked me worriedly.

Umupo na rin ito sa tabi ko. Kinapa ang leeg at noo ko.

"Ma, wala po akong sakit," I said.

"Ang puso mo?" she asked again. "Pupunta tayo sa ospital ngayon. Kahapon kapa tahimik at malalim ang iniisip. Nag-aalala na 'ko. Sabi ko naman na 'wag kang magtago sa akin, kung ano ang nararamdaman mo...-" she said but I cut her off.

His Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now