Chapter 4

168 9 0
                                    

Sorry

Nang sinabi niya 'yon ay biglang mas bumilis ang pagtibok ng puso ko at nagiging abnormal na naman iyon.

Hindi na 'ko nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay.

Nililito ako ni Bryce. At bakit siya naiinis o nagagalit, kung kasama ko si Havin.

Havin is a good friend to me. Wala rin itong masamang motibo sa akin. At nagulat pa nga ako na mama niya si Doctora Lani.

Ang ikinakatakot ko lang ay baka malaman ni Havin ang kondisiyon ko. Dahil ayokong ipaalam 'yon sa kanila.

Hinatid lang ako ni Bryce sa bahay at umalis na rin naman 'agad at hindi ko alam kung bakit bad mood iyon. At siguro ay dahil sa pagtawag ni Havin sa kaniya ng "Pare".

"Totoo ba 'yan. Hindi ko alam na may anak si Doctora. Mabuti at naging classmate mo."

Bumaling naman ako kay mama na nagluluto ng pinakbet para sa hapunan namin.

"Mabait din ba naman ang batang 'yon sa 'yo?" my mother asked me again.

"Mabait po si Havin. Nagmana siya kay Doctora Lani."

Humarap naman ito sa akin.

"Oh, bakit nakasimangot ka?"

Mas sumimangot lalo ako. "Nag-aalala lang po ako, baka sinabi ni Doctora Lani kay Havin ang kondisiyon ko. Ayoko lang po na malaman nila ang kondisiyon ko. Sapat na po sa akin, na kayo lang ang nakaka-alam."

I heard her heavy sighed.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Makakatulong din sa 'yo na alam nila ang condition mo, Anak."

"Ma, ayoko lang na bigyan pa sila ng sakit sa ulo at saktan sila. Lalo na si Bryce. Ayokong ipaalam 'yon sa kaniya. T'ska gusto ko lang pong mamuhay pa ng masaya, kasama kayong lahat."

Bumuntong hininga ulit ito at hindi na nagsalita pa.

"Ma, ito lang po ang gusto ko. Kaya 'wag na po kayong mag-alala," I hugged her.

"Alam ko, Camira. Inaalala ko lang ang kalagayan mo."

"Opo, alam ko po 'yon. At maraming salamat, Ma."

Nagsimula na rin namang magluto ulit si Mama habang nanonood lang ako sa ginagawa niya.

"Good morning," Bryce greeted me.

"May pasok ka 'di ba?" I asked him.

Naka-ayos na rin ito para makapunta sa university sakay sa kotse niya.

"Mamaya pa ang pasok ko. Sinusundo kita. Pasok na," utos nito sa akin.

Wala naman akong nagawa kun'di ang sumakay sa kotse niya.

"Ma, alis na po kami ni Bryce!" katamtamang sigaw ko na maririnig naman iyon ni Mama sa loob ng bahay.

"Let's go?"

I just nodded at him at tumingin sa dashboard nito. Napansin ko roon ang ibang gamit ni Amina, pati ang pouch nito.

Siguro ay hinatid niya na 'to kanina pa.

"Ba't mo pa 'ko sinusundo, sayang sa gas 'yang ginagawa mo."

"Pagkatapos kong ihatid sa university si Amina, ay bumalik din 'agad ako sa bahay para maghanda. And I know your schedule, kaya sabay na tayo. Later wait for me to finish my last period, sabay na tayong umuwi."

"Uhmm. Baka mauna na 'ko sa 'yo. I'm still have a lot of things to do pa kasi. Pati magsisimula na 'kong mag review for finals."

Ang daya ko lang kasi sa kaniya. Siya kasi hinihintay ako at ako naman ay hindi ko man lang siya mahintay.

His Cry (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu