Chapter 9

148 6 0
                                    

First Love

I heard his manly laughed and face me after sipping his last can of beer.

"I was joking at you, Camira. Hindi naman ako tanga para balikan pa si Amina. Kahit na magmaka-awa pa 'to sa akin. I'm still not move on of what she did to you. At ayoko nang mangyari ulit 'yon sa 'yo. Lalo rin akong aawayin ni Ate pag nalaman nitong nagbalikan kami ni Amina."

Sa sinabi niyang 'yon ay bigla na lang tumigil sa pagkirot ang puso ko. Akala ko ay nagkabalikan na ulit silang dalawa.

Nakahinga naman tuloy ako ng maayos.

"And I know you, Camira. Kahit sabihin mo na okay lang sa 'yo na magkabalikan kami ni Amina ay alam kung pinapatay mo na 'ko sa utak mo ngayon. Because I promised to you na hindi ko na babalikan si Amina. Our friendship is a treasure to me. Ayokong masira 'yon dahil doon."

Napangiti naman ako sa sinabi nito sa akin.

"Pero ba't ka naglalasing? May problema? Naka-usap mo si Amina?"

He nodded at me and there's a heavy sighed now.

"A-anong sabi?" hindi ko mapigilan na itanong iyon sa kaniya.

"Ayaw niyang makipag-break. Pero buo na ang desisyon ko. Makakalimutan ko rin siya."

Napabuntong hininga naman ako, kaya napatingin ito sa akin.

"Sorry, because of me you broke up with Amina. Kung hindi sana nangyari 'yon ay sana maayos kayo ngayon at masaya."

"You don't have to say sorry. It's not your fault. Mas kasalanan ko ang nangyari bakit humantong pa sa ganito. Amina is very sensitive and a jealous one. At hindi ko rin inaasahan na magagawa niya 'yon sa 'yo. Akala ko ay mawawala kana sa amin. And I couldn't forgive myself if something happened to you."

Lumakas naman ang hangin at ramdam ko pa rin ang panginginaw ngayon. Pero nakangiti na dahil sa sinabi ni Bryce.

"Marami ka nang nainom, pero maayos pa rin ang pagsasalita mo. Tara na sa villa."

He laughed at me. "Hindi naman ako mabilis malasing. May high tolerance kaya ako sa alak," wika niya at inakbayan na 'ko.

Nagulat naman ako sa pa bigla-bigla nitong galaw. At nang mas lumapit ang katawan namin sa isa't-isa ay hindi ko na maramdaman ang panlalamig.

Bigla na lamang ako nakaramdam ng init sa katawan. At gustong-gusto ko ang pakiramdam na 'yon.

"Parang gulat ka yata? Hindi ka pa nasanay."

Tumawa naman ako ng peke sa kaniya at sa dagat lang nakatingin ngayon. Ayokong ibaling ang tingin ko sa kaniya dahil sa peripheral vision ko ay malalim na itong nakatitig sa akin. Mabuti na lang ay tumingin na rin ito sa dagat, habang nakangiti na.

"S-s'ympre sanay na 'ko ano! T'ska tara na sa loob."

"Later," he said now in a husky voice.

"Baka malaman ni Mama na wala ako sa tabi niya at baka hinahanap na 'ko," bumaling na 'ko sa kaniya dahil hindi ko mapigilan na hindi siya tingnan.

Napaka perfect ng hugis ng mukha niya. Siya na ang pinagpala. Kaya maraming nagkakagusto sa kaniya, eh.

Bumaling naman ulit siya at muntikan nang magkalapit ang mukha namin dahil sa pabigla-bigla niyang pagbaling sa akin. Kaya naman mabilis ulit akong tumingin sa dagat.

"Don't worry, ako na ang bahalang mag explain kay Tita Tashia, why are you here. Pa-pasaway ka rin naman kasi...," ginulo niya pa ang buhok ko habang sinasabi 'yon.

His Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now