Chapter 8

144 9 0
                                    

Upset

"Aba, ang ganda naman niyan!"

Napansin ni Ate Keanie at Tita Bleya ang suot kung kwintas at hikaw.

"Binili ko kay Camira," Bryce said.

"Bakit may nagtanong ba?" halakhak na ni Ate Keanie.

"Ang sama mo talaga sa 'kin, Ate. Humanda ka lang talaga!" taas kilay na sabi ni Bryce.

Pero nginisihan lang naman ito ni Ate Keanie.

"That's enough. Kakain na tayo," paghihinto na ni Tito Gian sa dalawang anak niya.

Palihim naman silang nag belatan sa isa't-isa. At napapa-iling na lamang ako sa pagiging childish ng dalawa.

Malamig ang simoy ng hangin dahil sa labas kami ng villa kumakain. Mabuti na lang ay may dalang jacket si Mama para sa akin. Para hindi ako malamigan ngayon.

Nag kwentuhan lang naman kami, kung ano ang nangyari at nagpahinga, dahil na rin pagod ang lahat sa byahe, maliban kayna Kuya Jaz at Ate Keanie na mamamasiyal pa at baka mamayang hating gabi na uuwi. At baka sumama rin si Bryce dahil makulit din iyon minsan.

Naging matiwasay naman ang pagtulog ko at ako pa nga ang na late gumising.

Ngayong araw na 'to ay mahaba-haba ang oras namin para mamasiyal at si Kuya Jaz na ang gumawa ng mga list, kung saan kami pupunta.

At sa isang isla kami pumunta ngayon. Pwede roong mag diving at mag snorkeling. Pero ako ay tamang panood lang sa kanila.

Kitang-kita ko naman na nag eenjoy sila. Pati nga sina Tita Bleya at Tito Gian ay nag snorkeling din. Habang kami ni Mama ay pinagmamasdan lang sila at naligo lang din sa mababaw na tubig.

"Ma, try niyo rin mag dive o mag snorkeling," sambit ko na.

Mabilis itong umiling sa akin.

"Nako, Camira. Baka mahimatay pa 'ko dahil diyan. Kung wala ka lang sakit at marunong lumangoy, e'di sana ay pwede ka sa mga ganiyang sports...," mahina na nitong sabi sa akin.

Napangiti naman ako ng mapait kay Mama at niyakap siya.

"Ano ka ba naman, Ma. Nag enjoy ako, dahil kasama ko kayo ngayon at nakapag bakasiyon tayo ng libre. Ang sarap sa pakiramdam na ganito lang ang tanawin na makikita natin. Ramdam ko ang freedom at peace ngayon."

Hinalikan naman ako nito sa noo.

"Sabihin mo sa akin kung may iba kang nararadaman. Ayokong tinatago mo ang nararamdaman mo at nagsisinungaling. Ayoko lang na may mangyaring masama sa 'yo, Camira."

"Walang may mangyayaring masama sa akin, Ma."

Tumango naman ito sa akin. At pinanood ko na lang ang pamilyang Webster. Si Bryce sobrang nag enjoy at natutuwa ako dahil masaya siya.

"Sayang! Bakit ba kasi hindi ka marunong lumangoy, Camira. Tuturuan naman kita, pero palagi kang umaayaw," utas na ni Bryce habang nagpupunas ng mukha at buhok.

Naka trunks na lang ito at topless na ang loko ngayon. Hay! Nagiging makasalanan ang mata ko dahil natititigan ko palagi ang abs nito.

Naglakad naman kami papunta sa cottage kung saan nakahanda ang lunch namin. At nagsasaya na naman ang mga mata ko at tyan dahil sa sobrang dami ng nakahanda.

"Thank you, Kuya Jaz. Sarap tumira rito," pagloloko ko nang sabi.

Tumawa naman ito. "Free to ask me, Camira. Pwede kayong mag bakasiyon ulit dito ni Tita Tashia. Libre ko naman," sabi pa nito.

His Cry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon