Chapter 14

139 7 0
                                    

Yes

"Tara manood ng practice ni Havin," kinikilig na wika ni Kate.

Naandito kami ngayon sa tambayan ko kung saan makikita ang lawa.

Bandang alas kwatro na rin at tapos na 'ko sa lahat ng mga gagawin para bukas.

"Bukas na ang sport fest bakit may practice pa siya? Dapat nagpapahinga silang mga varsity players,  para sa pag-aasist bukas sa mga students," I said confusedly.

Nagkibit balikat naman ito. "Ewan ko, pero busy rin sila. Busy rin sa department namin kasi gumawa pa ng booth. Bakit ba kasi may pa booth pa, hindi naman foundation day. But by the way sa department niyo ba tapos na rin?"

Tumango naman ako habang nag dra-drawing pa rin. Ganoon din si Bryce, busy rin sila.

"Oo, pero 'yong iba kong ka block mates, may ginagawa pa. Pati 'yong iba gusto rin sumali sa mga laro."

"Ikaw ba?" she asked, "ayaw mong sumali, kahit inside sports lang. Or 'yong hindi ka mahihirapan."

Bumaling naman ako sa kaniya. "Ayoko, hindi naman ako mahilig. Tatapusin ko na lang 'tong ginagawa ko."

Napansin ko namang binitawan niya ang crackers na kinakain niya at humalukipkip. "Ako, sumali ako kahit sa chess man lang. Tska, hindi kana ba nagsasawa sa mukha ni Bryce? Palagi na lang siya ang kasama mo, pati ba naman isang buong sketch pad mukha niya lahat ang nakaguhit. Ilang pages ba 'yan? Ba't parang ang kapal?" she asked but stilll pouting.

Napatawa naman ako sa sinabi nito. "Nasa 100 pages, malapit ko na rin 'tong matapos. Ilang pages na lang. May pinaglalaanan lang ako para iregalo 'to sa kaniya. And don't worry, gagawa rin ako ng portrait para sa 'yo."

"Ilang taon na ba 'yan?" she asked curiously.

"Nag start ako no'ng grade 9, noong magka-gusto ako sa kaniya. Kaya alagang-alaga ko 'to at takot na mawala ko," I answered.

"Weh! Grabe! Sabihin mo lang talaga inlove na inlove ka na talaga noon pa kay Bryce. Bakit ba kasi ayaw mo pang sagutin? Mag three-three months na rin 'tong nanliligaw sa 'yo. Tapos next week bridesmaid ka pa sa kasal nila kuya at siya naman ang ka partner mo. Sayang ko lang talaga, dahil pinsan ko ang ka partner ko."

"Sabihin mo kay Kuya Jaz na ilagay si Havin sa list," natatawa ko namang sabi.

Mas sumimangot naman ito. "Ang bait ni Havin sa lahat ng mga ka block mates namin. Kaya ang daming nag kakagusto, kasama na 'ko," simangot niya ulit.

Pinagmasdan ko naman siya ngayon nang mabuti. "Confess your feelings to him...–" but she cut me off.

"Paano? Alangan namang sabihin kong gusto ko na siya 'agad kahit na 1 and half months ko pa lang naman siyang nakilala. And he told me, that he love someone else. Ayaw naman nitong sabihin sa akin, kung sino."

I sighed "Ano kaba, Kate. Wala naman 'yan sa oras, eh! And you deserve Havin to your life. Huwag ka lang mawalan nang pag-asa."

"And you deserve Bryce? Ganoon?" gaya nito sa akin.

Natatawa naman akong tumango at gumuhit ulit. "Parang ganoon na nga. Because Bryce deserve me also."

She just rolled her eyes on me. "Heh! Iniingit mo naman ako, eh! T'ska, sagutin mo na 'yong loko. Matagal-tagal na rin 'yong nanliligaw, bahala ka sayang sa oras," tawa na nito sa akin.

Napahinto naman ako, dahil tama si Kate. Nagsasayang ako ng oras. Pero hindi ko alam ang gagawin ko, eh.

"Pero, it's depends on you naman talaga 'yon. Baka may hinihintay ka pa. Basta, I'm just her to support you, Camira," she smiled at me. "Free to asked me, kung paano sagutin ang nangliligaw, kahit hindi pa 'ko expert diyan!" she laughed.

His Cry (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin