Chapter 6

169 9 0
                                    

Number One

"Camira, how are you? Akala ko ba ay mga ilang araw ka pang magpapagaling?" my professor in my major asked me.

"Okay lang po ako, Ma'am. Naging maayos na rin naman po ang pakiramdam ko," I answered while smiling.

She nodded at me. May bitbit itong paper bag na may lamang test paper.

"Okay, pero don't hesitate to tell me about your condition. Kung hindi mo kayang kumuha ng final exam ngayon. Bibigyan ka naman namin ng schedule to take the special exam."

"Okay lang po, Ma'am. Thank you po."

Tumango naman ito sa akin at pumasok na sa kanilang faculty room.

Habang ako naman ay naglalakad na ulit papunta sa room ng isang minor subject dahil doon ang room na naka-aasign para sa tatlong exam ngayon. Puros mga minors lang naman iyon at sa last day pa ng exam ko i-ta-take ang tatlong major subjects.

Habang naglalakad ay hindi mawala-wala ang tinginan sa akin. Siguro ay hindi pa rin nawawala ang issue, tungkol sa nangyari sa cafeteria.

Pinabayaan ko lang naman sila at binalingan na lang ang ginawa kong reviewer at inaral ang ibang terminologies, pati na rin ang ibang mga topics. Dahil alam ko ang iba ay puros situational lang ang ibibigay, at hindi naman identification o multiple choice. Dudugo na naman ang ilong ko pagnagkataon na puros five sentences ang isasagot. At puros english iyon, wala man lang filipino.

Nauna na 'ko kay Bryce, dahil mamayang nine pa ang simula ng exam nito. At ako naman ay ngayong eighth o'clock ng umaga.

Nag vibrate naman ang cellphone ko sa bulsa ng jeans ko, kaya mabilis ko iyong kinuha.

Unknown number:

"Hi, Camira. How are you? This is Havin. I asked my mom, what's your number. Mabuti at meron siya ng number mo. Kaya hiningi ko na lang. After ng exam mo, kita tayo sa cafeteria. Libre kita. By the way good morning."

Huminto naman ako para ma replayan siya.

Me:

"Good morning din. I'm okay now, Havin. Thank you for your concerned. May tatlong subjects lang akong i-ta-take. See you."

Si-nave ko na rin ang number nito, para hindi ako malito.

Nag text pa ito sa akin, pero hindi ko na binuksan pa, dahil nasa room na 'ko at magsisimula na ang exam.

Sa three hours na sunod-sunod na exam ay natapos din naman ng matiwasay. Confident naman ako na mataas ang makukuha kong score, dahil nag review naman ako.

Nilisan ko rin ang room na iyon at pumunta na nga sa cafeteria.

Pagdating ko ay nasa usual spot na si Havin. 'Yong lamesa kung saan kami unang nagkasabay na kumain at ni-libre niya ko.

May pagkain na rin naman doon.

"Hi!" I greeted him.

"How are you? Akala ko ay hindi ka muna papasok to take your final exam, dahil hindi ka pa maayos."

Umupo naman ako bago siya sagutin.

"I'm okay now, Havin. Thank you nga pala. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan. At ngayon naman nilibre mo na naman ako. Mag schedule ka na lang ng date, kung kailan kita i-li-libre," ngiti ko nang sabi.

"Hmm... Okay, I'll do that. And I texted you, what meals you want. Pero hindi ka naman nag reply kaya ito na lang nag binili ko."

Tumango-tango naman ako at tiningnan ang binili niya.

His Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now